I Found Love Under A Tree (one shot story)

296 13 27
                                    

"Ahahah! Matatalo na kita!"

"O,Talaga? Ang yabang mo a!"

"Weak!!"

"Ano'ng weak?! Ikaw nga 'tong.. , Aba! Ano yon?! Andaya!"

"AHAHA! Talo ka na naman!"

"Sht! Ayoko na nga!"

"Ano? Rematch?"

"Wala! Ayoko na! Andaya mo!"

"Pre, ambulok naman non!"

"Kakawalang gana ngang kalaro e!"

Nagbayad na ako kay Kuya Elmo. Sya yung may ari ng computer shop. Lumabas na ako.

Nakakainis. Nakakabadtrip! Talo na naman ako! Ang yabang yabang talaga ng taong yon. Akala mo kung sino. Sht. Badtrip na naman ako. Makapaggala na nga lang, wala din naman ako mapapala sa bahay nila Tita.

Ako si Julius. Nasa probinsya ako ngayon. Ang pinakaayaw ko pag nagbabakasyon ay ang magbakasyon sa probinsya. Nakakainis kasi. Sino bang matutuwa no'n? Papupuntahin ang isang taong ayaw sa nature at papaiwan pa ang mga gadgets sa isang lugar kung saan puro puno gubat at kung ano ano pang about nature ang makikita? Takte lang. Ano'ng gusto nilang gawin ko dito? Magtanim? Makipaghabulan sa mga baka? Maghihiga sa damuhan? Ugh! Asa! Mas maayos pa kung kahit ang IPad ko man lang nadala ko. Edi sana may nalalaro ako. Edi sana nakakapagsoundtrip ako. Edi sana 'di ko na kailangang pumunta sa bwiset na computer shop na'yon. At makita ang mga bwiset na mayayabang na yun. 'Di naman kasi talaga ako marunong maglaro ng DOTA at SF e. Pero dahil wala talaga ako'ng mapaglibanagan, e kahit makipaglaro sa mga ungas na 'yon ginawa ko .

So, saan na kaya ako pupunta ngayon? Takte naman o. Buti at nakatagal ako ng isang buwan dito at sa kasamang palad, may isang linggo pa akong itatagal dito. Ugh! Kainis! Gusto ko ng bumalik na Manila.

Nagbike bike lang ako.

Nagtititingin kung saan pwedeng pumunta. Bigla kong napansin ang isang hindi pamilyar na daan. Sa isang buwan kong pag-gagala dito, di pa ako nakakadaan dito. Nacurious ako at pumunta ako doon. Medyo tago 'yong daan kaya medyo interesting. Wala naman sigurong ahas dito. Nagulat ako sa nakita ko sa dulo ng daan na 'yon. Isang malaking puno. Parang ito na ata 'yong tuktok ng bundok pero parang hindi,kasi may mas mataas pa dito. Siguro sa part na'to, ito 'yong tuktok.

Inilapag ko ang bike ko. At kahit na may lumang bench 'don. Umupo pa rin ako sa damuhan. Oo, alam kong ayaw ko ng ganito, pero gusto 'kong subukang umupo sa damuhan. Not bad. Di sya makati sa balat. Ayos lang. Mahangin dito. At maganda ang view. Kitang kita ang mga puno dito. At natatanaw ko rin ang dagat. Siguro. First time kong natuwa sa nature. Ngayon ko lang narealize na maganda pala talaga ang nature. Oo na. binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina na ayaw ko sa nature. Tsk. Bakit nga ba ngayon ko lang nakita ang lugar na'to. Sa tinagal tagal ko dito nayon ko lang 'to nakita?

Nawala ang pagkabadtrip ko at naktulog na rin ako. Pagkagising ko, magsusunset na. So umuwi na ako. Babalik na lang ako bukas.

Kinabukasan...

Kumain ako ng agahan, naligo,inihanda ang pagkaing mga dadalhin ko at kinuha ko na 'yong gitara ko. Nagpaalam ako kay Tita na aalis muna ako.Pumayag naman sya.

Pumunta uli ako sa lugar na'yon, Nilapag ko ang bike ko at yung pagkaing dala ko.

Naisip ko na may isang kulang sa lugar na'to. Musika.

Kinuha ko yung gitara ko. Medyo itinono ko then nagstrum na ako. Dito. Dito, pwede akong kumanta. Wala naman kasing ibang tao e. Nakanta lang ako kapag magisa ako. Walang ibang nakakaalam na marunong akong kumanta at maggitara.

I Found Love Under A Tree (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon