Chapter 8 (Elements)

1.3K 29 0
                                    

"Tay, namiss ko po kayo" -sabi ko kay tatay at niyakap siya

"Namiss din kita Ineng" -sabi ni tatay

"Ano po pala ginagawa niyo dito?" -tanong ko kay tatay habang kumakalas na sa yakap

"Akala ko ba namiss mo ako?" -tanong din ni tatay. Tss! Tama bang tanong din ang isasagot sa isang tanong?

"Nagtatanong lang naman po ako eh." -meeeeeee

"Alam ko, inaasar ka lang eh!" -natatawang sabi ni tatay

"Hmmp!" -pagsusungit ko sa kanya

"Ibibigay ko lang sana 'tong pera para sa mga gastosin mo dito." -pagpapaliwanag ni tatay

"Ba't nag abala pa ho kayo? Pwede niyo namang ipadala lang eh." -pagmamaktol ko sa kanya, nag-aalala lang naman kasi ako sa kanya eh. Pa'no kung may mangyari sa kanya?

"Gusto din kasi kitang makita eh, namimiss na kasi kita, namin." -panglalambing niya

"Tay naman kasi eh, baka ho mapano kayo" -sabi ko

"Huwag kang mag-alala nak, malusog ata 'to" -pagmamayabang niya. Haisst! Pasaway talaga.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiing* *Kriiiiiiiiiiing*

"Oh sige na anak, mauuna na ako. Mag-iingat ka dito ha!?" -sabi ni tatay at niyakap ako, niyakap ko rin siya pabalik, the tighter one.

"Kayo din po tay, mag-iingat po kayo. Pakisabi na lang kila nanay na namimiss ko na sila." -sabi ko kay tatay at nagpaalam na

Naglalakad na ako papuntang room ko. Room number ko ay '152' at nasa 4th floor pa ito.

Pagdating ko sa room ko, wala pa prof namin. Tiningnan ko upuan ni Isaac, bakante ito. Hindi pa siguro sila tapos mag-training. Umupo na lang ako sa upuan ko, kinuha ko cellphone at earphones ko at nag-sountrip. Nagulat ako ng may naglatag ng tatlong white roses sa desk ko. Lumingon ako sa likod at waaaahh............ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko. Sobrang lakas ng tibok ng pusoko at talagang naduduling na ako. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin. Hindi ako makagalaw sa kina-uupuan ko.

"Ehem!...........PDA" -nagulat ako sa nagsalita at lumingon dito. Sheet of paper! Nakakahiya, prof pala namin 'yon. Umikot na ako at umayos sa pag-upo pero nakayuko pa rin ako dahil sa sobrang hiya.

"Yiiiiieeeeee!!!" -sigawan ng mga mates namin. Damn! Nakakahiya talaga.

"Mamaya na yan!" -sabi ng prof namin

"Sir yes sir!" -sabi ni Isaac sabay salute sa sir namin. Bwesit talaga 'tong lalaki na 'to oh! Uggghh! Nilingon ko siya at nakangisi lang siya na parang nang-aasar. Sinamaan ko lang siya ng tingin sabay irap.

"Ok! Good morning class! Who's the reporter for today?" -tanong ng prof namin. Tumayo naman si Isaac at pumunta sa harapan. Ibig sabihin, siya ang magre-report ngayon.

Bla! Bla! Bla! Daldal lang siya ng daldal sa harapan naming lahat. Dumaan ang ilang minuto at dumating na sa portion na magtatanong siya sa'min about sa ini-report niya. 'Yong topic ay Chemistry, Elements to be exact.

"What is the atomic number of Phosphorus.............Caroline?!" -tanong niya sa isang mate namin

"15 sir" -mabilis na sagot ni Caroline and take note, wala siyang gamit na periodic table.

"Ok. Correct! Then what is the atomic number of Helium....Ahhhh.......Stefan?!" -tanong naman niya sa isa pa naming mate

"Asus! Ang dali-dali lang eh, 2 po Sir Kiefer" -mayabang na sagot nito

"Very good Stefan, akalain mo naman, may laman din pala 'yang utak mo." -pagpuri niya kay Stefan and at the same time pang-aasar na rin. Nagtawanan lang mga mates namin. Siyempre ako din.

"Ok Alyssa, what is this element that has the atomic number 30 and it starts with letter Z" -pambihira naman oh, di pa naman ajo nakapag-review nito. Tumayo na lang ako at nag-isip ng maisagot ko sa kanya. Nakatingin lang silang lahat sa'kin at naghihintay ng sagot ko. Ang malas naman, wala pa naman sila besh ngayon dahil hindi kami mag-classmates ngayon. Tsk! Nag-iisip pa rin ako ng maisasagot nang mapadako mga mata ko sa ibabang parti niya at ako naman 'tong si Lucifia na naka-isip ng kapilyohan. Hahaha! Ganti ko na rin 'to sa kanya kanina.

"Ehem! I know the answer Sir Kiefer" -proud kong sabi

"Ok, what is it Miss Valdez? Siguro naman tama 'yan, mahaba-haba rin ang oras ng pag-iisip mo sa simpleng sagot ng simpleng tanong ko" -tanong niya

"Zipper po" -proud kong sagot

"Hahahahaha!" -nagtawanan lang mates namin, pati siya at pati rin ang prof namin.

"Hahahaha! May element bang ZIPPER? Wala naman ah. Ngayon ko lang narinig yan eh." -tawa lang siya ng tawa habang sinasabi 'yon.

"Sir! Zipper ho, ZIPPER niyo po bukas!" -pang-aasar ko sa kanya

"Ooohhh?! Hahahahaha!" -napahagalpak ng tawa mga mates namin, and ofcourse, pari din ako. Tiningnan niya zipper niya at tumalikod para isarado ito. Hahaha! Ang epic ng mukha niya.

"Ok! That's enough class! Thank you Mr. Ravena, you may take your seat and also eith you Ms. Valdez" -sabi ng  prof namin na halatang nagpipigil ng tawa.

"Ok! That's all for today class, see you next meeting." -pagpapaalam ni prof at lumabas na. Nagsilabasan na rin iba naming mga kaklase at kaming dalawa na lang ang natitira. Pagkatapos ko ayusin mga gamit ko, lalapit na sana ako sa kanya ng umalis lang siya bigla. Tsk! Anong nangyari don? Napikon ata or should I say, nagalit ata. Haaayyy! Makapaglakad-lakad nga muna, mamaya pa naman next subject ko eh, mga 30 minutes pa. Makapunta nga muna sa garden. Mamaya ko na susuyuin 'yong yabang na 'yon. Habang papunta ako don, di ko na naman mapigilang mapa
luha.

"A-Alyssa?!"

--------------

A/N: Lame, sorna. pagod ako eh. Sorry din sa mga typos at gramatical errors. Sa mga nagcomment sa last update ko, thank you so much. Na appreciate ko 'yon thank you talaga. ;)

K. Peace and Love

Fallin(Alyssa Valdez and Kiefer Ravena)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon