Nagising si Mei Akiyama na hinihingal at pinagpapawisan ang buong katawan na tila pagod na pagod isang umaga.
Tumingin siya sa orasan, Pasado alas tres na.
Agad siyang kumuha ng isang basong tubig sa ref upang mapawi ang kanyang pagkauhaw.
Napasandal siya sa pader, hinawi ang mahaba at maitim na buhok at nagpatuloy sa pag-inom.
Nang mahimasmasan, pilit niyang inalala ang mukha ng isang batang babae sa kanyang panaginip-- batang babae na tila pamilyar sa kanya.
Gabi-gabi nya itong napapanaginipan at ilang araw nang gumugulo sa kanyang isipan.
Habang nasa kalagitnaan ng pagmumuni-muni, narinig niyang tumunog ang telepono kaya't agad niyang ibinaba ang baso sa mesa at nagtungo sa sala.
Binuksan niya ang noo'y mga nakapatay na ilaw at saka sinagot ang telepono.
"Hello? Kurumi-chan, napatawag ka?"
Ang kaibigan niyang si Kurumi Hazesagawa ang nasa kabilang linya.
"Good Morning Mei-chan! nagising ako sa ingay ng sirena ng sasakyan ng mga pulis. Sakto gising ka na."
***
Matalik na kaibigan ni Mei si Kurumi simula pa noong unang pagpasok niya sa Takashiyama University.
Uwian na noon, wala ng tao at malakas ang ulan. Si Mei na noo'y naiwan ang payong ay nasa hallway at naghihintay sa pagtila ng ulan.
"Mukhang naiwan mo ang payong mo. Gusto mong sumabay?"
Nanggaling ang tinig sa kanyang likuran.
Napalingon siya at nakita niya ang isang babaeng may taas na 5"3, may maiksi, medyo kulot at kulay tsokolateng buhok, mapupungay ang mga mata, may magandang ngiti at mukhang mabait.
"Ako nga pala si Kurumi Hazesagawa. Magkaklase tayo hindi ba?" pakilala ng babaeng may hawak na kulay dilaw na payong sa kanya.
"Mei .. ako si Akiyama, Mei. Natutuwa akong makilala ka." sumagot naman si Mei.
Pagkatapos ng kanilang pagpapakilala sa isa't isa, sumabay si Mei kay Kurumi pauwi.
Hindi naman kalayuan ang bahay ni Kurumi sa apartment na tinutuluyan ni Mei,mga walong bahay lamang ang pagitan nito kaya't palagi silang magkasamang pumasok at umuwi.
Ngayong ika-apat na taon na nila sa Takashiyama U, palagi pa rin silang magkasama at malapit sa isa't isa.
***
Pagkatapos ng kanilang kwentuhan sa telepono, hinubad ni Mei ang kanyang night gown at dumiretso sa shower upang maghanda sa kaniyang pagpasok.
Habang bumubuhos ang tubig mula sa kanyang ulo pababa sa mahahaba niyang hita, napatingin siya sa hiwa na nasa kanyang kanang kamay.
Napapikit at pagkaraa'y nainis at hinampas ito sa pader-- muli itong nagdugo.
***
"Nabalitaan ninyo ba 'yung pinsan ng detective na si Ryu Natsume?" Maririnig na usapan sa hallway ng paaralan ng mga estudyanteng babae.
"Oo, grabe! natagpuan dun sa condo unit niya, biyak ang ulo."
"Good Morning Mei!" nakangiting pagbati ni Kurumi sa kaibigan habang sinasabayan itong maglakad sa pasilyo.
"Anong pinag-uusapan nila?" usisa ni Mei.
Agad naman siyang sinagot nito " hmm.. natatandaan mo iyong nakita nating kasama ni Natsume-senpai na akala natin girlfriend niya? pinsan nya pala 'yun! .. natagpuang nakahandusay, wala ng buhay kaninang madaling araw."
BINABASA MO ANG
Hidden Motives
Mystery / ThrillerBawat tao may tinatagong motibo. maaaring maganda o di kaya'y masama. Ngunit paano kung may kakaiba kang hangarin na kahit ikaw mismo sa sarili mo, hindi mo alam? Matinding hangaring pumatay? lahat ng yan ay may dahilan Ano nga kaya ang nasa likod...