I wrote this story back during my jeje days. Now it's clearly edited. 😊
Restricted Content din po ito, by the way. It just came from my imagination. It has sensitive moral matters. I hope you understand. ALL PURE FICTION.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sabi nila...
Ang LOVE dumadating kahit saan,kahit anong edad mo, at kahit sino pang mamahalin mo.
Love is a choice kung baga.
A choice that can make you realize what is really deep within your heart,
A choice that can lead you to the right path,
... and also a choice to get hurt by your ownself especially about loving someone and loving you vice versa. Kahit ano pang anggulo ang love, love pa rin yan. Isa sa mga bagay na nagpapalakas sayo at nagpapahina at the same time.
"Erin! Labas naman tayo!"
Hmmmmm. Ano ba tong blog na nabasa ko sa internet! Sino bang writer nito? Maresbakan nga pag may time.
"Huy Erin! Labas naman tayo please. Diba sabi mo you'll make time for both of us. Please."
Bumalik ang isip ko sa realidad ng tila tinatawag ako ni Arvin.
"Ahh-hehe sorry. I know. Sige, bumaba ka na. Susunod na ko. Pupunta pa tayo sa Manila Bay right?"
OO. Dun namin balak pumunta. Kailangan namin ng hangin ngayon. Nung sariwang hangin. Yung tipong malayo sa lahat. Yung kami lang. Sa mga mata nya palang nga, nagkakaroon na ng payapa ang mga isipan ko. For 5 years, we've done a lot of challenges together.
A lot of challenges.
Bumaba na ko at nagbihis ng pormal. Gusto ko maging maganda ako sa paningin ni Arvin. Kailangan lagi kasi malay natin, ito na pala ang last. Kaya I made everything for us special for every day. Kahit sya nga lang ang makasama ko habambuhay, i'm simply happy.
"Arvin! Tara na? Ayos na ba tong suot ko?"
Inikot ko pa yung dress ko and then I heard him chuckled.
"Ikaw talaga. Kaya mahal kita eh.Mahal na mahal. Forever."
He kissed me on my cheeks. Blood rushed through my cheeks. I feel blissful and lucky everytime he does that to me. Masaya ako ngayon dahil kami lang ngayon ang magkasama. It's US against the WORLD, in other terms.
Nagdrive na sya papunta sa destination namin. I know we are both weird dahil hawak nya ang kaliwa kong kamay habang nagdra-drive sya, sabay ngiti nya rin saakin. Hindi ko maiwasan na mapagtanto at mapaisip na He's mine... kahit na...
"Uy Erin, nandito na tayo. Wag ka nga nakatulala dyan. Alam mo naman na onti lang oras natin. Minsan lang to diba."
I heard him saying those words and interrupting my thoughts. Oh well. Ok lang naman eh.
" Oh yeah. Sorry. " I smiled dryly.
"Dun tayo sa dating gawi."
Tumakbo kami dun sa sea wall at umupo kasabay ang malakas na ihip ng hangin. Lagi kaming pumupunta dito. Gusto namin makita ang sunset ng Manila Bay. Pero katulad nga ng sabi nya kanina, oo, sobrang minsan na lang kami pumunta dito. Pero gusto ko dito. Kasama sya, wala ng iba.
"Masaya ka ba Erin?" He asked me out of nowhere. Bigla syang nagsalita in between our awkward silence.
"OO. Kasama kita eh. Ikaw, masaya ka ba?"
We always asked the same questions all the time. Laging yan ang bukambibig namin. Hindi kami nagsasawa sa isa't isa na tanungin yan sapagkat tila alam na rin naman namin ang sagot sa isa't isa.
"Oo. Dahil kasama rin kita."
Ngumiti sya sakin at pumikit. Ginaya ko na lang sya and i'm cherishing this moment. Every bit of this heartmelting moment...
"Kuya, Kuya! Bilhin nyo na po itong couple na bracelet na to. Bagay po eto sa gerlpren nyo."
Nagulat kami parehas dahil may bata na between 10-12 years old ang nasa likod namin na nagbebenta ng couple bracelet.
"Bata, ang cute naman ng mga yan. Sige bibilhin ko."
Sigh. Why do we need to end up like this?
"Arvin. You don't have to do this. "
"I have too."
Ayan nanaman sya. Nagpupumilit. Hindi ko rin naman sya masisi.
"Kuya salamat huh. Alam mo po, magkamukha kayo. Bagay po kayo ng gerlpren nyo. Sabi nila pag magkamukha, meant to be raw po."
"Ahhh-ehhh siguro nga. ikaw bata ka talaga. Oh heto 100 peso. Keep the change. Ang cute rin naman ng tinda mo eh." Nakita kong ngumiti sya sa bata sabay ginulo ang buhok nung cute na bata.
"Maraming salamat po kuya. Sana lagi kayong masaya ng gerlpren niyo. "
I smiled back to him... bitterly.
Bumalik kami sa dating kwesto namin. Pero hawak nya pa rin ang kamay ko.
" Alam mo,naiisip ko yung forever natin. Yung may mga anak na tayo tas bubuo na tayo ng sarili nating pamilya tas-- "
Hindi nya natapos ang sasabihin nya sakin ng biglang nagring ang phone ko. Oh sht.
Please. Stop ringing. I'm begging you.
"Erin,sagutin mo. Baka importante."
No. Please. We're going back to reality.
I HAVE NO CHOICE... as always.
I answered the call.
" Hello?... Ah ganun po ba.... Sige po bye. " huminga na lang ako ng malalim.
"Sino yung tumawag?"
I smiled at him. A sad smile that had always crushed my heart.
" Kuya,
....bumalik na raw tayo sabi ni Mama. "
BINABASA MO ANG
Breakeven (One Shot)
No FicciónAt sa huli... hindi talaga maari. Hindi maaari kailanman.