ONE SHOT

96 4 4
                                    

Nasa loob ako ng kwarto habang nagbabasa ng libro. Patapos na ako nang biglang tumili si Katie at padabog na umupo sa tabi ko.

"Oh my Gosh! Look at him, ate! He's so gwapo!" sabay pakita niya ng picture ng isang lalaki.

Malinis ang gupit ng kanyang buhok, may matangos na ilong, manipis at mapulang mga labi at may perpektong hugis ng panga. Malalim at brown ang mata noon at may makapal na kilay.

Tumaas ang kilay ko, "Sino 'yan?"

"Gahd! Hindi mo ito kilala?" sabay pakita pa sa akin ng isa pang picture, "He is Pierre Angelo Ty ng Xavier University! Yep. Nasa school natin siya mahal kong kapatid Kassie Montefalco! Saang mundo ka nanggaling at hindi mo kilala ang lalaking ito?"

Kumunot ang noo ko, "Hindi naman siya kawalan. Bakit ko siya kilalanin?"

"You don't really have to know him but, duh! Sikat siya! Gwapo, mayaman, sexy at matalino. Ang bait bait niya kaya, he even helped me to pick up my stuffs when I fell down. Ugh! Sana saluin niya rin ako dahil nahulog na rin ako sa kanya! Too bad, we didn't introduced ourselves formally." Nanghihinayang niyang sabi, "Wait, fourth year ka diba? Edi batch kayo!" bulyaw ni Katie sa akin sabay yakap ng picture ng 'Pierre' na sinasabi niya.

Nagkibit ako ng balikat, "Pumupunta ako ng school para mag aral, hindi para sa mga lalaki."

Umirap ang kapatid ko, "Normal lang mag ka crush, ano ba! Hindi tulad mo na mukhang lola dahil sa kasimplehan! Che!" sabay ayos niya ng kanyang bangs na mayroong kulay pink na mga palamuti.

Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagbasa ng libro.

Kinabukasan ay pumasok kami sa eskwelahan. Naglalakad kami sa hallway ng aking kapatid na si Katie.

"Okay na ba ito, Ate? Tatangggapin kaya niya ito? Of course! Tatanggapin niya ito dahil mabait siya!" aniya sabay tili na halos bulabugin ang mga studyanteng nadadaanan naming. Bibigyan lang naman niya ng hugis pusong chocolate iyong Pierre na iyon dahil Valentine's day ngayon.

Eksaktong nakita naming iyong lalaking si Pierre na pinagkakaguluhan ng mga babae sa isang sulok nang biglang nag ring ang bell.

"Oh my! The bell just rang! I am sooo late!" napa O ang kanyang bibig tsaka ayos ng kanyang bag, "Can you give it to him instead? Just tell him it's from me. Wala kasi ako dito mag recess ang lunch because we're having our field trip outside campus! Please?" pagmamakaawa niya.

Hihindi na sana ako ngunit halos iyakan niya ang pagmamakaawa niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi gawin ang gusto niya, "Fine."

"Yay! Thanks! Mwa!" aniya sabay takbo papuntang classroom niya.

Pumasok na rin ako sa aking classroom dahil hinihila na rin ako ni Erin, matalik kong kaibigan na classmate ko rin.

Recess at agad kong kinuha ang chocolateng ibibigay kay Pierre. Gusto ko na itong matapos. Ayaw ko rin kasing mapabilang sa mga babaeng nagkakarandapa sa kanya. No way.

"Uy, Kassie! Punta lang ako kay Knoxx, a? May ibibigay daw sakin, e." Erin, tukoy niya sa kanyang boyfriend atsaka umalis.

Bumuntong hininga ako at umalis. Ang alam ko kay Pierre ay may sasakyan siya (sabi ni Katie). Ayaw ko naman siyang komprontahin at ibigay itong chocolate sa harap niya, so I'd rather put this chocolate on his car.

Hindi ko na kailangan hanapin ang kanyang sasakyan. Nang may makita akong tumpok na mga kulay pulang mga regalo sa isang Maybach na kulay itim ay alam ko na ka agad na sa kanya iyon.

Palapit ako nang Makita ko si Pierre na parang naiiritang nakatingin sa mga regalong nasa kanyang sasakyan.

Natigil ako sa paglalakad nang nakita siyang isa isa niya iyong hinablot at tinapon sa basura.

MAGPARAYA (Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon