Part I

3.8K 47 13
                                    

Read. Vote. Comment.

___

BROOOOOOOOM! BROOOOOOOOOOOOOOOOM!!!

Napadilat ako ng wala sa oras dahil sa gulat. Medyo naliyo pa ako dahil sa biglaang pag-upo. Tumingin ako sa orasan sa bedside table at alas-kwatro pa lang ng umaga. Lugi. Tsk.

That jerk! Ang aga aga nambubulabog na. Nakakainis naman kasi yang Lester na ‘yan.

Well, Lester is my best friend since elementary in our hometown in Cebu. At ngayon, siya ang kasama ko dito sa Manila while we’re taking our college years. I am Mikee, by the way.

Lagi nalang kasing inuumaga ng uwi si Lester at ayaw ko nang isipin kung bakit at gaano siya kadalas ganon.

Pabagsak akong humiga ulit sa kama pero hindi na ako dalawin ng antok. Mahirap pa naman akong makatulog ulit kapag naistorbo na ang pagkakahimbing ko, kasing hirap tuwing maririnig kong magkukwento siya sa latest fling niya.

And it could be worse if I just lay here wondering. At least, kapag sinalubong ko siya mababasa ko sa mga mata niya kung in loved na ba siya sa kung sino mang babaeng magiging bukang bibig niya. Sige na, ako na masokista.

Nilunok ko ang kaba ko at inalis ang kumot na nakabalot sakin. Humanda sakin ang lalaking iyon. Nagising lang naman ako dahil sa maingay niyang motorsiklo. Tsh, bakit kasi hindi nalang niya pinatay yung makina at naglakad nalang nung malapit na sa bahay.

Napadaan ako sa height-length mirror sa kwarto at nakita ko ang suot kong damit. Threadbare sando na may Patrick Star sa gitna at boxers. Wala namang mali sa suot ko. Siguro minsan i-try ko ding magsuot ng jogging bra at short shorts with matching thong pa. Tingnan lang natin kung ‘kaibigan’ pa rin ang ituring sa akin ni Lester.

Nag-click ang doorknob, sign na na-unlock na ito at dahan dahang nag-creek ang pinto. Habang marahan siyang pumapasok at maingat na isinasara yung pinto, nakatayo na ako sa isang sulok nang nakapamewang at nakataas ang kilay.

Halata ang gulat sa mukha niya at napaatras pa siya nang makita niya ako.

“Oy Mike, bakit gising ka pa?” pinanliitan niya ako ng mata.

“Gising? Seriously Lester? Ginising mo ako dyan sa sobrang ingay mong sasakyan.” Pinilit kong huminahon pero hindi ko mapigilan mag-tunog maldita.

“Bakit di mo subukang umuwi ng maaga tulad ng ginagawa ng NORMAL na tao? San ka ba nanggaling?”

Tsh, I’m being bitchy and needy again. Bakit nga ba nagtataka pa ako kung bakit hindi niya ako magustuhan.

Pero lalo lang nanginig ang laman ko nang makita ang ayos nya. Lukot lukot ang damit niya at hindi nakaayos ang pagkaka-tuck in. His hair’s a total mess. Napansin niyang nakatingin ako dun kaya sinuklay niya iyon gamit ang kamay niya. Tapos nasa aura din niya ang kagagaling lang sa isang mala-hayop na pakikipagsex. Parang gusto kong magbasag ng plato.

Kumunot ang noo niya at lumapit sa akin. “Sabi ko naman na baka ma-late ako ng uwi diba? What’s up, okay ka lang ba?”

Bigla nalang naglaho yung inis ko sa narinig kong concern sa tono niya. Oo, ayos lang ako. I just love you but you don’t love me. That’s all. Napabuntong hininga nalang ako.

“Okay lang ako. Sa susunod na uumagahin ka ng uwi, pwede ba maglakad ka nalang? Napuyat na nga ako tapos gigisingin mo ako ng sobrang aga gamit yang maingay mong motor. Pwede na pang-Guinness yan eh, ‘World’s Noisiest Bike’ Shoo in. Tss.”

Napatakip siya ng mukha. “Sht, nasanay kasi akong walang kasama dito sa bahay na pwedeng mabulabog eh. Sorry, babe, hindi na mauulit. Babawi nalang ako. Anong breakfast ang gusto mo?” ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at hinawakan ang kamay ko para hilahin papuntang kusina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dirty NeedsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon