Chapter 1

21 1 0
                                    

KthrnChng P.O.V [author's POV]

Kasalukuyang naglalakad sa hallway ang isang lalaking napaka... Oo, napaka niya,

Napaka-gwapo
Napaka-talino
Napaka-yaman
Napaka-sporty

At, Napaka-sungit.

Pero kahit napaka-sungit nito, nakadagdag lang lalo yun sa pagka-cool niya.

Ultimo mga guro sa paaralan nila, nahumaling sa estudyanteng ito.

~

Sa isang banda nama'y, isang nilalang na gulo-gulo ang buhok at Gusot-gusot ang damit ang tumatakbo papunta sa direksiyon ng lalaking cool na cool ang paglalakad sa Hallway habang ang mga babae at binabae ay wagas kung makatili.

Dahil sa magulo ang buhok ng babae, natatabunan narin ang mukha nito. Ngunit hindi yun inalintana ng babae at tuloy lang siya sa pagtakbo.

Hanggang sa, bigla nalang siyang nabungo sa lalaking tinitilian ng lahat.

Ang babae at binabae na wagas kung makatili ay napatigil sa nasaksihan. At nagsimulang magbulung-bulungan.

"Sorry sorry sorry sorry" sambit ng babae ng mabungo niya ang lalaki. Sabay ayos sa buhok nito, at ganun na lamang ang pagka-bigla niya.

"GET OUT OF MY WAY, YOU BIG TRASH" sigaw ng lalaki sabay lakad ulit patungo sa classroom nito.

Samantala hanggang ngayon ay tulala parin ang babae.

Ngunit nang makabawi ito ay bigla nalamang itong sumigaw,

"OMG! NAPANSIN AKO NI CRUSH"

CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon