Dirty Needs

11.2K 41 5
                                    

“Pumasok ka na. Bago pa..”

“Bago pa ano?” nanghahamong tanong niya kaya tiningnan ko siya ng masama.

“Okay, okay. Papasok na po. Goodnight.” Malamang natakot siya sa tingin ko kaya sumuko na rin sya, lumapit siya sa akin at tumingkayad. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi at nagmadali nalang lumabas ng kusina at pumasok na sa kwatro niya.

Habang nakatingin ako sa kasasara lang na pinto ng kusina, napabuntong hininga nalang ako.

Mabuti nalang at umalis na siya.. bago pa..

Bago ko pa siya sunggaban, punitin ang manipis niyang damit, at enjoyin ang mabilog at may kalakihan niyang dibdib.

Bago ko pa sya italikod sa akin, hawakan ang buhok niya at itaob siya sa lamesa.

Bago ko pa ipasok ang sandata ko ng malalim at hindi siya pakawalan sa isang mahabang sugod. Hampasin ang mabilog niyang puwitan gamit ang kamay ko habang labas masok ako sa kaniya hanggang sa marinig kong ihiyaw niya ang pangalan ko.

Isa sa pinaka-mahirap para sa mga lalaki, ang magpigil. Kahit nahihirapan na, pinipilit pa ring kumalma.

Hangga’t kaya, iiwas nalang sa tukso. Lalo na sa sitwasyon ko..

Pinagnanasaan ko ang best friend kong pinagkatiwala ng mga magulang niya sakin.

Walangya, tao lang din naman ako. Lalaki lang din naman ako, may mga pangangailangan.

Eh anong magagawa ko? Nagkataong best friend ko ang kinakailangan ng tanginang katawang ito?

Dirty NeedsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon