Chapter 2

35 1 0
                                    

Hello po!!

Sorry at ngayon lang ako nag-update! 🙏🏻

Sobrang busy kasi ako nitong mga nakaraang araw!

Pero ngayon medyo hindi na masyado dahil SEMBREAK NA!! Whooooohooo

Here's chapter 2!! Enjoy! ❤️

---------------------------------------------------------


Aldrin's P.O.V

" Akala ko nag bago kana Aldrin!! Pero nagkamali ako! Ganyan ka parin!! SARILI MO LANG ANG INIISIP MO!! Wala kang kwenta!!! Simula ngayon layuan mo na ako! ayoko nang makita ang pagmumukha mo! Naiintindihan mo?!"

Minulat ko ang aking mga mata at tumitig sa kisame ng kwarto ko,

Hanggang ngayon ang mga katagang iyon parin ang paulit ulit kong naririnig sa panaginip ko,

Ang mga luha sa kanyang mga mata ay patuloy na umaagos na tila ba walang hangganan, ako ang dahilan non,

ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak,

Ako ang dahilan ng sakit na naramdaman niya...ako ang may kasalanan ng lahat.

Bumangon ako mula sa aking pag kakahiga at tumitig sa kawalan

Ilang taon na nga ba ang lumipas nang huli kong marinig ang mga tinig mo? Ilang taon na ba nang huli kong makita ang ngiti sa mga labi mo? Ilang taon na ba nang--

Isang katok sa pinto ng aking kwarto ang nakakuha ng atensyon ko.

"Aldrin? Gising kana ba?" Ang munting tanong ng isa sa may edad naming kasambahay si manang lori,

"Come-in," ang automatiko kong sabi

Dahan-dahan na bumukas ang pinto ng aking silid at agad na pumasok si manang lori sa loob,

"Bumangon kana ijo, at baka malate ka sa school" ang sabi nito

Hindi ako sumagot at agad na lang bumangon sa kama, at dumeretso sa cr. Agad kong binuksan ang shower, wala akong pakielam kung hindi ko pa nahuhubad ang mga damit ko, hinayaan ko lang itong mabasa, dahil ang nasa isip ko lang ay nais kong makalimot

Nang makatapos akong maligo ay agad akong pumunta sa hapagkainan upang kumain,

"Good Morning kuya!" Ang masayang pagbati saakin ng kapatid kong si Hanna, 7 years old lang siya at punong puno ng buhay ang mga mata niya, hindi tulad ng saakin.

"Good Morning din! Baby han!" Pagbati ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi

"Kuya! Hindi na ako baby! 7 na nga ako eh! Big girl na ako!" Naka pout niyang sinabi sakin

"Sorry naman, hanna! Nasanay na kasi si kuyang tawagin kang baby eh!"

"Whatever kuya!" Ang nakangisi nitong sabi at sabay kumain,

Sinabayan ko siya sa pagbe-breakfast,

nang makatapos kami sa pagkain ay agad kaming pumunta sa kanya kanya naming kwarto para magtoothbrush.

At agad na kaming sumakay sa kotse namin para pumasok sa School.

Excited si Hanna sa pag pasok, dahil makikita na niya ang bestfriend niyang si Holly, hindi pareho ang paaralan na pinapasukan namin ni hanna, at mabuti iyon dahil ayokong malaman ni hanna kung anong klaseng estudyante ako sa paaralan ko.

"Bye-bye kuya! See you later sa bahay!" Masayang pagpapaalam ni Hanna sa akin, habang bumababa sa kotse

"Ingat ka hanna"

Nang Makabalik na sa sasakyan ang driver namin mula sa paghahatid kay hanna ay agad niya akong hinatid sa School ko, ang St. Kokoro Academy,

Bago ako makababa ng kotse ay agad akong tinanong ng driver

"Sir, susunduin ko po ba kayo mamaya?"

"Hindi na" ang matapobre kong sagot at sabay na bumaba sa kotse.

Maraming mga estudyante ng aming paaralan ang napahinto at napatitig sakin, lalong lalo na ang kababaihan,

Hindi ko sila pinansin at patuloy lang na naglakad patungo sa mga barkada ko na nakatambay sa ilalim ng malaking puno ng mangga.

Nang mapansin ako ng isa kong barkada ay agad siyang napangiti

"Oh! Nandito na pala si Aldrin eh!" Sabi nito At sabay kalabit sa isa ko pang barkada,

"Oi pretty boy! Akala ko hindi ka papasok eh! Kupad mo!"

Habang papalapit ako sa kanila ay niluwagan ko na ang neck tie ko, binuksan ko narin ang 3 butones ng uniform ko,

"Wala namang okasyon para umabsent ako, Clarence" ang pabungad kong sinabi sa kanila,

Ilang minuto Pa lamang ang lumilipas nang makalapit ako kila Clarence ay agad namang tumunog yung bell, na nagsisignal na kailangan na naming pumunta sa classroom namin.

"Panira talaga yang bell!" Pag rereklamo ni Josem sabay tapon ng kanyang sigarilyo sa sahig.

"Halika na, pumasok na tayo, ayokong mapagalitan, " ang akin na lamang nasabi at lumakad papunta sa classroom ko

Nang makapasok na kami sa classroom namin ay nakatitig lang ang lahat ng mga kaklase namin.

Dahil ayaw na ayaw ni Clarence ng tinititigan ay sinipa niya ang isang upuan at natumba iyon.

"Anong tinitingin tingin niyo?!" Agad inilihis ng mga kaklase ko ang kanilang mga tingin samin.

Hmp, cowards

"Itayo mo nga yang upuan na sinipa mo!" Naiinis na sabi ng isang boses mula sa dulo ng classroom

Napatingin kaming tatlo nila Josem sa nagsalita

"At sino ka naman?" Ang walang expression kong tanong, sa babaing naglakas loob na pagsabihan kami ng mga barkada ko.

Ngunit bago pa siya makapagsalita ay tinakpan ng katabi niyang babae ang kanyang bibig at nagsalita

"A-ano, a-ang ibig niyang sabihin ay ipagpatuloy n-niyo lang yang gingawa n-niyo!" Kinakabahan nitong sinabi sabay hatak sa kaibigan niya palabas ng classroom.

Nilapitan ako ni Clarence at vakas ang ngiti sa kanyang labi.

"Mukhang may dapat tayong turuan ng leksyon ah" ang sabi nito sabay tingin sakin

At dahil ako ang heartless jock ng school na ito ay mayroon na agad akong naisip na punishment para sa kanila.







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Officially MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon