Hayy.. Nako! Dapat nakapag update na ako kanina eh! Pero hindi pala nasave ng wattpad yung gawa ko yan tuloy, balik sa una! Wala pa naman akong copy nun, gara!
Pero okay na yun!!
Here's chapter 1
Enjoy!! 👍🏻❤️
------------------------------------------------------
Jhaymie's Pov
"Friend! Maghunos dili ka! Masyado kang OA eh!" Wika ni Jade habang nagmomoment ako sa sahig ng kwarto ko.
"Oo nga friend! Kung makasigaw ka naman para kang kinikiliti sa kung saan dyan e" dugtong naman ni Lance
Mula sa aking pagkakahiga with matching 'kilig face' ay agad akong napabangong sabay harap sa dalawa kong kaibigan na sitting pretty sa kama ko.
"Pasensya na friend! Na eexcite lang ako! Alam niyo na..,simula na kasi ng klase bukas!" Sabi ko habang nakangiti ng malaki, feeling ko nga mapupunit yung mukha ko dahil sa pagngiti ng wagas! Pero ano bang magagawa ko? Wala eh! Super kinikilig lang talaga ako, ay este na-e-excite lang pala akong pumasok.
Muli akong humiga sa sahig at niyakap ang isang unan na nalaglag mula sa kama ko.
"Ah! Let me guess!! na-e-excite ka, HINDI dahil sa school or sa Pag-aaral, kundi dahil sa CRUSH MO! Aminin mo?! Tama ako diba?!" Nakataas kilay na sabi ni Lance
Dahil sa sobrang 'kilig pill' na dumadaloy sa ugat ko ay agad na lamang akong napatili at sabay roll sa sahig
Sino ba naman ang hindi ma-e-excite? kung halos 2 months mong hindi nakita ang Crush mo? Buti pa nga yung iba may mga sources na maasahan, samantalang ako, Ni walang balita nasasagap mula sa kanya at yun ay dahil sa mga kadahilanang;
Una, wala akong number niya
Pangalawa,private siya sa acc niya sa fb, at hindi niya pa inaaccept yung friend request ko sa kanya, like seriously?! Hindi niya ba alam na halos himatayin ako mapindot lang yung 'add as friend' na button sa fb niya?!
At ang pangatlong dahilan kung bakit ako walang balita kay Mr. Crush ay walang kwenta ang mga sources ko!! *Ehem*Lance*ehem*Jade*
"Uy! Hindi ah! Grabe ka naman na-e-excite talaga ako sa pasukan, at hindi dahil kay ano!" Pag di-deny ko
Hayy ano ba yan! Hindi ko masabi ang pangalan niya dahil alam kong Kikiligin lang ako lalo
"Hay nako! Wag kana ngang magdeny! Halata naman sa mukha mo eh! And by the way, Ilang taon mo nang crush yang si Mr. Angas pero wala paring nangyayari, itigil mo na kasi yang pagpapangarap mo na magiging kayo, dahil, wala friend! Hanggang panaginip lang yan." Bored na sabi ni Jade habang nagtetext. Sumangayon naman si Lance at sinabihan pa ako ng ilusyonada!
At dahil doon ay napairap ako, "Walang makakapigil sakin! Magiging kami ni crush! Yan ang goal ko ngayong taon!!!" Bigla ko nalang nasabi,
Patay! Bakit ba kasi hindi ko mapigilan ang bibig ko eh
"Ayan, ayan! Lumalabas ang kakatihan! Sabi sabi ka pang excited ka para sa pagaaral ah! Yun pala may iba ka pang motibo sa school!" Painis na sabi ni Lance sabay tawa ng malaka,
Nginitian ko siya at sabay hagis ng unan na yakap ko, tumama ito sa kanyang mukha, dahilan para matawa si Jade,at doon na nagsimula ang pillow fight naming tatlo.
Ilang oras pa ang lumipas at napag pasyahan ni Lance na mag Mall.
At first ayoko talagang sumama, pero nang pagbantaan ako ni Jade na ikakalat niya sa school kung sino ang crush ko ay agad akong kumaripas ng takbo papuntang banyo para magbibis ng pang-alis
BINABASA MO ANG
Officially Mine
Aléatoire"Ang pagiging martir para sa minamahal ay parang pag gamit ng droga, Delikado pag sumobra "