Chapter 2

24 1 0
                                        

Malakas ang ulan ng gabing iyon. Wala ng masyadong tao at tanging mga convenient store at gasolinahan na lamang ang bukas noon. 

Naisip niya na hindi magkakasya ang isang buong katawan ng tao sa loob ng itim na plastic bag na iyon, kaya kinuha niya ang lagaring bakal sa may construction site sa tabi ng parke malapit sa Beika Hotel.

Nagmamadali niyang isinilid ang hiwa-hiwalay na katawan ng babae sa loob ng plastic bag at saka nagbungkal ng lupa sa tabi ng isang malaking puno . Mabigat ang bag at halos pumutok na ito sa sikip, subalit nagawa niyang mapagkasya ito sa ginawa niyang hukay.

Hinubad niya ang itim na gloves na noo'y kanyang suot at saka itinapon sa basurahang malapit roon. Sa pag-aakala niyang naibaon niya ng magaling ang katawan ng babae, umalis siya ng parang walang nangyari at naglakad sa ulan.

---------------------------------------------------------------

(Takashiyama University)

"Saan ka ba galing kagabi, Mei?"

"uhh.. Wala. Pamilyar kasi yung babaeng nakita ko kagabi sa may parke. Parang malapit ang loob ko sa kanya." sagot ni Mei

"oh, ganun pala. Ikaw talaga! Palagi mo na lang akong tinatakbuhan. Hindi ka man lang nagpapaalam. Hmp!" nagtatampong pahayag ni Kurumi.

"pasensya ka na Kurumi. Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos. Hayaan mo.. sa susunod, magpapaalam na ako."

 Habang sila ay naglalakad sa hallway, napatingin sila sa bulletin board.

" ANNOUNCEMENT:  ALL COOKING CLUB MEMBERS, PROCEED TO ROOM 4-3 AT 3:00 PM FOR THE MEETING ."

"Oh, may meeting pala tayo mamaya" - Kurumi

"Oo, gawa nung mga freshman na sumali, i-oorient daw natin." - Mei

"Hmm.. puntahan kaya natin si Chef Azmaria? *w*, malay mo may mga cute na sumali." kinikilig na mungkahi ni Kurumi.

"Uhh.." 

tatanggi sana si Mei subalit hinila na ni Kurumi ang kanyang kamay papunta sa room kung saan naroon ang kanilang head Chef na si Azmaria.

(ROOM 4-3)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden MotivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon