Ano ba yan?! Kakaumpisa lang ng book 2 pero may PROBLEMA na agad? Eh pero, ano nga ba ang problema? Hahaha eto na talaga...
•••••
Princess Icy's POV
"Uhh Silver.." Tawag ko kay Silver na ngayon ay nakadapa sa kama habang nagbabasa ng libro.
Ibinaba ni Silver yung magazine na binabasa niya atsaka tumingin sa akin. Medyo nahiya tuloy ako kasi naka bathrobe lang ako at walang suot na kahit ano sa loob.
"Why?" Tanong niya tapos tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa tsaka ngumiti. Lalo tuloy nag-init ang pisngi ko sa hiya.
"A-ano... Available na yung cr. Pwede ka nang maligo." Sabi ko tapos tinignan ko siya kung aalis ba siya doon sa kama para pumunta sa cr, pero hindi.
Mula sa pagkakadapa ay tumihaya naman siya para makahiga. Kumuha pa siya ng unan at inilagay sa ilalim ng ulo pagkatapos ay dumekwatro at muling nagbasa ng libro.
"Tsk. Tinatamad na ako. Sinabi ko naman kasi sayo na sabay na tayo pero ayaw mo. Haaay." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Silver. Ang kulit talaga nito kahit kailan.
Ano naman kaya ang pumasok sa utak ng lalaking 'to at naisipan niya na magsabay kami sa pagligo? Hindi ako sanay na may kasabay atsaka kung magsasabay kami.... Haaay hindi talaga pwede! Ayoko.
"Bahala ka kung ayaw mong maligo!" Sigaw ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.
"Okay." Nang-aasar ba siya? Tss.
Hinihintay ko na lumabas ng kwarto si Silver dahil kailangan kong magbihis. Pero pinagpatuloy lang niya ang pagbabasa ng libro hanggang sa tumingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
"Babylabs, bakit mo ako tinititigan huh? Gusto mo bang maligo ulit para sabay na tayo? Hindi na ako tatamarin kung ganun." Lalo akong naasar sa sinabi ni Silver kaya kinuha ko yung pinakamalapit na unan at ibinato ng malakas sa kanya.
"Whoa... Bakit??! Aw!" Dalawang beses ko siyang binato ng unan. Talagang inaasar niya ako eh!
"Anong bakit huh?! Tinatanong pa ba kung bakit ayaw kitang kasabay sa pagligo?! Ano bang gusto mong mangyari ha Silver?!" Sigaw ko sa kanya. Inuubos niya ang pasensya ko eh!
"Gusto kong mangyari? Ang gusto kong mangyari ay may mangyari sa ati----W-whoa Icy Babylabs, w-wag yan!" Laking gulat ni Silver nang damputin ko yung lampshade na katabi ng kama namin at akmang ibabato sa kanya. Langya naman kasi! Anong pinagsasasabi niya?!
"Hey mom and dad, are you guys fighting?" Ibinaba ko ang hawak ko na lampshade at tumingin kay Sanver na nagsalita. Nakasandal siya sa pinto habang nakacross arms na seryosong nakatingin dito.
He's only seven years old but he acts very mature.
"Huh? No, we're not. You're dad is just so annoying." Pinasadahan ko ng masamang tingin si Silver na ngayon ay nakangiti nanaman. Tss nababaliw na talaga siya.
"Tss. You guys are so noisy, that's why I went here." Para talagang matandang maliit si Sanver kung magsalita. Matured na siya mag-isip pero sobrang cool niyang tingnan.
Mas matured at mas cool pa kay Silver.
Nakapamulsang naglakad si Sanver papunta sa kama. Humiga siya atsaka huminga ng malalim habang nakatingin ng diretso sa ceiling. Mukhang ang lalim ng iniisip ng batang 'to ah.
YOU ARE READING
When Love meets Struggles (Ongoing)
Random-B O O K 2- Sequel of "When Ms. Suplada meets Mr. Suplado". Read Book 1 first.