*9:30 pm*

Umuulan ngayong gabi. Siguro kung ibang tao mas gustong magstay sa bahay ngayong ganitong panahon, ibahin nyo ko. Yup, nasa labas na naman ako. Syempre ubos na yung binili ko kahapon kaya pupunta na ako sa Jollibee.

Kahit maaga pa ang gabi mas kakaunti ang tao ngayon sa kalsada kesa sa mga nakaraang gabi. Kasi nga umuulan. Knowing people mas gusto nilang mag-stay sa loob ng bahay kasi less hassle, tapos nagpapaka-"hashtag goals" sila. Yung tipong nakapjs sila with cup of hot choco.

Di ko naman nilalahat, pero knowing teens now a day mas nasa isip nila ang "goals". Pero tama nga namang hassle lumabas pag umuulan kasi maputik nga naman daw tas mababasa ka lang. But for me, I love rain. Yung tahimik na nga yung paligid mo tas ganito pa kalamig. Ugh! Heaven!!!

Di naman ako kinakabahang lumabas ngayon ng naka-shorts lang at jacket. Naka raincoat kasi ako. Siguro kung maaga akong lumabas ng naka-ganito pagtatawanan ako. Well, descrimination. But I don't really care kung anong isipin nila. It's my life and I am the one who's going to deal with it. Naks, english!

Natatawa ako. Natatanga na naman ako. Kausap ko na naman ang sarili ko. Sanayan lang siguro. Hahaha.

Kagabi akala ko talaga siya na. Well, siguro nga siya na. Pero I doubt, pero.... ugh! Ewan ko. Sana hindi sya. Hindi ko na kasi nilingon yung taong yun at dali dali ko ng kinuha yung pagkain ko tas binayaran. Tinatawag pa nga ako ni Ate May kasi naiwan ko yung sukli. Pero dirediretso lang ako, huli kong narinig bago ako makalayo ay sumigaw si Ate kasi natumba ata yung lalaki. Dun ko napagtanto na may tumawag nga saakin.

Sana kaboses lang, sana hays.

Zienna, alam mong kabisado mo lahat ng kakilala mo. Paano mo mapagkakamalan ang boses na yun?

Hindi! Hindi. Nagooverthinking lang ako. Hindi sya yun! Baka hallucination ko lang na may tumawag sakin tas sakto pang may tao sa likod ko. Yeah, coincidence. Yun lang yun. Impossibleng magawi sya dito, yung lugar na to ay sobrang layo sa kinasanayan nyang buhay.

Saktong malapit na ko sa jollibee ng biglang lumakas ang ulan. So no choice ako kung hindi tumakbo.

Pagkapasok ko di gaanong puno ng tao ang Jollibee kahit dinner time na wala pa sa kalahati lang ang naooccupy. Siguro mga nastranded lang ng ulan. Hmm... ewan. So, dahil kokonti ang tao madali akong nakahanap ng mauupuan. Buti vacant pa yung sa sofa, ganun. Hinubad ko na muna ang raincoat ko kasi alangan namang pupunta akong counter ng nagtutuluan ang tubig? Makadulas pa ako. Yun na din yung iiwan ko para masabing "taken" na ang upuan.

So umorder na ko. Alam kong nagniningning ang aking mga mata habang nasa harapan ko ang mga pagkain na pinagkra-cravingans ko kagabi palang. Nakapagtake out na din ako ng kakainin ko para bukas ng buong araw.

Habang sarap na sarap ako sa pagkain may biglang tumikhim.

"Pwede naman siguro akong umupo, ano?" Kahit nakapikit siguro ako kilala ko parin yung boses nya.

Kelan ba ko lulubayan ng tadhana?! Kahapon pa ha!

"Anong ginagawa mo dito, Mon?" Di man ako sumisigaw pero mapapansin mo sa boses ko ang pagkadisgusto sa taong nasa harapan ko ngayon. Ugh buhay!

"Woah!" Pero mukha namang hindi sya nagulat man lang sa inasal ko. "Di ko ineexpect na pagkalipas ng ilang taon ganyan ka na katapang!"

"Pakialam mo ba?! Ang ingay mo parin! Umalis ka na nga. Kitang nakain yung tao, oh!" Dito talaga inis na ko! Nakakainis talaga 'to! Grabe!

"Zi, ba't ba ang hot mo?" Tanong nya sakin tas dumiretso na talaga sya ng upo kahit tinaboy ko na sya. Kapal talaga ng isang to. "Pahingi ah? Kakagutom ang ulan. Grabe."

Tamo ni hindi man lang nahiya. Kapal talaga! "Ano ba? Umalis ka na pwede? Umalis ka na. Alam ko namang kaya ka nandit---"

"Hey there missy," he cut me off. "Naestranded lang talaga ako dito kaya ako nasa harap mo, okay? You got a little assuming after the years pass by, huh Zi?" At lumabas na naman ang nakakasura nyang ngiti. Biwsit!!! "Kung tungkol to kay Jin, nandito sya sa lugar na to. Actually, ang buong banda ang nandito. At oo missy, malapit ka na nya ulit makita. Tamo nga oh, tadhana na yung naglalapit ng mundo nyo ulit sa isa't isa. Kung ako sayo huwag ka ng tumakas pa. Wala ka na kasing kawala."

Kinilabutan ako sa sinabi nya. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ko sa tinidor, pagputla ng mukha ko at alam ko ring nanginginig ang baba ko.

Dumampot muna sya ng fries ulit bago nagpakawala ng ngisi dahil sa nakita nyang reaksyon ko tapos tumayo na sya sa harap ko. Kahit di ko sya tingnan kita ko sa peripheral vision ko na bago sya makalabas ng pinto bumaling muna sya ulit sakin at lalong lumaki ang ngisi nya. Animo'y may binabalak na masama.

Masama talaga to! Ramdam ko. Sht.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AcousticophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon