Hi. ako nga pala si Clinton James Chua. 16 years old. Magaling mag gitara at marunong kumanta. Mahilig akong mag skateboard kapag free time. bonding moment namin ng barkada ko.
Dahil siguro sa mga talents ko kaya maraming babae ang umaaligid sakin. di naman sa pagmamayabang pero Gwapo ako. matangkad, maputi, matangos ang ilong, at wavy ang buhok. Lakas daw ng sex appeal ko sabi nila. :D
pero kahit na maraming babae ang nanliligaw skin, isa lang ang nilalaman ng puso ko, si Shane. Elementary palang gusto ko na sya, lakas nga ng tama ko sa kanya. maganda kasi, maputi, curly ang buhok, chinita, mahaba ang pilik mata, mabait at sexy pa! kaso, iba ang mga tipo nyang lalaki. gusto nya yung mga Basketball player. yung magagaling mag shoot! sus. ambaho kaya nila pag pinapawisawn. tss. nakakahiya mang sabihin pero hindi ako marunong mag basketball. hindi naman sa bading ako pero di ko lang talaga hilig. mas trip kong mag gitara or mag skateboard.
Di ako susuko gagawin ko ang lahat para lang mapasakin ang pinakamamahal kong si Shane! >:D
According to reader's Digest, girls ussually go first to their closest pals to share their deepest wishes and darkest fear. meaning to say, Mahilig mag kwento yung mga babae about sa mga hiden secrets nila lalo na sa bestfriend. malay mo, sinasabi pala ni Shane kay Trxcy na crush nya ako? kaya napagisipisip ko na kakaibiganin si Trxcy. ;))
maganda naman si Trxcy. morena, straight ang buhok na parang model ng rejoice, sexy din ang katawan, at maamo ang mukha. marami ngang nagkakagusto dun! matilino, mabait at mayaman kasi. sabi nila crush daw ako nun since elementary. pero sorry sya hindi sya yung type ko! >:P
"Hi Shane! :)" nag smile lang sya
"Hello Trxcy!" binati ko na rin si Trxcy. nakakahiya naman kung dededmahin ko lang sya diba?
"Hi Clint! :D" wow. kung makasmile parang wala ng bukas ah? haha
pumunta na ako sa Classroom ko. ganda ng araw ko ngayon ah? hindi kami mag kaklase ni Shane at lalong hindi ko rin sya ka year level. ahead ako ng one year sa kanya. 4th year highschool na ako sya 3rd year pa lang. pero parati ko naman nadadaanan yung classroom nila kaya okay lang. hehe