blur vision

34 0 0
                                    

May 28, 2013 

7: 12 pm

 ----may mga dapat pang e-edit na words hinahabol ko kasi ung isip ko nung nag tatype ako.---- 

"mahirap mag patuloy sa pag lalakad ng hindi mo makita ang daan tinatahak mo......."

~dapat ngayong naka pag basa na akong isang subject sa reviewer ko, pero masyadong magulo ang isip ko at hindi ko alam ang dapat kong gawin at mas dapat kong isipin.

Nakakapagod planuhin ang dapat gawin para sa mga sususnod na araw, at paglaan ng oras para mag plano pero sa isang iglap  bigla na lang ang unang mong hakabang hindi ay hindi mang yayari.

kaya siguro may "plan B" na tinatawag, kaso  kasi hindi ako mahilig gumawa ng "plan B", because  I do believe what I plan must be done.

pero madalas talaga ang Ama ang nasusunod. Siya ung number onr na writter para sa akin.  Nasa dulo lang ng Kanyang panulat nakasalalay ang mga mang yayari sa atin. kung magiging pa ba tayo bukas, sweswertehen ba tayo sa trabaho, nakakapasa sa pag susulit, makakaligtas sa operasyon, sasagutin ng nililigawan.HIram na buhay, hiram na kaligayahan. sabi nila lahat daw ng may buhay at walang buhay, nakikita at hindi nakikita ang Diyos ang nag likha. dati sumuko na ako. Ayoko ng maniwala sa Kanya baka gawa gawa lang at likha lang siya ng maliliko na isip ng tao, panakot sa mga batang ayaw ubusin ang pag kain o kaya sobrang sutil. sana makatapak din ako sa lugar kung saan siya nag lakad buhat buhat ang krus. sa totoo lang wala naman kayong mapapala sa i-kwenwkwento ko ngayon. magulo lang talga ang isip ko at wala kong mapag labasan nag mga sama  loob ko. pakiramdam ko nadudurog ako ngayon at walang handang dumapot sa mga bubug ko. pero hindi naman talaga ako nag hahanap ng dadampot ng bubug ko. ang gusto ko lang? hmmm....hindi ko din alam sa ngyon ang gusto ko sa sobrang dami ng gusto kong mangyari. lahat naman kasi ng bagay na binigiyan at pinagbubuhusan ko ng oras, atensiyon  at konsentrasyon. nawaalang kwenta sa bandang huli. alam niyo un tipon lahat ng ginagawa mo, pinag pupuyatan mo, ipanag papawisan mo, at the end, nothing. wala kang napala o kaya mas worst hindi mo nakuha ung inaasam mong tagumpay. laging may mas mautak sayo o kaya naman kasi hindi pa para sayo. parang ganto sumali ka sa karera, ikaw tumakbo ung kalaban mo ng motor mas maraming pawis at sakit sa katawan mo ung nakuha mo pero ung kalaban mo napinindot lang ung start sa motor ayon panalo. haaay parang ganto umakyat ka gamit mo ung kahoy na hagdan napagod kapa sa pag gawa ng hagdan mo, ikaw ung bumili ng kahoy, ikaw ung nag lagare ikaw ung nag pako ikaw ung nag tayo pero sa pag akayat mo sa hagdan biglang na lang nasira ang hagdan at nahulog ka. saman talang ung isa mong kasama ilang oras lang ang nakakalipas ng binili niya ang aluminum na ladder at mas na una pa siyang naka akyat. haaay totoo ba talaga ung sinabi ng prof ko "WALANG EFFORT NA NANASASAYANG" eh bat ganung ikaw tumakbo napawisan pero huli ka parin dumating. ikaw nag aksaya ng panahon gawin nung hagdan hindi ka nmn naka akyat. nag effort ka sobra sobra pa. pero walang nakakakita nun kasi ung mga taong mas na una sa finish line at nasa taas lang ang nakikita ng mga tao pero ung nag sugal ng buhay para lang makamit ang gusto nila na halos gawin umaga ang gabi at umaga ay umaga para kumayod sila pa rin ay nasa ibaba at walang napapasin sakanila kunti ang kanilang sawing kapalaran. marami akong alam na motto na pwede mong pang hawakan, ung iba mga words from bible din pero nakaka pag taka bakit kaya? bat ganun ang buhay kung kelan mo plinaplano, pinag buhusan ng EFFORT dun hindi ng yayari. 

minsan sa isang misa sabi ng pari pumunta lang daw tayo sa Diyos pag may kailangan tayo. kaya daw kame nag sisimba nung panahon na un kasi may idinadalangin kame sa Diyos. kilala lang ang Diyos pag may problema pero pag tapos na ang lahat hindi man lang magawang mapasalamat. 

meron din isang misa pa ulit ng pari nung nag simba ako sa project 7 wag maiingit sa nakamit ng at kapwa. wag maiingit sa narating at pag asensyo ng ating mga kapwa at makontento sa ibinigay ng Diyos. sa totoo lang hindi ako nag agree nung mga panahong iyon, kasi mas pinaniwalaan ko ang sinabi ng prof ko sa biochem, Quality control, medicinal chem na dapat ngayon reneriew ko na. sabi nung prof namin nun wag mong sabihin na "eto lang kasi ung biyayang binigay ng Diyos saakin" sabi niya pa nasasaatin daw ang pag unlad natin. sabagay dito totoo naman un. kung nagawa ng iba magaggawa mo din. ayaw mo lang talgang gawin kaya hindi ngyari, parang kung nagawa nilang pumasa e di  ikaw din. diba? pero hindi laging ganun, madalas kahit anong gawin mong effort kahit anong gawin mo pag piga sa sarili mong kakayanan kung pa din. 

 meron din akong misa na narinig sa simbahan ng St. Jude sabi sa misa ano bang mali sa pag dadasal natin? "what's wrong with our prayers?"

masyado tayong makasarili..... ung pag dadasal diagolo. ikaw  nag sasalita at ung kausap mo nakikinig at kabalitaran naman ikaw ung nakikinig aat siya naman ang mag sasalita pero tayo  pag nag dadasal tayo hindi natin pinakikingan ang sinasabi ng Diyos ung gusto lang natin ang gusto nating masunod. pag hindi nag yari nagagalit tayo sa Diyos, eh niminsan ba nakinig ka sa sinabi niya?

diba ganun ka din mag dasal, Lord payamanin mo naman kame gaya ng kapit bahay namin. Lord bat ba kasi hindi na lang siya maging akin. Lord papasahin niyo ako. 

ang pag dadasal daw hindi yan ung mga na memories mong prayer ang dasal daw ay taimtimang pakikipag usap sa Diyos. 

Lord, let there be peace on earth and let it begin with me. make me a channel of your peace......

sa dami ng nag dadasal sabay sabay at iba ibang intensyon naririnig pa ba niya tayo? hindi ba siya na lilito? kaya ba hindi ng yayari ung pinag dasal ko kasi hindi niya ako narinig?

minsan talaga hindi sa hindi tayo naririnig ng Diyos sa mga idinadalanganin natin sa kanya kaya.  may simpleng sagot kung bakit hindi Niya ibinibigay ang dasal mo. minsan kasi hindi naman talaga pwede ung gusto mo kasi alam Niya hindi ito mag dudulot ng maganda sayo. minsan din pa right time at may mas maganda siyang plano, kung baga hindi pa oras masyado ka alng atat. minsan talaga gusto niya tayong turuan mag antay.

meron pa akon isang misang narinig nung minisahan ung pinag buburol naming ang ninong ni daday. tayo daw pag may mga problema, sakit , at ano man dalahin sa buhay dapat daw matuwa tayo at kaisa natin ang Diyos. na napili niya tayong tumulong sa pag dadala sa krus na buhat buhat ni Hesus. natatandaan niyo ba na ang krus kung saan pinako si Kristo at nagligtas saatin mga kasalanan, ung krus na binuhat ni Kristo ay ang ating mga kasalanan kaya sa tuwing mag pinag dadaanan kang mabigat isipin mo kasama mong nag bubuhat si Kristo. 

sa tuwing nang nag dadasal daw tayo dapat laging ang sentro ang mas nakakarami. para mas madinig tayo ng Diyos. 

Panginoon, 

gabayan Mo ang lahat ng taong nag lalakad ngayon sa mga madidilim na kalsada. iligtas Mo po nawa ang mga mahal nila sa buhay. pag linawin mo po ang mga taong naguguluhan sa nais na lamang tapusin ang kanilang buhay. Panginoon , tulungan mo po nawang maintindihan ng mga taong may labis na dinadamdam na katuwang mo sila sa kanilang pag hihirap. Panginoon dinadalangin ko ang mga tao dito sa amin ipakita mo po sakanila ang tamang daan dapat nila tahakin at tulungan mo po silang makaahon sa kamunoy ng kasalanan. panginoon idinadalangin ko po sa inyo ang kaligtasan  mga taong nasa ibang bayan parang magtrabaho para sa pamilya nila, isama mo na po nawa ang kanilang pamilyang naiwan sa kanilang bayan. paniginoon bigla pong pumasok sa isip ko ang mga babaeng namolesiya sinasaktan at inaabuso ng mga taong mas malakas sakanila. panginoon maging baluti nawa ka nila sa pag harap sa katarungan. panginoon    gabayan mo nawa ang mga taong labis na nag aral para sa darating nilang board exam. panilawin niyo ang isipan nila at ibulong mo po panginoon ang tamang mga sagot sakanilang mga tenga. nawa panginoon mapatawad mo kame sa aming mga sala. 

maraming salamat panginoon sa mga talento, paseniya, pamilya, kaibigan, at malawak na pag unawa, pag kain at buhay na ibinigay mo sa akin at sa aking pamilya.

maraming salamat po

panginoon ikaw na pong bahala sa akin, nagyon hanggang sa aking pag panaw. 

------

kahit papa ano naging okay ang pakiramdam ko. kahit alam ko nmn ako lang ang mag babasa nito. ayos na rin toh, malay mo may biglang nag kamali ng napili at eto pa ung lumabas. i'll find time ulit para maayos ung mga words ko. 

sana may nakuha kayong lesson sa akin. depress ruth ung gumawa niyan 

hoping ako may puso akong matamaan at mapanatag pag katapos tong basahin kahit isa lang okay na un. basta meron siyang nadamot na pakiramdam niya may kakampi siya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

blur visionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon