Prologue

12 0 0
                                    

*10:59 pm*

Inat. Inat. Inat. Ugh. Yan! I feel better! Pwede na yata akong lumabas wala na masyadong tao.

Suot suot ko ang paborito kong jacket habang naghahanap ng mapagbibilhan ng breakfast ko. Seryoso ako. Bibili na din ako ng pwedeng kainin ko para bukas kasi wala naman na talaga akong balak lumabas ng umaga.

Nocturnal? Hmm.. maybe?

Malapit na ko sa usual na nabibilhan ko ng ganito oras. As usual sya na lang yung bukas na malapit. Tinatamad naman akong magfastfood kasi malayo pa. Pero hmmm siguro bukas pupunta akong Jollibee kasi natakam ako sa spaghetti ng bubuyog. Corny, inis.

"Ineng bili ka na" Sabi ni Ate ng hindi nakatingin sa akin.

"Ate, yun nga pong kagaya ng dati" sabi ko habang nakatingin naman sa building na nasa harap namin.

Ang daming sasakyan sa harap nito. Yung building sa harap ay isa sa matatataas na building dito. Pilit kong inaaaninag yung pangalan sa taas kaso naalala kong meron nga palang pangalan sa harapan. Josiah Corp. Masasabi kong isa 'to sa bagong tayong bldg dito pero sobrang successful na agad. Pati may party ata sa loob kaya maraming ilaw. Hmm..

"Ay nako! Siena, ikaw lang pala iyan! Ginugulat mo akong bata ka!" Napangit naman ako. As usual, mali na naman ang banggit nya sa pangalan ko. Di ko na sinagot si Ate May kasi busy parin talaga ako sa pagtingin sa building na kaharap ng tindahan nya.

Haharap na sana ako kay Ate May ng may biglang tumawag sakin.

"Zienna." Natulos ako sa kinatatayuan ko. Bakit sya nandito?! Nakilala nya pa ako sa laki ng hood na nakatakip sa mukha ko?!

Ang tahimik na gabi ay parang biglang umingay dahil sa dala ng presensya nya. Nagngingitngit na naman ang pagkatao ko sa galit kasi muling nagkrus na naman ang landas namin. Na naman. Ako na nga ang lumalayo pero bakit pilit kami pinaglalapit?! Punyetang tadhana.

Basta ang alam ko lang, kelangan ko na namang tumakas. Kasi kung hindi, ako na naman yung talo. Ako na naman yung masasaktan, ako na naman yung matatakot. Hindi ko na kaya pag nangyari yun. Baka hindi ko na kayanin.

AcousticophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon