Kambry's P.O.V [Kambry Madrigal]
"Friendship, grabe napansin ako ni crush. OMG! NAPANSIN NIYA TALAGA AKO. GOSH!" sigaw ko. Grabe, hindi parin ako maka-get over kanina.
"Kambry Madrigal, para sabihin ko sayo. Hindi ka niya pinansin, sinigawan ka niya at sinabihan ka ng 'BIG TRASH'. Sa Tagalog, Malaking Basura. Kambry, tinawag ka niyang basura tapos galak na galak kapa. Yung totoo, kailan kaba titigil sa kabaliwang mong yan!" napasimangot naman ako sa sinabi ng friendship kong si Fin.
"Grabe ka sakin friendship. Natamaan ako sa lahat ng sinabi mo. Pero kahit na anong mangyari. Ako si Kambry Madrigal, nangangakong hindi titigil sa pagkakagusto kay Chuck Rae. Itaga mo yan sa bato friendship" ngingiti-ngiti kong sabi.
Napa-face palm nalang si friendship sabay sabing, "Malala kana. Manahimik kana nga, andiyan na si Ma'am" umayos na ako ng upo at nagsimula ng makinig kay Ma'am... Oo na, hindi ako nakikinig. Eh kese nemen ei.
Haaayyyy! Parang gusto ko tuloy mag-cr ata dumaan duon sa room ng boyfriend ko, omg! Good idea.
Nagtaas ako ng kamay kaya naagaw ko ang atensyon ng lahat, lalo na si Ma'am.
"Yes, Ms. Madrigal?" tanong ni Ma'am
"Ma'am, may I go out?" tanong ko habang naka taas parin ang right hand ko
"Okay, you may go out" sagot naman ni Ma'am kaya dali dali akong lumabas. Yesssss! Hindi ko na pinansin si friendship na nagsabi pa ng bilisan ko daw kasi may quiz kami. Ayyy! Bakit hindi ko alam?
Anyway, so ayun nga. Nagtungo na ako sa room ng boyfriend ko. Madadaanan kasi ang room nila pag pumunta ng cr. Dahil nga sa matalino ang boyfriend ko, nasa Section A siya. Samantalang ako, section D. Wala ei, Chuck Rae lang ang alam ng utak ko hihihi.
Pagdating ko sa room nila. Sumilip ako dun sa pintuan nila. Agad ko naman siyang nakita kasi lutang na lutang ang kagwapuhan niya. Omg! Kinikilig ako.
Napaka-seryoso niya habang nakikinig sa teacher nila. Naka-glasses pa siya kaya ang gwapo niya lalo.
Pinagmamasdan ko lang siya ng biglang bumukas ang pintuan na kinasasandigan ko habang pinagmamasdan ang boyfriend ko. Kaya ayun, lagapak ako sa sahig.
Awww, sakit ng katawan ko. Dali dali akong tumayo. At duon ko hinarap ang teacher nilang umuusok na ang ilong sa galit.
"E-he-he-he, so-rry Ma'am" nauutal kong sabi. Nakakatakot naman kasi itong teacher nila. Terror ang mukha.
"What are doing there, awhile ago?" Nanggigigil niyang sabi sakin sabay turo sa pinto.
"A-hm. An-o po. Wa-watching how beautiful yo-u are whi-le teaching, Ma'am" nauutal parin ako. Grabe kasi lahat nakatingin sakin. Even him, my Chuck Rae.
OMG! NAKATINGIN SIYA SAKIN. PARANG MAHIHIMATAY YATA AKO.
BINABASA MO ANG
CRUSH
Teen FictionParang awa niyo na, kailangan ko ng votes and comments. De joke lang.