Chapter 1

23 1 0
                                    


Sa buhay natin para ka lang dumadaan sa isang mahabang eskinita buhat buhat ang isang timbang tubig. May parte na napaka dilim, maliwanag, napakakitid at maluwang. Nandyan din ang mga aso na napaka bagsik na kapag dadaanan mo sila tatahulan ka nila or mangangagat okaya hahabulin ka nila. sabi ng lolo ko kailangan mo lang maging matapang para malampasan mo ang mga pagsubok na dadating sa iyong buhay. Pero ano ba ang dapat mong gawin upang makarating sa dulo ng eskinita na buhat buhat parin ang isang timbang tubig na hindi pa nauubos.


"Hi love! Imissyou!"

Mula dito sa kinauupuan ko dinig na dinig ko ang boses ng babaeng kahit kailan hindi ko pinangarap.


"Oh Hi Yvon" Ang lalakeng kinababaliwan ng karamihan.

"Anyway wala mamaya sila moomy mamaya sa bahay, nag out of town sila. they'll be out for a month."

"Really? That's great." Sa boses ni Yvon mukhang may mali na hindi napansin ng mga kausap niya.

"Yea! And mag iinuman kami kasama ang tropa. Punta ka ha? Sagot mo inumin namin at syempre alam mo na." Nakangiting sabi ni Mark. Samantala kanchawan at tawanan naman ang reaksyon ng mga kasama ni Mark.

"Oh sure! I'll be there love. Anyway I have to go. Bye!"


Ang isang timbang tubig na iyong buhat ay ang mga oportunidad at oras mo sa mundong ito. Na sa iyo na kung saan mo ito gagamitin, kung iyo ba itong aaksayahin dahil sa dumi at putik na nasa iyong paa o ika'y magtitiis upang magamit mo ito sa oras ng iyong pangangailangan.


Si Yvon mukhang mali sa paggamit sa tubig ng buhay. Dahil halata namang ginagamit lang sya ni Mark.


Habang papalayo si Yvon at hindi na sya matanaw nakarinig ako ng mga salita galing kay Jay.


".....ako nang bahala sa gamot tol si Jake naman ang kakausap sa Bestfriend ni Yvon na si Leah."


"Ayos.... tignan natin kung hanggang saan ang kahibangan saakin ni Yvon."


"Hoy Panget! kanina kapa nakatulala dyan. Upuaan namin yan kaya alis!!" at ang mga aso sa eskinita kung hindi mo tatapangan kakagatin ka, hahabulin at tatakutin ka nila.


"Aba! At ayaw mo ng umalis ha. Bakit kaya mo ng labanan ang high class naming kagandahan?" Pagmamayabang na sabi ni Leah ang kaibigan ni Yvon. Sabi nila birds with the same feather flacks together. Pero mukhang hindi ata sila magkaparehas ng ugali. Si Leah masyadong mapagmataas sa lahat ng bagay. The mean girl of the campus kasama ang mga aso nyang sunud sunuran, actually hindi aso, the idiomatic term for girls na sunod sunuran sa kunwaring leader nila. Slave kumbaga.


Tatayo na sana ako upang umalis ng biglang.


"Oh' O. Sorry Nerdy Clint. Gusto atang sumama ng coffee ko sayo. Para naman makaligo ka na din ang baho mo na kasi e."


Isang napakalakas lang na tawanan ang narinig ko matapos ibuhos ni Leah ang malamig niyang kape sa ulo ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Serial RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon