Chapter 016: A Lost Friend

109 7 0
                                    

The video above is not mine,

The title of the piano piece is Black Elk - Intro(Sparks) Para kasing bagay siya para sa chapter na 'to

:3

**

I take it all back. Sana po e hindi na lang po siya dito nagtrabaho. All the girls in the café are looking at him. Hindi ko na lang siya pinapansin at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay. May biglang pumasok na isang costumer na may dalang aso. I think it's a corgi.Sa tagal kong nagparttime job dito e madalang ako makakita ng may dalang aso bilang lang sa kamay.Pinapayagan naman naming na papasukin dito sa shop ang mga aso since we want to built a home atmosphere.

Habang busy ako sa pagpunch ng order ng costumer ay napadaan ang tingin ko kay Asher na ngayon ay nililinis ang isang table.Mukha naman siyang masaya sa ginagawa , I must say that he is serious about being near to me. Pero sa totoo lang dumagdag lang siya sa mga problema ko.

Mabuti na lang at wala pa 'yong dalawa dahil may poloicy ako na pag nandito ako sa trabaho ay dapat limang kilometro ang layo nila mula rito dahil una ito na lang ang oras na maari akong makahinga ng maluwag.May mga mata naman sila dito e siguro patri narin si Claire kaya sumatotal e balewala lang din.

Matapos ang rush hour at break time ko na nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan. Cramps?

Meron ba akong kinain hindi maganda? Wala pa. I hardly have cramps this is actually new to me. Hindi pa 'ko nagkakamenstrual cramps gawa ng pagiging irregular ng period ko.Sh!t I really have eaten something earlier.

Lumapit sa'kin si Claire. "Sis ,are you okay?"Tanging pagtango na lang ang nagawa ko dahil mas sumakit pa 'to. Napahawak na lang ako sa'king tiyan. Syet!Ang sakit!

"Sis!?"

Mga ilang saglit lang ay sumulpot sa si Asher. "I think you just have stomach cramps.Its better na umuwi kana muna.Napatingin ako sa kanya. Hindi pwede dahil dagsa ang mga tao ngayon. Hindi ko pwede iwan si Claire at hindi nila kaya.

"But-" Hindi na niya pinatapos ang dapat ko pang sabihin.He just looked at me. "No buts,Ako at si Claire na ang bahala.I-tinext ko na si Leo."

"Mabait yun wag kang mag-alala. He's maybe lover boy to you but he's my best friend."

Nanahimik na lang ako. Tama naman ang sinabi niya. This is actually a bad habit of mine. Pero wala e ganito na ako. My family did this to me.Nag bigla na lang akong makaramdam ng pagkahilo at sinakop ng kadiliman ang aking paningin.

Naalala ko dati mahilig akong magtago sa likod ng bahay.Minsan nga doon na 'ko nakaktulog at dahil doon ay kulang na lang maging head news ng taon , ipa search and rescue ba naman ako e nasa likod lang ako ng bahay namin.

Yung mismong araw nading 'yun si Kuya Raven umuwing may dalang aso. For a child that doesn't have a single friend iyon na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Pinangalanan ko siyang Ruby. We played a lot we shared a lot of memories.But... They take it all away from me.

They made me kill my friend At the very young age. Gusto na nila akong matutong pumatay. Hindi naman niya sinasadyang mabasag ang isang mahalagang gamit sa bahay nun. I could've saved her.Meron sana 'kong nagawa. I hate myself.

Holy Sh!t matapos ang mahabang panahon napaginipan ko ulit. Napatingin lang ako sa ceiling at bigla na lang akong napangiti dahil may lambat ito at may mga shells at mga starfish. Napamangha na lang ako dahil umiilaw ang mga starfish. Nakaramdam ako ng paggaan ng pakiramdam ko. Kanino ba 'tong kwartong ito?

Wait.the last thing I know is I just collapsed. Umupo muna ako at tinignan ko kung nahihilo pa 'ko. Okay. I'm okay now. Agad akong tumayo at dahang dahang pumunta sa pinto.

Pero bago ko pa man maabot ang doorknob. May narinig akong naguusap sa labas. Kaya pinakingan ko muna.

"Alam mo ang totoo nating plano diba?" medyo malalim ang boses nito. Pero di ko parin ako sigurado kon sino sa kanya

"Oo alam ko 'yun just give me more time."

"Well she's quite interesting isn't she?" halatang may pagka-tuwa sa boses nito.

I waited for the response pero wala. Ako ang pinaguusapan nila. Iyon ang sigurado ako.

Kalma lang.

Pinakiramdaman ko kung nandiyan pa sila.Mukhang umalis na sila kaya binuksan ko na ang pinto at pagkabukas ko ng pinto sumalubong sa'kin si Karin. May dala siyang tray ng pagkain para sa'kin ata.

"Ate okay nab a ang pakiramdam mo?"

Napatango na lang ako.

"Mabuti naman po, Nagulat po ako kay Kuya ng iuwi kaniya dito sa isa pa naming bahay."

Isa pang bahay? So hindi 'to yung bahay malapit samin. Somehow natakot ako bigla.

"Nagabala kapa."

Ngumiti lamang siya at ipinatong muna ang tray sa lamesa. "Wala 'yun ate,Tutal ngayon ko lang nakita si Kuya na magalala para sa ibang tao."

Isang maikiling ngiti ang sinagot ko.

"Mauna nap o muna ako ate at aayusin ko muna ang kakain nila kuya Leo."

"Sige salamat ulit dito."

Kumaway nalang siya at umalis na. Hindi pa ako ganun kagutom per nakakahiya naman kong hindi ko ito kakainin. Kaya sa huli ay inubos ko ang soup na ginawa ni Karin. Ang sarap ng lasa.

Natigil ako sa pagkain ng may pumasok sa loob ng kwarto. It's Asher.

"Yow! Mukhang maayos na ang pakiramdam mo."

"Yeah, okay na." Nakatingin parin ako sa bowl na nasa lamesa.

"Alam mo wag ka ng mahiya sa'kin beside malapit nanaman matapos ang lahat ng to" he said with a bitter tone to it. Justr great sino kaya ang gumawa para mas lalaong maging awkward ang sitwasyon?

"Well hindi ako nahihiya sa'yo kung yun ang ibig mong sabihin. M-marami lang akong iniisip."

"Ohh sige iyang ang sabi mo. Ihahatid nga pala kita sa inyo."

Nanglaki ang mata ko bigla, No.Just no.Nababaliw na siya. O baliw na talaga siya.

"Ha?"

"Ihahatid kita sa araw ng party ng lolo mo." Ngumiti siya sa;kin isang ngiting parang may masamang balak gawin.

Nakidnap ako ng walang nagawa. Panigurado ay nagwawala na sila lahat doon. One thing I'm sure. This is gonna be a war.

Mr. Delinquent & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon