Chapter 7; White turned red ♣

17 1 0
                                    

[XERO's POINT OF VIEW

We arrived earlier than expected at Green belt kasi si Leera, hindi na nagpasundo. Nyemas, bigla biglang pumupunta sa bahay. 

Ganon ka eager?

Excited much?

Hindi makapag hintay much?

Atat much?

Kaya eto, nagpapark na kami imbis na natutulog pa'ko. PAGOD KAYA AKO. 

Grabe stress.

Pastilan.

Bwiset. Sinabi ko na sakaniyang magready eh. Hindi ko lang nasagot tawag, kasi nakatulog ako, pumunta na kaagad dito?! Kaya ayan, di ko siya kinakausap kahit kanina pa'ko kinukuli-- "UY XEROO!!~" Kinukulit, nakakaasar!

Sinamaan ko siya ng tingin kasi ginagalaw na niya pati kamay ko. "Tigilan mo'ko Leera" tapos itinuon ko na ang tingin ko sa paghahanap ng mapaparking-an. "XEROOO NAMANNN!!~"

potek ingungudngod ko 'tong babaeng to, pigilan niyo ko.

"XEROO!!!~" peste.. pesteng yawaa..

ANG INGAYYY

"XERO ANO BAAA!!!~" tapos ginalaw galaw nanaman niya ang kamay ko. 

"Leera, manahimik ka, utang na loob. Bago ko ihampas to sayong manibela at ingudngod ka dyan sa dashboard." I said through gritted teeth. Naiinis talaga ako eh, bwiset. 

 Bumulong naman siya ng okay at nanahimik hanggang makapag-park, makapasok at makapunta sa pupuntahan namin. As usual, nagshopping nanaman kami, yun lang naman pwede naming gawin sa mga pera namin kasi wala kaming boyfrien--- wait. Ako lang pala, and I don't have any plans on having one. Dagdag stress lang 'yang mga yan, kay Syno pa nga lang, stressed na'ko pano pa kaya pag nagboyfriend ako? 

I can't imagine. Tsk 

"Xero!" tawag sa'kin ni Leera, nandito kasi kami ngayon sa Mr. Rockofeller. 

We agreed to shop first then eat after. 

Parang tanga diba? Nagpapataba ba 'to? 

Di ba dapat kumakain muna bago shopping para makapagdigest na yung mga pagkain? Shunga rin netong ungas na'to eh. Kaso ayun, tinamad akong makipagtalo kaya nevermind "Oh, what?" I asked nonchantly then rolled my eyes. "Sungit," bulong niya. Kala naman niya 'di ko narinig? Parang tanga.

"Let's go inside, nah!" maarte niyang saad. Iminuestra niya pa ang kamay niya na nagaaya.

Ngudngod ko 'to eh. Tss

Inirapan ko nalang siya, like what I always do, tapos sumunod din sakaniya. Malamang, ako may gusto dito eh? Edi siyempre susunod ako. Utak please

Kairita, tss. "hoy Xero, ano ba!!" napaamba naman ako bigla na sapakin siya pero binaba ko agad, nakita ko kasing natakot siya.

Buti naman, sapakin ko siya sa kalamnan eh. Bwiset. "I.. I mean, a-ano.." she faked a cough, pampatanggal kaba siguro. Meh "Ano daw o-order mo.." nakatungo siya habang sinasabi niya yun. Siguro sobrang nakakatakot itsura ko kanina ano? Natakot siya ng sobra eh!

Usually tatawanan lang ako nyan eh. Kaya mas lalo akong nababanas

I shook my head para mawala ang guilt na unti unting sumasakop sa utak ko, I didn't do anything, right? Pinigilan ko pa nga sarili ko eh.

You're being too harsh to your bestfriend, you dumba$$

Ayan nanaman yang epal na boses na yan. Sapakin ko rin kaya yan? Too bad you can't.

Ugh epal! Just.. Just shutup!

"Anything else ma'am?" tanong ng waiter. 

Thanks to the waiter, nawala yung epal na boses at nakabalik rin ako sa realidad.

Daydreaming's not my thing.. sinamaan ko muna siya ng tingin bago sumagot. "Duh?" tanong ko pabalik. Can't blame me, obvious na kaya, kanina pa sinabi ni Leera na "that's all." Tatanong pa siya? 

Napatingin naman sakin si Leera at bumuka ng kaunti ang bibig niya, yung parang may sasabihin. I raised my perfectly plucked eyebrow at her, naghahamon na ituloy niya ang sasabihin niya but she didn't. Pero kahit ganon pa man, kahit di niya sabihin, I can already hear her voice saying PMS? plus her annoying laugh.

Good thing hindi niya tinuloy, iiwanan ko siya dito kahit na nagc-crave ako. 

Oo, ganito ako kawala sa mood ngayon. 

Siguro dahil din kay Syno  yun. Ugh, bwiset na dense na lalaking yun. Di makahalata, manhid kuya, manhid!? Tss

Natapos kaming kumain at nagsimula nanamang magshopping, kung akala niyo awkward habang kumakain kami at naglalakad lakad?

Well you thought wrong, sa kulit netong si Leera? Di talaga uso samin awkwardness. Daldal nga ng daldal eh. "Worst, di pa siya nagpaparamdam!" she shrieked. "Nakakastress kayaa!" ginulogulo niya pa ang buhok niya. Pakelam ko? 

I looked at her with a bored look then walked past her. Ang bagal niya, nababagot ako.

"Fyyre!" nakaramdam ako ng mainit na hininga sa may leeg ko. Siyempre alam kong hindi si Leera yun dahil boses lalaki. "Who the hell are you?" I asked through gritted teeth, pag eto hindi gwapo sasapakin ko to sa kalamnan. "Syno," tumawa siya ng awkward.

Oh, the dense guy. 

Umirap ako at inunti unting tanggalin yung pagkakaakap niya sa bewang ko kasi naiinis ako. "Wth, let go!" siniko ko siya pero di nagpatinag. "B....but." ano hindi na siya marunong magconstruct ng sentence ngayon?! "WHAT!" sigaw ko ng pabulong, gets niyo? 

Anyways, anong problema neto?!

"B-but...." hindi niya talaga maituloy kaya naman untiunti nakong nakikiliti.

"What the hell is it, Syno?" this time, mas iretable ang tono ng boses ko.

"Y-your....."

"Xero!" tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang bwiset na expression sa mukha ni Leera, siguro iniisip niyang pinlano ko to. Smh

"Syno.. Let go" ulit ko.

"A-are you sure...?" 

"DUH!" sigaw ko muli, kahighblood!

hinarap ko naman si Syno, at nakita ko ang bothered expression sa mukha niya. 

What the heck's going on? =__=

"XERO!" rinig kong sabi ni Leera na may halong tono ng pagkatawa.

"What?!" I asked.

"Your pants!" tapos tumawa ulit siya. Tinignan ko ang pants ko, it's white.

So? I raised my eyebrow on her.

Hinila naman ako bigla ni Syno kung saan, nung may nadaanan kaming salamin, bumalik si Syno at iniharap ako dun.

"I know I'm pretty, So?" i asked once again. 

Itinalikod niya ko. "You have your period, don't you?...." bulong niya. 

Napalingon naman ako bigla, sa salamin. 

O MY GOSH. 

This time, I know my face went red.

KUNG KELAN TALAGA NAGPUTI AKONG PANTALON, EH NO!?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beautiful Disaster ♣Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon