Dylan Ford's POV
"Nag-enjoy ka ba?." Sabi ko habang naglalakad kami.
Andito kami ngayon sa perya at ipinapasyal siya.
"Sobra.." She smiled.
Nanguna siyang maglakad at biglang tumigil sa tapat ng isang ferris wheel.
Lumapit ako sa isang tindero ng lobo at bumili ng tatlong heart balloons.
"I love you.." Sambit ko atsaka inabot sa kanya ang mga lobo.
She stared at me.
Hinawakan ko ang kamay niya atsaka nagsalita.
"Okay lang sakin na ako lang ang laging nagsasabi ng I love you. Basta hayaan mo lang akong gumawa ng paraan para sabihin mo yan sa akin nang mula sa puso mo.. I'll wait for the time that you'll say that to me. Even if it will take years, andito pa rin ako."
"I love you, Dylan.."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
Nilingon ko siya.
"Sinasagot mo na ba ako?!." I shouted.
Tumango tango siya.
"Geez. Akala ko tatagalan mo pa ang pagsagot sa akin eh.. Pero maghihintay parin ako kahit sobrang tagal pa niyan."
Nginitian niya ako.
"Witness natin ang ferris wheel na to. Sana lang, walang katapusan ang pagmamahal natin sa isat-isa gaya ng kawalan ng katapusan ng bilog na hugis ng ferris wheel na to. Sana maging kasing tatag natin ang ferris wheel na yan kahit napakaraming tao na ang nakikisali sa atin.." Sabi niya habang nakatitig lang sa Ferris wheel at hawak hawak ang kamay ko.
Nilingon niya ako at muling nagsalita.
".. And sana, hindi ko pagsisihan ang araw na to, Mr. Dylan Ford."
BINABASA MO ANG
Past in Present [Short Story]
ChickLit"Kasama ako sa mga nakalimutan mo. Kasama ako sa nakaraan mo."