Kadiri.
Yan ang iniisip ng iba kapag nagkagusto ang babae sa isang bakla. Mga binabaeng bihis at kilos babae. Pati pananalita at sa paglakad ay gayang gaya ang babae. Dinaig pa maglagay ng mga bakla ang pagma-make up ang mga babae.
Pero hindi naman talaga siya bakla na parang mukhang babae na talaga.
Sa kilos at pananalita lang. Bihis lalaki parin siya. Actually unang tinggin mo talaga sa kanya mabibighani ka na sa kagwapuhan niya. Rosy cheeks, pointed nose, mga matang mapangakit at ang kanyang panga na nakakainlove. May sense of fashion pa nga siya ehh. Talbog niya nga manamit ang mga TUNAY na lalaki. Tss.
Kaso pusong BABAE siya. Hayy... ang hirap naman ma-inlove sa kanya.
"Hoy babae!" Nabalik naman ako sa sarili ko ng may sumigaw sa tenga ko. Aray ahh! Lakas sumigaw! Shet! Ang sakit.
"Kailangan talagang sigawan ako?! Shet! Ang sakit!" Sigaw ko pabalik with matching death glare habbang hinihimas ang kanang tenga ko na sinigawan niya.
"Hoy babae, kanina pa kita tinatawag pero nasa outer space ka parin. Kung hindi kita sinigawan siguro iisipin nila dito na broken hearted ka." Sabi niya sa akin sabay irap.
'Tss. Broken hearted nga sayo.' Sabi ko sa isip ko.
"May iniisip lang kasi ako." Sabi ko na lang para hindi pa kami mag sigawan dito. Isa sa pinaka ayaw ko talaga ay ang nag aaway kami. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang hindi siya kausapin sa loob ng isang araw.
"Ano naman yun? Kung maka tulaley ka parang pang MMK na iniisip mo. Gusto mo sulat na tayo?" Sabi niya habbang tinitignan ang mga kuko niya.
'Tss. Pwede na ngang maging pelikula storya ko ehh. "In love with my BEKI bestfriend" nga lang ang title.' Sabi ko na naman sa isip ko. Hayy.
"Ayan ka na naman babae ehh. Tulaley na naman ang lola. Ano bang problema mo? Pwede namang i-share sa akin?" Tanong niya. Napabuntong hinga naman ako. Sorry, pero hindi mo dapat malaman ang problema ko.
"Wala. Iniisp ko lang ang Thesis natin."
Kung kayo ang makakakita sa amin, iisipin niyong nag aaway kaming mag-jowa dito sa School garden. Dahil kanina pa kami nagsisigawan. Pero hindi ehh, malabong mangyari yun.
'Dahil hindi kami pwede para sa isa't isa. At malabong mangyari yun' sabi ko sa isip ko.
Nakita ko siyang napabuntong hininga at seryosong tumingin sa akin.
"Kung malaman ko lang na lalaki yang iniisip mo...
Kahit anong mangyari, dadaan siya sa akin." Sabi niya na seryosong nakatingin sa akin. Hayy. Paano kung sabihin kong ikaw ang iniisip ko?
"Aish! Tara na nga! Kaina na lang tayo kanila Aling Rhoda." Sabi ko at hinatak siya patayo.
Nang mahawakan ko ang kamay niya ay naramdaman ko na naman ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Lagi tong nangyayari kapag nahahawakan o dumidikit ang balat ko sa kanya. Sabi nila, inlove lang daw ang mga taong nararanasan ang ganun. Hayy. Inlove na talaga ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
In love with my BEKI bestfriend (short story)
Teen FictionToffer and Hera's love story