BEKI#3 Her side

293 6 3
                                    

Takot.

Yan ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko sa bawat hakbang na nilalakad ko ay bumibigat ang katawan ko. Hindi ko alam ang tunay na nangyari pero isa lang ang gusto ko ngayon...



Makita siya.





Bwisit! Bakit ba kasi ang lampa ng baklang yun?! Ano bang klaseng aksidente?! Nadulas? Nadapa? Lumubog sa kanal? O nahulog? Ang tanga tanga talaga nung baklitang yun.


Agad akong nakapasok sa hospital at pumunta sa front desk. Wala na akong paki kung haggard na ang itsura ko kahit ang daming poging nurse dito. Hindi ako pumunta dito para magpaganda sa poging nurse, pumunta ako dito para sa baklang mahal ko. Walang iba kundi si Toffer.



"Toffer Manansala po?" Nagmamadaling tanong ko. Nakita ko naman na may kinalikot siya sa computer niya at tumingin sa akin.


"Kaano-ano niyo po ang pasyente?" Tanong ni ateng nurse. Bwisit! Hindi niya ba alam na nagmamadali ako?! Wala na akong panahon para makipagchismisan.



"Girlfriend. Girlfriend po ako ng pasyente." Nakita ko namang tumango si ate. Arrgh!! Sabihin mo na lang ang room!



"Room 501. Fifth floor. Nasa ICU ang pasyente." Matapos marinig yun ay dali dali akong pumunta sa elevator pero shit! Ang daming sakay. Kaya wala na akong ibang naisip kundi ang mag hagdan. Tinak bo ko iyon hanggang sa fifth floor. Mas nauna pa nga akong dumating sa taas kaysa sa elevator. Agad kong hinanap ang room 501 haggang sa nakita ko sa dulo.



Nakita ko ang ilang pamilyar na tao na nakaupo na parang pinagsakluban ng langit. Dahan dahan akong lumapit sa kanila at tinignan ang kanina pa nilang tinitignan. Nakita ko sa loob ng isang kwarto ang lalaki na mahimbing na natutulog at maraming kung ano anong nakadikit sa kanya. May mga galos din siya sa makinisniyag mukha at parang makina na lang ang bumubuhay sa kanya. Hindi ko na kaya to. Masakit. Ang sakit.




"Hera..."




Napatingin naman ako kay kuya Tobias ngayon, alam kong lumuluha na ako sa mga oras ngayon dahil kay Toffer. Hayy...





"Hit and run ang nangyari, papatawid na si Toffer sa kalsada pero dahil sa may sasakyan ay tumakbo siya sa kabilang linya pero hindi niya alam na may kotse pa palang paparating. Nabangga siya at tumilapon. Base sa mga witness ay nagpaharurot na ito palayo pero lucky ay may isang witness na nakabisado ang plaka. Hinahanap na siya ng mga awtoridad." Wala na akong ibang ginawa kundi ang tumango. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni kuya pero nakatutok ang mga mata ko sa nakahigang Toffer. Tss.





Bwiset! Bakit ang tanga tanga ni bakla tumawid? Alam niyo bang ito na ang ikaapat niyang nabangga? Yung una at pangalawa ay nabangga siya ng bike, yung pangatlo ay trycicle pero ngayon sasakyan na? Baka sa susunod truck naman?! Hala!




Ang lampa talaga nung baklitang yun. Kaya siya laging pinagtatawanan nung first year kami ehh. Napaka lampa. Tss.





"Hera anak..." napatingin naman ako sa gilid ko ng may naramdaman akong presensya. Napagtato kong si tita Pia pala ito, ang nanay ni Toffer.




"Tita..." sabi ko at niyakap siya. As sa pagkakataong yun ay patuloy ng bumabagsak ang aking luha. Nararamdaman kong hinahagod ni tita ang likod ko at habbang ako ay patuloy sa pagiyak sa balikat nila. Tita Pia is like my second mother kaya magaan ang loob ko sa kanya. Cause she treats me like her own daughter.




Kumalas na ako sa pagkakayakap at pinunasan ko ang mga luha ko. Bumalik ang tingin ko kay toffer. Ilang minuto ang namagitan sa amin.




In love with my BEKI bestfriend (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon