Chapter 2 - Mahal Mo Ako?!

322 8 3
  • Dedicated kay Angelica Sulit
                                    

[A/N: Good day everyone! :))) BTW, malapit na po itong matapos. One chap. na lang po then EPILOGUE na ng story. Hope you guys enjoy this story kahit hindi naman kagandahan! xD HEHEHE... By the way, I dedicated this to my former classmate/best friend, Angelica. Hello there! ^O^ Eto na yung story ko. Thanks for your support ha? :"">]

Cheena's POV

Nandito pa rin kami sa park hanggang ngayon.

Tumila na ang ulan so we decided to go home na...

Naglalakad kami ngayon pauwi. Malapit lang naman kasi ito sa bahay namin eh..

"Ano naman ang pinag-usapan niyo ng Rex na yun?"

"Ahh.. Uhm... Actually, he ask me if pwede daw siyang manligaw! Hihihi.."

"Ahh.. ganun ba? Eh ano sabi mo?"

"Ano pa ba, Bestie? Edi siyempre, I said YES!"

"Sure ka bang hindi ka sasaktan niyang lalaking yan ha? Baka mamaya pinagtitripan ka lang niyan?"

"Eto naman! As if naman kami na kung maka-advice ka dyan! Nanliligaw pa lang teh! Pinagtitripan? Uhm... Hindi naman siguro. *pout*"

"Bahala ka na nga. Kung saan ka masaya, okay na ako dun. Pero basta kapag niloko ka nung lalaking yun, ako gugulpi dun!"

"Naks naman!! As if namang kaya mo siya, girl! HAHA!"

"So how's the rain?" nakangiting tanong ni Sykei.

"Masarap." sagot ko sa kanya ng nakangiti.

"Bakit, ininom mo ba?!" napa-face palm naman ako. Ano ba naman yan! Bumalik na naman siya sa pagiging slow niya. TSK. -_-

"Hindi noh! I mean... masarap sa pakiramdam."

"Ahhh.... Kala ko, ininom mo eh! HAHAHAHA"

"Aba, nang-aasar ka ba?!"

"Masyado bang obvious?! HAHAHA!"

"Ikaw talaga! Hindi ka pa rin nagbabago! Maloko ka pa rin! HAHAHA!"

Naglalakad pa rin kami hanggang sa may makasalubong kaming tatlong lalaki.

"Wiwit~ Chicks mo pare? Pwede bang mahiram?" Tsk. Anong pinagsasabi nitong mukhang mongoloid na ito? Chicks? Ano ako, lumabas sa itlog? HAHAHA! Dejoke lang! gets ko yun noh! xD

"Nice one, pare! Maganda at sexy..  Enjoy tayo nito!" Aba! Ang babastos ng mga ito ha! Kadiri naman ang mga itsura! Mga mukhang pinaglihi sa unggoy! And Eew~ Ang baho pa ng hininga!!! KADERDER. XP

"Hoy, ano bang mga pinagsasasabi niyo dyan ha? Ang babastos niyo ha! At saka, anong pare ka dyan! Babae ako noh? Go away na nga kayo!" matapang na sagot ni Sykei sa mga mongoloid.

"HAHAHAHAHAHA! Matatakot na ba kami ha? Alam mo, iiwanan ka naman namin eh. Basta pahiramin mo lang itong kasama mo.. *smirked*"

"Hoy! Mga pinagsasasabi niyo ha? Ano ako, gamit para hiramin? At saka... EEW~ Your breathe smells like a basura! YUCK. XP Magtoothbrush-toothbrush din pag may time! At saka, kaderder ka kuya ha? Ang baho mo na! Nagtitipid ba kayo sa tubig at hindi kayo makapag-toothbrush at makaligo? Umuulan kanina, hindi niyo pa maisip na maligo kahit man lang sa ulan!!!"

"Aba, miss! Sumusobra ka naman yata! HALIKA NGA DITO!!!!" bigla akong hinigit ng isang lalaki sa braso ko.

"A-araaaaay~! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!"

My Gay Best Friend (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon