Evening Stroll

68 1 28
                                    

JACOB POV

JS Prom na bukas. Pero kahit 3rd year student pa rin ako, nainvite ako sa gabing yun kasama ang barkada ko - sina Lindsay, Matt, Xander, Ryan at Jasmin.

Aayaw sana ako pero wala na akong nagawa. Napilit ako ng bestfriend kong si Jasmin, na nakasanayan ko nang tawaging Jas.

Gabi na ngayon. Paniguradong hassle na ang mga graduating students this year. Alam kong puno ang malls at shops ngayon dahil sa mga estudyanteng gustong sumikat kahit isang gabi lang bago matapos ang High School life nila.

Pero eto ako, naglalakad sa daan - daan na hindi ko alam ang patutunguhan. Ganito lang ako.  Di ako gaaanong tumatambay sa bahay namin. Gusto ko palaging lumayo.

Para mambabae?
Hindi ah. Hahahahaha.

Siguro nga kilala ako bilang isang playboy pero sa totoo lang, nagbago na ako eh kaso nga lang nasaktan. Nasaktan ako sa unang relasyon na nagkaroon ako kaya siguro bumalik ako sa dating ako - playboy, maangas, mayabang at bully.  Ayaw ko nga na tinatawag akong ganun eh kasi ang samang tingnan. Kahit sabihing ang cool, di mo maiiwasang magkaroon ng masamang thought tungkol sa tag na yun.

Pero wala akong magawa.

Yun na ang tingin nila sa akin. At alam kong never ko nang mababago yun lalo na't nakakarami na rin ako ng babaeng niloko at ginamit pampalipas-oras.

Hindi ko naman masisisi ang sarili ko. Normal na lalaki lang ako.

Natetempt.

Natutukso sa tagalog.

Pero mali kayo ng iniisip. Never pa akong nakipag-*** Kahit naman ganito akong kagago, hindi ko basta-basta ibibigay ang pagkalalaki ko sa isang relasyong alam kong hindi magtatagal.

Hay. Medyo marami na akong nasabi at naiisip.

Ang lamig.

Expected ko na sanang di gaaanong malamig ngayon tutal tapos na ang christmas season pero mali ako ng iniisip. Eto nga at kulang na lang ay yakapin ko na mismo ang hoodie jacket na suot ko. Bago pa man ako mawala sa ulirat ay tinawagan ako ng kaibigan kong si Jas.

From Jas

Jac , magkita tayo sa tapat ng mcdo. Magpapasama sana akong bumili ng gagamitin ko bukas e. (Jac is pronounced as Jake short for Jacob) 

Hay. Si Jas talaga. Hindi kayang mapag-isa. Malapit na ako sa mcdo nang makita ko si Jas na lamig na lamig na na naghihintay sa labas ng tagpuan namin.

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya at -

"Ang kulit mo talaga" ipinupulupot ko ang jacket ko sa kanya.

"Jac, nandito ka na pala." Gulat na pagkakasabi niya.

"Ano bang naisip mo at niyaya mo akong mamili ngayong gabi? Bakit kasi di ka na lang bumili last week. Tsk." Hay nako. Si Jas kasi.

"Sorry na. Ang dami kasing project at exams last week dahil nag-finals at ngayon lang ako nagkafree time."

"Sasabay ka pa sa ibang estudyanteng tamad? Tsk."

"Sorry na, mapapatawad mo pa ba ako?" Oh. Eto na naman siya.  Dinadaan na naman ako sa maamo niyang mukha.

"Ano pa nga bang magagawa ko?" Napansin kong medyo nailang siya nung sinabi ko ang bagay na yun. Kaya naman... "... oh siya, tara na. Baka matunaw ako sa mga titig mong yan eh wala pa tayong nabibili."  Pang-aasar ko.

Inirapan nya lang ako at dali-dali akong pinasunod sa kanya. 1 hour din ang itinagal ng pamimili namin. Puro make-up ang binili nya. Sobrang awkward nga e habang napasok kami sa shop.Kasi mga naman lalaki ako tapos papasok ako dun. Pero mali bang samahan ang kaibigan kong nangangailangan ng tulong ko? Ng pagdamay ko? Syempre hindi.

Kaya ko namang ibaba ang pride ko para sa mga kabarkada ko. Pagkaapos magmall eh kumain muna kami. Nagtagal kami hangang 10 pm  dahil ang dami naming pinag-usapan. Wala na masyadong dumadaan sa lugar na kinalalagyan namin. Malapit lang naman ang village nina Jas kaya pinili na lang naming maglakad.

"Matanong ko lang, bakit nga pala ang dami mong biniling pang-ayos ng sarili mo? Maganda ka na naman ah kahit wala yan? Namula siya sa tanong kong yun. Halatang nagblush siya pero di ko na lang pinansin pa dahil nga walang malisya yun.

"Ah eh kasi...ano... Si Ryan."

"Anong meron kay Ryan?"

"May sasabihin daw siya sakin bukas. Alam mo naman na m-matagal ko na s-siyang g-gusto diba? Kaya magpapaganda ako para sa kanya." Napangiti ako. May tinatago din naman palang kalandian tong so Jas e. Hahahahaha. Kaibigan ko din si Ryan. Medyo playboy din yun pero honor yun.

Maayos sa pag-aaral. Mapagkakatiwalaan sa kaunting bagay. HAHAHAHA

"Lakas ng tama mo dun ah."

"Wala eh, tinamaan ako." Sabay halakhak.

"Eh ikaw? Bakit nga pala parang di ka abala para bukas? Paniguradong maraming babae dun. Baka sila pa mismo ang magyayang maging date mo."

"Wala rin naman akong planong lumandi dun. Nakakasawa na rin ang mga babae sa batch nila. It's either naging kaMU ko yung iba o may boyfriend na yung iba pa."

"Naks. Ikaw ba yan?"

Sasagot na sana ako ng matipalok si Jas. Buti nasambot ko siya pero sobrang awkward ng nagin posisyon namin. Nakapatong siya sakin at halos magkadikit na ang ilong namin. Hindi ko alam pero nagawa ko pa ring sumagot kahot sobrang di komportable ang posisyon namin.

"Oo naman. Ako to. Alam mo namang pagdating sa relasyon, gusto ko ng seryoso at panghabambuhay." Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Ang ganda pala ng mga mata niya. Ngayon ko lang napansin. Dali-dali siyang tumayo at itinuro ang bahay nila na sobrang lapit na lang sa kinaroroonan namin.

"Oh sige Jac, yan na bahay namin. Hihiwalay na ako sayo ha. Sige, good night. Sweet dreams."

"Sige Jas. Goodluck bukas."

Bago siya pumasok sa bahay nila eh humarap muna siya sakin at nagpakita ng matamis na ngiting palagi kong nakikita mula sa kanya. Ang sarap sa feeling na may babae kang kaibigang napakakomportable kasama.

Ang swerte ko.

Ang swerte ko nandyan ka Jas.


FOREVER IS OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon