Unexpected

32 0 5
                                    

JAS POV


Hay. 10:30 na ngayon.

Katatapos lang kagabi ng prom at isa siyang disaster...



Ang hirap palang makita ang taong mahal mong may kasamang iba. Yung alam mo sa sarili mo na pwede namang ikaw yung kasayaw niya, na ikaw yung kasama niya, yung alam mong may magagawa ka pero wala. Hindi ko ginawa. Wala akong ginawa.Kaya ako ang nasasaktan.

 Curse this feeling >.<

Pagkagising ko, nakita ko ang tadtad na texts ng barkada. Tinatanong nila kung nasaan daw ako o kung okay daw ako. Umalis kasi agad ako pagkatapos kong makita yung nangyari sa gitna. Yung magkasayaw sina Jacob at si... ano.. uhmm.. hindi ko kilala e. Basta yung maganda.

Ang sama sa pakiramdam nun. </3 Ang sakit sa mata. Mas masakit sa puso. Dali-dali naman akong nagreply sa kanila at ayun, bumalik na ulit sa normal ang lahat.

Magshoshower na sana ako nang...

"Nak, may naghahanap sayo dito sa baba." sigaw ni Mama.

Ha?

Sino naman kaya yun? Bumaba agad ako para makita kung sino yun at hindi ako nagkamali. Si

.

.

.

.

.

si Ryan.

Oo, si Ryan. Hindi si Xander. Hindi si Matt. Lalong hindi si Jacob. Si RYAN.


"Oh, napadalaw ka? Kakareply ko lang sayo ah tapos nandito ka na agad."

"Ah. Nagkataon lang. Nakatambay kasi ako dyan malapit sa may kanto tapos nagtext ka kaya nagmadali na akong pumunta rito." Ang sweet niya. Sana siya na lang talaga ang minahal ko.

"Ah, ganun ba?" Wala akong masabi. Nahihiya akong tumingin sa kanya. Ang ganda kasi ng mata niya. May kung anong kuryente ang dumadaan sa akin everytime I look at him. Para bang may gustong sabihin yung mga mata niya.

Tinitigan niya ako bigla. Yung titig na tagos sa kaluluwa mo. Ramdam ko e. Ramdam na ramdam ko.

"Maligo ka na. May pupuntahan tayo."

"Ha? Saan naman?"

"Basta." Hala. Kinakabahan ako dito ah.

"Nako, hindi pwede. HIndi papayag sina Ma-"

"Nak, nakapayag na ako. May tiwala naman ako dyan kay Ryan. Sige na, maligo ka na." pagsingit ni Mama. Ayt! Ito na nga ba sinasabi ko eh. Ugh. Tinatamad pa man din akong lumabas ng bahay. :(

Ngumiti naman si Ryan na parang nang-aasar kaya -

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Itong lalaking to, buti na lang cute siya kung hindi, nako. >.<

"Wala. Bakit? Krimen na ba ang pagngiti?"Oo Ryan. OO.

"Pag sayo, oo. Nakakatakot e." sabay belat ko sa kanya.

I went straight to the bathroom. Right after taking a bath, naghanap na ako ng masusuot. Pagkababa ko, nakita ko na wala na si Ryan sa may sofa. Nandun na siya sa labas kasama si Mama. Lalapit na sana ako kaso napatigil ako dahil -

"Iho. Mawalang-galang na pero ano ba ang pakay mo sa anak namin?" seryosong tanong ni Mama. Lumapit pa ako ng bahagya nang -

"OY!" biglang sulpot ni Ryan sa tabi ko. SHIT. GULAT KO.

FOREVER IS OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon