Ian's POV
"Mom-"
"Yes anak? Can you make it faster? I'm running late."
"Ah- umm. Pinaparequest move po kami sa dorm. Tapo-"
"Fine,just go ask Yaya Anding to fix your stuffs. Sige anak I gotta go."
"Okay ma Bye I Love Yo-"
Call ended.
Hays. Napaka bilis talaga ng panahon, parang noon nagbobonding lang kami ni Dad at Mom sa bahay. Pero ngayon feeling ko naiwan ako sa ere,yung tipong mas pinaprioritize nila yung work kesa sakin.
Naiintindihan ko naman eh. Na mahal nila yung trabaho nila. Pero sapat na ba yun na dahilan para talikuran ako? Masaya kami noon. Pero di katulad ngayon, napaka hirap namin noon. Halos magkandarapa na sila dad para lang may makain kami.
Tapos biglang may nangyari. Hindi ko alam pero biglang nagbago ang lahat. Naging mayaman kami. Lagat ng gusto ko binibigay.
Kasi as bata, lahat ng gusto natin eh mga materyal na bagay lang diba? Katulad ng laruan at kung ano ano pa. Pero as we grow up, can't you realize that all of those things are just a piece of your memory nalang? Kasi iba na ang nagugustuhan at kinakailangan mo ngayon.
You need attention,sweet hugs,and especially. . LOVE. Pero masakit,kasi hindi lahat tayo ay nabibigay ang lahat ng gusto natin. Maswerte ka kung kumpleto pa ang pamilya mo. Maswerte ka kung binibigyan ka pa nila ng atensyong gusto mo na hindi naibibigay sa ibang tao.
Pagkatapos kong magdrama,nakarinig ako ng malakas na katok sa kwarto ko.
"Ma'am Ian!! Nanjan po ba kayo?!"
Dalidali kong binuksan yung pinto at napa kunot ako.
"Nakakagulat naman po kayo! Ano po bang meron?"
Kumapit si Yaya sa doorknob. Grabe,tumakbo ata'to at parang hingal na hingal.
"Ma'am, may nag hahanap po sainyo."
Nagtaka ako at lumabas na sa kwarto.
"Sino naman kaya yun at parang takot na takot tong Yaya ko?"
Pagka baba ko sa sala. Bumungad sakin ang napaka bangong amoy.
Pamilyar na pamilyar yung amoy.
"There you are!"
Nakarinig ako ng mabibigat na padyak sa likuran ko at naramdaman ko nalang na may sumabit sa likod ko.
"Hoy! Bumaba ka nga jan! Jusko mababali buto ko sayo eh!"
She pouted and went down. Hayyyss kung hindi lang cute itong batang to baka nahagis kona siya sa bintana.
"Pasalamat ka cute ka Hamelin." Sabay pisil ko sakanya sa magkabilang pisngi.
"A-aray! Kuya oh!! Inaaway ako ni ate! Mashaket huhuhu."
Agad ko siyang binitawan at nanlaki mga mata ko.
Nandito kuya niya? Yung mokong na yun?
"HAHAAAAA! BARNEY! NANDITO KAAA!!"pasigaw ko.
Grabe ang tagal naming hindi nagkita ni Barney. Bakit barney? Kasi nung bata kami iyakin yan tapos ang makakapag pahinto lang sakanya eh yung laruan niyang kulay BAYOLET hahaha! Kaya yun,barney na tawag ko sakanya.
"Tch, It's Tristan Aries Hamilton. You dimwit."
Ang cold talaga neto eh! Pikunin kasi
Tinawanan ko nalang siya at naupo kami sa couch.
YOU ARE READING
My Vampire Knight
Teen FictionIan. Ang pangalan ng babaeng nag aaral sa Trinity Academy. Isang skwelahan na aakalain mo'y isang ordinaryong paaralan lamang. Ngunit Malalaman ng ating bida na nahahati ang school sa dalawa. Ang mga night class at day class. At habang tumatagal,mal...