Chapter 7 (Flat??)

1.2K 41 4
                                    

*Kring* *Kring* *Kring*

Nagising ako sa tunog ng phone ko, tumatawag na naman si Isaac. Yeah! I prefer call him Isaac, ang unique at ang cool kasi eh. Hehe! Sinagot ko na 'yong tawag niya.

"Hey! Good morning baby, take care of yourself, love you! Mwaahh!"

Di na naman ako nakasagot, nagiging daily routine na namin 'yan. Tatawag siya ng mga 4:00 AM tapos sasabihin ang mga katagang 'yon at hindi ako makakapagsalita kasi napuputol na agad. Kapag tumatawag siya, parating ganon lang sinasabi niya, ewan ko kung bakit pero hinayaan ko na lang. Siya na nagsisilbing alarm clock ko hahaha. Ang sweet niya noh? Kahit ganon, kinikilig pa rin ako 'don, hehe, you know what? I kinda like him, pero gusto pa lang naman, hindi pa mahal.

Bumaba na ako at as usual, may pagkain na, paborito ko pa lahat. Hindi ko na kailangang magluto para sa amin dahil may nagpapadala na. Alam niyo na naman siguro kung kanino galing diba? Hehe! Ang sweet niya noh? Araw-araw talaga niyang ginagawa 'yan. Paano ko nalamang siya ang nagpapadala? Sinabi niya kasi sa'kin, para naman daw kahit hindi siya pumupunta dito, kahit papaano may magawa naman siya. Malapit na kasi Basketball Season kaya sob-sob siya sa training.

Ginising ko na mga mates ko para makapaghanda na kami. Wala kaming training ngayon. Pagkatapos ko silang gisingin naligo na ako at pagkatapos ay lumabas na ng banyo para magbihis. Biglang tumunog cellphone ko, unregistered 'yong number kaya nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ito pero kalaunan, sinagot ko rin ito at bumungad sa'kin ang isang boses ng babae.

"How dare you to flirt with my boyfriend, you dirty bitch, flat chested monkey. Malandi kang babae ka, mamatay ka na!!!"

Tapos binabaan niya na ako, ouch naman. Ako malandi? How dare her, tiningnan ko sarili ko sa salamin at tska flat chested ba talaga ako? Hindi naman ah, sakto lang naman. Makapag-survey nga hehe.

"Uy anyari sa'yo besh?" -tanong ni Ella. Perfect timing, matanong nga 'tong si besh.

"Flat chested ba ako?" -tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Bakit mo naman natanong? Wag mong sabihing bumigay ka na kay Kiefer, wag mong sabihing may nangyari na sa inyo tapos noong nakita niya 'yan, sinabihan ka niya ng flat chested ka, pagkatapos ng nangyari iniwan ka na lang niya tapos mabubun----" -pinutol ko na ang sasabihin niya, pambihira talaga 'tong si Ella oh

"Maghunus-dili ka nga. Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo? Relax ka lang ok? Wag ka ngang ano, nagtatanong lang naman ako eh!" -sabi ko sa kanya at kumalma naman siya

"Akala ko kasi buntis ka!" -sabi ni Ella

"Buntis ka?" -sabay-sabay na sigaw ng mates namin, napa-face palm na lang ako, kanina pa pala sila nakikinig sa'min.

"Hindi---" -naputol na ang sinabi ko

"Ate Ly, ok ka lang ba?"

"Sino bang nakabuntis sa'yo?

"Sino ama niyan?"

"Si Kuya Kiefer ba?"

"Ok ka lang ba besh?"

"May masakit ba sa'yo?"

"Pananagutan ka ba niya?"

"Congrats Ly!"

"Ninang ako ha?"

"Shut up!! Walang magiging ama, walang magiging ninang, walang masakit at lalong lalo na, hindi ako buntis! Ok? Walang buntis!" -galit na sigaw ko sa kanila, pano ba naman kasi, ang O-OA nila. Sabay pa talaga sila ha.

"Eh ano 'yong narinig namin?" -tanong ni Bea

"Wala nga 'yon, may tinanong lang ako diyan kay Ella tapos kung saan saan na napadpad imagination." -paliwanag ko sa kanila

"Ano naman 'yon?" -sabay na tanong nila

"Tinanong ko siya kung flat chested ba talaga ako. Tanong ko na nga rin sa inyo, flat chested ba ako?" -tanong ko sa kanila, nagkatinginan muna sila saglit tska tumawa na parang wala ng bukas at si Ella, nakitaw rin. Anong nakakatawa don? Haayy! Mga baliw!

"HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!" -tawa pa rin sila ng tawa

"Uy, ano bang nakakatawa?" nag pout na ako

"Try mong tingnan sa salamin besh!" -sabi ni Den tsaka lumabas ng kwarto, lumabas na din 'yong iba na tawang-tawa pa rin. Si Ella naman nag peace sign sa'kin tsaka lumabas. Tiningnan ko ulit sarili ko sa salamin. Ano ba nakakatawa? Haayyy! Nagbihis na lang ako at tsaka bumaba para kumain. Pagbaba ko, nakatingin silang lahat sa'kin.

"Ano ate Ly, nasagot na ba tanong mo?" -pang-aasar ni Jho

"Tse! Baka gusto niyong magluto ng makakain niyo at maglalaway sa'kin?" -sarcastic na tanong ko sa kanila

"Uy, ano ka ba Jho? Sayang 'tong mga food uy. Pasalamat nga tayo nalilibre na tayo." -pag-awat ni Bea kay Jho.

"Oh! Kain ka na Ly!" -aya ni Den sa'kin at kumain na rin ako. Pagkatapos naming kumain ay kanya-kanya kami ng hugas ng pinagkainan namin at tsaka pumasok na.

Naglakad-lakad ako sa hallway ng may napansin akong naghahalikan, pero parang pamilyar 'yong figure niya, nakatalikod kasi siya sa'kin, pero imposible namang siya 'yon. Tsk! Tapos 'yong babaeng kahalikan niya, nag smirk sa'kin. Tss! Ano problema non? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad tapos may nakita akong nagpaluha talaga sa'kin........

~~~~~~

Any reactions? Comment lang hehe! Pasensya na dahil ngayon lang ulit nakapag-update, naging busy na talaga ako eh at sa sobrang busy, nakalimutan ko na kung san about 'tong story na 'to at kinailangan ko pang magback read. K, peace and love

Fallin(Alyssa Valdez and Kiefer Ravena)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon