Hanggang Ngayon

30 2 2
                                    

Hanggang Ngayon

Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal? Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sagutin ka noon? Kung alam mo lang ang mga pagsisising nararamdaman ko ngayon? Kung alam mo lang? E'di sana masaya tayo ngayon. E'di sana hindi kita nasaktan. E'di sana hindi rin ako nasaktan.

~

Hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong sinayang ko. Alam kong wala kang pagkukulang at ginawa mo ang lahat makuha mo lang ako. Pero anong ginawa ko? Umiwas ako. Ang isa sa mga bagay na pinagsisihan ko.

Kung sana hindi ako natakot. Kung sana walang alinlangan kong hinarap ang pangyayaring iyon. Kung sana tinupad ko kahit simpleng hiling mo. Kung sana wala na rin itong trust issue ko. Kung sana mas pinili ko ang kasiyahan ko. Hindi siguro ako magiging ganito. Puro 'kung sana' na lang ba ako?

Oo, ako na tanga. Pinakawalan ko ang taong alam kong mahalaga sa akin. Masisisi niyo ba ako? Kung mas pinili ko ang pamilya ko kaysa sa taong alam kong mahal ko at mamahalin din ako?

Tsk. Wala na akong magagawa. May bago na siya ngayon. Napagod na rin siguro. Siguro tingin niya sa akin pinaglaruan ko siya. Siguro tingin niya sa akin 'paasa', which is true, pinaasa ko lang siya. Dahil ako lang naman ang may hawak sa salitang 'kami'. 'Di ko rin siya masisisi kung umayaw na siya at nakahanap ng taong alam niyang mas worth it sa kanya kaysa sa akin.

Sasabihin ko ba? Na hanggang ngayon ay siya pa rin?

'Wag na lang pala. Baka masaktan ko na naman siya at mas lalong ayawan niya ako. Mas maiging ako na lang ang masaktan kaysa mandamay pa ako ng iba. Mas masakit iyon.

Mawawala rin ito. Itong nararamdaman ko. Gaya ng pagkawala ng nararamdaman niya para sa akin. Itong walang'yang, napakaloyal na puso na ito ang mas lalong nagpapahirap para sa akin para kalimutan siya. Bakit kasi hindi na lang iba ang piliin niya at hindi na lang siya?

Masokista itong puso na ito eh. Gustong-gusto parating nasasaktan. Gustong-gusto ang mga bagay na brutalan pero pangsarili lamang. Ako na selfless. Eh ba't ba? Hindi ko hawak puso ko. Nasa loob ko ito at tanging nararamdaman ko lang. Hindi ko rin kayang itigil ang pagtibok nito gaya ng pagsubok na itigil ang nararamdaman ko para sa kanya. 'Yung tipong sa bawat pagtibok, tanging siya lang ang idinidikta. Gayunpaman, kahit ganito ka-masokista ang puso ko, nandiyan pa rin naman ang utak ko para hindi ako tuluyang mabaliw.

Pero ano ang magagawa ko? Ang pagmasdan siya mula sa malayo at maging masaya para sa kanya? At manahimik habang nasasaktan palihim?

Patawad. Hindi ako matapang tulad ng iba. Siguro tama lang iyong may makita ka ng iba. Iyong hindi ka sasaktan tulad ng ginawa ko. Ano nga ba'ng alam ko? Halos hindi naman tayo nagkakausap dahil nga sa iniiwasan kita 'di ba?

Akala mo siguro wala akong pakialam sa mga ginagawa mo para sa akin. Sa mga sinasabi mo'ng mga pick-up lines para mapakilig ako. Sa boses mo tuwing tumatawag ka. Kung alam mo lang ang totoo? Lahat ng ginagawa mo? Para sa akin? Lahat noon nagdudulot ng kasiyahan sa akin.

Hahahahaha. Nakakatawa lang. Malaki pa rin pala ang epekto mo sa akin. Actually, masasaya ang alaala na iniwan mo sa akin pero bakit nasasaktan ako? Siguro dahil wala ka na at hindi na mauulit muli ang mga nangyari dati. Biruin mo? Mga dalawa o tatlo'ng taon nang nakalipas ang mga pangyayaring iyon at heto pa rin ako, hindi pa rin nakakabangon.

Ang lalim na yata ng pagkakahulog ko eh. Tapos masakit pa ang pagkakabagsak ko.

Sa lahat ng alaala na binabalikan ko ngayon heto na 'ata ang pinakagusto ko...

"Guys! Uwi na ako. Tapos naman na iyong program eh. Kaya p'wede na siguro'ng umuwi?" Paalam ko sa mga kaibigan ko.

"Sige! Bye, Jhennie!" Nagpaalam na rin ako sa iba at nang makita ko si Errah, ang matalik kong kaibigan, ay nagpaalam na rin ako.

"Teka lang. Sabay na tayo."

"Okay. Hihintayin kita dito." Pagkabalik niya ay nag-umpisa na kami'ng maglakad. Kasama na rin niya ang isa pa naming matalik na kaibigan na si Arlene.

Pumasok na kami sa mall. Sa kabila kasi ang daan namin at tatawid na lang kami sa loob kaysa naman umikot pa kami at mas lalo lang kaming mapapalayo. At kung dito kami dadaan ay mas malamig at mas mabilis pa.

Pero hindi pa talaga kami noon tuluyang uuwi. Tumambay pa kami sa ilalim ng escalator para kumain ng ice cream at maki-wifi sa mall. Hindi rin naman kami nagtagal at umuwi na kaagad.

Nauna ng umuwi si Arlene at Errah at nandito pa ako sa labas ng mall at hinihintay ang sundo ko----- si papa at ang kapatid kong bunso na lalaki na naka-scooter. Nag-text naman na ako kay papa na sunduin na ako at hihintayin ko na lang.

Sa pagmumuni-muni ko, napansin ko ang isa---- I mean, dalawang lalaki na tinutulak-tulak nila ang isang lalaki. Magmula sa exit ng mall, na nasa likuran ko, hanggang sa kinaroroonan ko.

Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko. Kaya kapag nangingiti ako ay lumilingon ako sa harapan ko.

Nang makalapit na sila sa pwesto ko, itinulak ka nila sa gilid ko. Hiyang-hiya ka noon. Pero sa totoo lang? Ang cute mo.

"Geh. Usap lang kayo. Doon lang kami sa likod niyo." Sabi ng isang kasama mo. Nginitian mo na lang sila pagkatapos at tinanguan.

Oo, may namagitan sa gitna natin na 'awkward silence' pero bago humaba iyon ay nagsalita ka na.

"A—ahm... kasi—ano..teka—pa'no ba 'to?" pautal na winika mo. Natatawa pa nga ako sa'yo kasi halata'ng nahihiya ka at hindi ka rin makatingin sa akin ng diretso. Kaso pinipigilan ko kasi baka mas lalo ka'ng mahiya.

"Sige, ano ba 'yun?" tanong ko sa'yo para maipagpatuloy mo ang sinasabi mo.

"Unan ka ba?" medyo mahina ang pagkakasabi mo kaya hindi ko masyado'ng narinig.

"Huh?..." saka ko lang naalala na mahilig ka pala'ng magpick-up lines. Kaya kahit hindi ko narinig ay sinabi ko na lang ay "...Bakit?"

"Kasi gusto kita'ng kayakap tuwing gabi." At doon ko lang na-realize na unan pala ang binabanggit mo. Alam kong narinig ko na ang mga kataga'ng 'yan sa iba subalit iba pala kapag sa'yo na sinasabi. Napangiti na lang ako sa sinabi mo at pagkatapos ay may iniabot ka sa akin na maliit na plastic. Galing Watson's. Buti pala tinanggal mo na iyong resibo noon. Hehehe.

Tinignan ko ang laman. Tobleron. Oo, maliit lang din siya pero kahit ganoon natuwa pa rin ako. Tunaw na nga eh.

"Pasensya na, 'yan lang nakayanan ko. Kanina ko pa dapat iyan ibinigay kaso hindi kita matyempuhan kaya natunaw na. Pasensya na ah?"

"Hahaha. Okay lang. Salamat pala dito. Ay! 'Andyan na pala sundo ko. Bye!" nagpaalam na ako sa'yo at kinain na agad ang binigay mo'ng tsokolate. Kasi alam ko naman na sisermunan ako ng magulang ko at iyon ang mga iniiwasan ko.

Napangiti na lang ako ng mapait ng maalala iyon. Napakasakit. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha'ng kanina ko pa pinipigilan.

Huwag mo na akong pansinin. Tutal ay masaya ka na ngayon ay hindi na kita guguluhin. Hayaan na lang siguro ako'ng ganito dahil lilipas naman ito. Lilipas din ang sakit at magbabago rin ang nararamdaman ko. Hindi man ngayon pero sa tamang panahon. Paano nga naman ako magmo-move-on kung katabi kita ngayon sa classroom at tuwing may tanong ka sa 'kin o ako sa'yo ay hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata mo. At mas lalong hindi ko matagalan ang mga titig mo. Takte. Nakakabaliw na pag-ibig nga naman o!

Sabagay, malapit na rin naman matapos ang school year at panigurado na makakalayo na ako sa'yo at doon ko pa lang masisimulan ang panibagong yugto ng buhay ko.

Pero nais kong malaman mo, na ikaw pa rin hanggang ngayon.



Hanggang Ngayon (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon