Ellie Ford's POV
"Ford!." tawag sa akin ni Mam Charie.
Ellie Ford nga pala, 17 years old. Mahilig ako sa pagkain at sa pintura. Pagkain, dahil matakaw ako. At pintura, dahil mahilig ako magpaint.
Napalingon ako.
"Ano po yun?."
Nagulat ako nang may biglang sumabay sa pagsasalita ko.
Nabaling ang tingin ko sa taong nakasabay ko sa pagsasalita.
"Dylan?." tanong ko habang nakatayo siya sa pinto na may sukbit na bag sa balikat.
"Magkakilala na pala kayo." sambit ni Mam Charie.
"Po?." tanong ko.
"Transferee siya.. Sorry, Mr. Ford. It was Ellie that I was calling." baling ni Mam Charie kay Dylan.
"Okay." prenteng tugon niya atsaka pumwesto sa isang upuan.
"Ms. Ford, pwede bang humingi ako ng pabor?." -Mam Charie
Tumango ako bilang tugon.
"Nagustuhan kasi ng Principal yung painting mo nung nagpagawa ako ng Painting sa MAPEH.." Nabigla ako.
Halos nagusot ko na ang school uniform ko sa sobrang tuwa.
"..And he wants you para pinturahan at disenyuhan yung blangkong pader sa playground ng elementary building. I'll give you extra grades and exemptions for your exams for this periodical, sa lahat ng subject. Pumayag ka lang." dagdag pa niya.
Jusko!. Kahit buong school pa papinturahan, tatanggapin ko yan, wag lang ako mag-exam sa math.
"Payag naman po ako." todo ngiti kong tugon.
"That's good. But let me look for someone that can help you for that. Hmm.." inilibot niya ang paningin niya sa buong classroom.
"Mr. Ford!."
"Bakit po siya?." pareklamo kong tanong.
"He's good in painting. Nakalagay yung pangalan niya sa list ng mga nanalo ng painting awards sa dati niyang school, well, dati niyong school."
***
Tumigil ako saglit at nagpahinga.
Napatingin ako kay Dylan na tahimik lang sa ginagawa niya.
Natutuwa ako sa nakikita ko ngayon.
Dati, sabay kaming nagpipinta at karamihan sa mga pinipinta niya ay puno ng kulay itim.
Natutuwa ako na napalitan na iyon ng makukulay na pinta ngayon. Pero sana, ako ang iniisip at inaalala niya habang ginagawa niya yan.
Sana maalala niya ko.
"Ate Girl!! Ate Girl!!" tawag ng isang elementary student sakin.
Andito na kami sa elementary playground at nagsisimula na sa pagpipinta.
Mabilis ko lang nagawa ang plano ng mga ipipinta ko dito dahil alam ko naman ang mga disenyong magugustuhan ng mga bata. Gayun din kay Dylan, pinaintindi ko sa kanya na ilagay lang niya lahat ng masasayang larawan para sa mga bata.
"Ano po?." sambit ko habang nagpipinta.
"Ano pong nigagawa niyo ni Kuya Boy?."
"Nagdo-drawing po." tugon ko.
BINABASA MO ANG
Past in Present [Short Story]
ChickLit"Kasama ako sa mga nakalimutan mo. Kasama ako sa nakaraan mo."