THE TYPE OF GIRL (ONE SHOT)

1.1K 40 12
                                    

----------------------x

I am the type of girl that can be so hurt but still can look at you and smile.

“T-talaga? Wow, congrats Harvey ah.” Ginulo mo ‘yung buhok ko, at ginantihan lang kita ng ngiti.

Isang ngiting matamis, pero pilit.

Sinagot ka na kasi ni Rica. Yung long-time crush mo. Wow, saya mo nga eh. Kamusta naman ako, noh? “Hay, Louise. Sana siya na noh?” Sana hindi siya. Sana hindi nalang siya, Harvey.

Sana ako nalang, Harvey. Ako nalang sana ang babaeng magpapasaya sayo.

Muli, nginitian nalang kita. Pero, isang ngiti na kabaliktaran ng nararamdaman ko ngayon—sakit at lungkot.

Kung alam mo lang kung gaano kita kagusto, scratch that. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, eh di hindi ka na sana nag-aaksaya ng oras sa isang taong niloloko ka lang.

Hindi ka na sana lumingon pa sa iba, sana sa akin ka nalang tumingin.

Sana ako nalang.

Kaso, hindi e. Malapit ka nga sa’kin, pero parang ang layo mo. Sa sobrang layo mo, hindi mo mapansin o makita man lang na mahal kita.

“Sige, Louise. Andito na kasi si Rica e. Ingat ka pauwi!” Muli, binigyan kita ng isang matamis na ngiti. Matamis, pero pilit.

Sana napapansin mong nagseselos ako.

Pero, asa pa naman ako diba?

Isa lang naman akong hamak at dakilang bestfriend.

Ako ‘yung hinahatid mo pauwi, ngayon, siya na. Nakakainggit. Inggit, nainggit ako. Ang mga sweet gestures niya na sa akin niya pinapakita, ngayon, sa kanya na niya ginagawa.

Tumalikod na ako, ayoko nang saktan pa ang mga mata ko. Tama na nga kasi, Louise. Ang masokista mo.

Pero, hindi. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Dali-dali akong pumunta sa school garden kung saan nagsimula ang lahat.

“Louise Cortez, diba?” Napalingon ako sa lalaking nagsalita mula sa likuran ko. Nakatayo ito at may hawak na notebook at libro. Nagulat ako sa presensya niya. Teka nga, bakit nga ba ako nilalapitan ng lalaking ‘to?

Sa pagkakaalam ko, kaklase ko siya. Pero ni minsan, hindi niya ako kinausap. Malayo kami sa isa’t isa.

Sikat siya; isa lang akong ordinaryong studyante. Kaibigan siya ng lahat; bilang lang ang mga kaibigan ko. Gwapo siya; ako? Mabait naman ako. At kumakain ako ng gulay.

Anong connect? Hindi ko rin alam.

“Ako nga. B-bakit?”

Umupo siya sa tabi ng walang pasintabi. Bigla akong nakaramdam ng inis. Ang presko niya talaga. Kung makaupo, wagas. Pero bakit nga ba ako naiinis? Hindi naman sa akin ‘tong bench na inuupuan ko.

“Ah, sabi kasi ni Mam Ogilvie, ikaw daw yung magtuturo sa’kin ng Integral Calculus.” Ah, siya na siguro yung sinasabi ni Mam na tuturuan ko. Hay, sa lahat ba naman? Siya pa?

Pero, hindi ako naniniwala sa kasabihang ‘first impression lasts.’ Dahil nang lumaon, natolerate ko naman ang kalokohan niya. Na-realize ko na masyado kong na-generalize na ang mga sikat na studyante e mga arogante o mayayabang o maarte. Ibang-iba si Harvey. Mabait, maalahanin, pero may pagka-kolokoy lang.

Naging close friends kami. At hanggang sa naging bestfriends, at hanggang sa isang araw, na-realize ko na mahal ko na pala ang bestfriend ko.

Ang cliché, hindi ba? Nakakainis. Masyado na kaming overrated. Nakakainis, na kahit overrated na itong love story ko, wala pa ring nagbago, mahal ko siya, pero iba naman ang mahal niya.

THE TYPE OF GIRL (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon