Kabanata I

67 2 0
                                    

CELINE'S POV

"Alam mo, Daphne, dapat ata gawin mo muna yung mga project mo bago tayo gumala ngayon. Baka wala kang mapasa bukas sa prof mo. Mabigyan ka pa ng singko nun." Sabi sa'kin ng bestfriend ko na si Charlotte.

"Nasimulan ko naman na 'yung project ko, mamaya tatapusin ko na 'yun. Tsaka kaya rin ako lumabas kasi may mga kailangan akong materials." Para sakin kasi once na masimulan mo nang gawin yung proyekto mo, hindi na sya ganun kahirap gawin sa susunod.

"Ikaw ang bahala." Kibit balikat niya sabay silip sa mga notebook na nakahilera ngayon sa bookstore. Mahilig kasi si Charlotte sa mga artsy na mga gamit tulad ng brush pen, colored ballpens, highlighters, at kung ano pang makulay at cute.

Sinamahan niya ko lumabas ng condo namin para maglibot-libot sa bookstore na malapit sa school namin. Sa Pacifica University kami nag-aaral parehas kaya magkasama kami sa condo.

Tinignan ko ang mga makukulay na ballpen na nakahilera sa harapan ko at naghanap ako ng mga ballpen na maaari kong gamitin para sa pagsusulat ko ng notes mamaya. Ang dami kong gustong bilhin, pero pinipigilan ko lang ang aking sarili dahil baka wala na kong pangkain kapag hindi ko pinigilan ang sarili ko. Biglang tumunog ang hawak kong cellphone. May nag-text na unregistered number.

"Hey, where are you?" Sino naman kaya ito?

"Hi, who's this? :)"

"Hey, Babe. It's Tim. :)"  Si Timothy pala.

Habang nagta-type ako kung asan kami, biglang siyang tumawag.

"Hey, babe. Asa bookstore kami ni Charlotte right now, malapit sa Pacifica University. Are you going to pick us up or do you want us to meet you somewhere near you?"

Hindi sumagot si Tim. Walang sumagot.

"Babe?"

"Hindi.. ako.. Sunduin na..." Ano daw?

"Tim? Babe? Chappy ka."

Toot toot

Naputol yung line, hindi ata naintindihan ni Tim 'yung sinabi ko, kaya tinext ko na lang uli siya na nasa tapat kami ng University at susunduin na lang daw niya kami. 

Natapos akong mamili ng mga kailangan ko pero si Charlotte, hindi pa rin tapos.

"Okay lang kahit sa labas mo na ko antayin, malapit na ata si Tim. Mainit din dito sa loob." Sabi ni Charlotte habang tumitingin ng mga colored paper.

"Sigurado ka? Hindi mo kailangan ng tulong?" Napaka-dami niya kasing dala.

"Kaya ko na to, Daph. Sige na, baka biglang dumating si Tim. Antayin mo na lang ako sa labas, babayaran ko na lang din 'to."

Tumango ako at naglakad na palabas. Habang nag-aantay ako sa labas, nag-phone muna ako saglit. Nag-text ako kay Tim na nag-aantay ako sa labas ng bookstore para hindi siya mahirapan hanapin ako.

Habang nag-aantay may tumigil na puting montero sa harap ko.

Ang ganda talaga ng itsura ng montero.

May dalawang bumabang lalaking naka-itim na t-shirt, may itsura sila at katamtaman ang pangangatawan. Hindi ko nga lang sigurado kung kaedaran ko sila o mas matanda sila sa'kin. Hindi ko na lang pinansin pa pero nagulat ako na lumapit sila sa akin.

"Hi miss, ikaw ba si Celine Daphne Suarez?" Tanong sa akin ng isa sa kanila.

"Ako nga. Bakit?" Anong pakulo nanaman ni Tim 'to?

Nag-tinginan ang dalawang lalaki at bigla na lang nila ko hinatak papasok ng kotse.

"Anong kailangan niyo sakin? Bitiwan niyo ako! Hoy!" Sigaw ko at pagpupumiglas pero mas malakas silang dalawa kumpara sa akin.

"Sino ba kayo? San niyo ba ko dadalhin? Bitiwan nyo ako! Charlotte!!!" Pinasok ako sa montero ng dalawa, natatakot ako sa nangyayari. Hindi ko nakita si Charlotte.

Kikidnapin ba ko ng mga to? Pero wala naman sa itsura nila na kidnapper sila? Sino sila?

"Sino ba kayo? Bakit pinasok nyo ko dito? Kung ki-kidnappin nyo ko wala kayong mapapala sakin, ibaba nyo na ko dito!"

"Hindi ka na kid, Cel." Bahagyang tawa at sabi ng pamilyar na boses na hindi ko narinig sa loob ng 4 na taon. Boses pa lang ay nagbigay na ng ibang klaseng pakiramdam na nagpapataas ng mga balahibo ko at nagpapatibok ng malakas sa puso ko.

Anong ginagawa nya dito? Bakit andito siya? Akala ko ba hindi na sila babalik ng bansa?

Humarap sa akin ang driver na lalaking may-ari ng boses.

"Hey Celine, didn't you miss me?"

Tumambad sa akin ang mukha ng lalaking matagal ko ng gusto, ang lalaking nagpapatibok ng puso ko.

"Lucas"

Till that day comesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon