1 (Her Side)

9 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events
and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitous
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or
actual events is purely coincidential.

-

Jason Michael Javier

Ikaw na. Ikaw na talaga. Unang tingin ko palang sa'yo ay grabe na ako na-inlove. Love at First Sight ba.

Araw-araw kitang pinagmamasdan. Walang araw din na hindi kita ini-istalk. Halos ika-suspend ko na pag-iistalk ko sa'yo eh halos ng oras ko tumatambay lang ako sa labas ng room niyo para makita kita.

Binubully din ako ng mga fans mo pero syempre go pa rin ako. Kahit ikina-hihiya mo ako sa mga kaibigan mo Go pa rin ako.

I know na exaggerated eto pero mahal ko tong lalaking to eh.

Dinismiss na kami ng prof. namin at sakto umuulan pa sayang hindi kami sabay ni joana.

Oo nga pala. Si Joana ay kapatid ni Jason at besties kaming dalawa.
Then, nung nakita kita biglang lumakas pagtibok ng puso ko. You were staring at the sky like something is bugging in your mind.

At sa tingin ko ay wala kang dalang payong at buti nalang meron ako.

Kinakabahan ako sa paglapit sayo para i-share ko sayo yung payong ko. Every footsteps that I make, makes my heartbeat go boom broom boom boom like super bass.

Charot lang.

"Hi. Gu-gusto mong sh-share tayo?" I hate it when I'm stuttering talaga pero tiningnan mo lang ako at sobrang naiilang ako.

For the first time ata itong moment na'to na tiningnan mo ako ng ganito para alam mo na na nag-eexist ako.

"No thanks." Then you started walking away. I was there standing watching you walk away.

Masakit man pero at least I took the chance when he was alone. I will treasure this moment of us.

---

"Oh bat ang saya mo ngayon?" Takang-taka ni Joana. Ikaw ba naman naka-usap mo si crush kahit ilang segundo lang yon ay one of ny most precious moments with Jason.

"Eh syempre, alam na ng kuya mo na nag e-exist ako sa buhay niya"

Nanlaki ang mata ni Joana akala mo luluwa na yubg mata "Oh talaga? Paano?"

Habang kinu-kwento ko kay Joana ang lahat ay may nagsigawan sa labas ng room.

Si Jason.

Papunta sa direksyon namin.

"Joana may I talk with you for a sec?" Hindi ko tinanggal yung pagtitig ko kay jason.

Grabe ang gwapo niya nga, gwapo pa rin yung niya. I wonder if he could sing?

"Okay. Uh, Max. Maiwan muna kita ah?" sabi ni Joana at buti nalang tumigil muna ako sa pagtitig pero sa pheriperal vision ko ay nakita ko siyang tumingin sa akin.

Ommmmggeeehhhh.

Kilig to the bones.

Pagkatapos nung nangyari kanina ay pumunta muna ako sa Gym para panoorin siya, may laban pala sila ngayon at buti nalang gumawa ako kahit papaano ng banner. Na nakalagay ay;

Go, Jason loves. Fighting. Chu~

Weird ba? Ayos na yan. Sa sobrang pagsigaw ko ay nauubo na din ako. Nang sa naka-shoot siya ay sumigaw ulit ako pero sa ngayon ay tumingin siya sa gawi ko and then...

Let Her GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon