Angelo's POV
"So.." Ibinaba ni Kuya Trion sa mesa yung baso na pinag-inuman niya ng beer atsaka tumingin sa akin.
"Do you have a girlfriend?" Tanong sa akin ni Kuya Trion.
Kanina pa kaming nag-uusap---este kanina pa nya akong ini-interview. Magtatanong siya tapos sasagot ako. Medyo hindi nga ako komportable eh, ngayon ko lang kasi nakausap ng ganito si Kuya Trion. Tapos idagdag pa ang sobrang pagkaseryoso ni Kuya Trion, kaya medyo nakakatakot din.
Kinuha ko yung baso ko ng beer atsaka uminom. Mabuti nalang at may beer na pampakalma.
"Ahh w-wala po." Sagot ko.
Pagkasagot ko ay tinignan ako ni Kuya Trion ng mata sa mata kaya napalunok ako. May mali ba dun sa sinagot ko? Totoo naman na wala akong girlfriend eh.
Parang ako na yata ang kauna-unahang gwapo na makakapagpatunay ng forever... FOREVER ALONE.
"Wala? Naikwento sa akin ni Angel noon na marami kang mga babaeng pinagsasabay-sabay? Tapos pfffft.." Biglang natawa si Kuya Trion bago magpatuloy sa pagsasalita. Nakahinga tuloy ako ng maluwag, kanina pa siyang seryoso eh. Buti naman at tumawa na siya. Pero anong nakakatawa?
"Tapos pati raw bakla pinatulan mo? Hahaha totoo ba yun, Angelo?" Amputa naman talaga ni ate! Kung anu-ano ang pinakwekwento! Ako? Papatol sa bakla? Tss.
Kinuha ko yung malaking bote ng beer na nasa gitna ng mesa atsaka nilaklak hanggang sa maubos. Si Ate Angel kasi eh! Hindi naman totoo na pumatol ako sa bakla!
Atsaka si Ate Angel din ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon ni Kuya Trion. Isinama ako ni ate dito sa bahay nila Kuya Trion tapos iniwan din dahil nagpunta siya sa mall kasama sila Ate Xena at Trina. Sasama rin sana kami ni Kuya Trion pero bigla namang nagsalita si Trina na "pang-girls" lang daw yung pupuntahan nila kaya hindi kami pwedeng sumama ni Kuya Trion. Sinakyan naman nila Ate Angel at Ate Xena yung sinabi ng bata kaya heto kami ngayon ni Kuya Trion, naiwan. Aalis na sana ako pero inaya naman ako ni Kuya Trion na uminom. Nakakahiya naman kung tatanggi ako.
Hindi ko naman gustong sumama kay ate dito sa bahay nila Kuya Trion eh. Sadyang talo lang talaga ako sa dakilang brutal ko na kapatid. Ayaw daw nya akong iwan na mag-isa dahil baka kung ano daw ang gawin ko sa sarili ko. Baka daw bigla akong mag-suicide.
Hindi ko naman masisisi si ate na mag-isip siya ng ganun dahil araw-araw niyang nasasaksihan ang sobrang depression ko. Wala eh, unfair sa akin ang mundo. Minsan nga iniisip ko na nai-insecure sa sobrang kagwapuhan ko ang mundo kaya ganito nalang ang mga nangyayari sa buhay ko... Nawalan na nga ako ng best friend, nawalan pa ako ng pag-asang mapasaakin ang babaeng minamahal ko. Kasal na si Princess doon kay Silver, masaya na sila, masaya na si Princess. At hinding-hindi ko magagawang baliin ang kasayahan ng babaeng minamahal ko ng totoo kahit na maging malungkot pa ako habangbuhay.
At si Lucas, oo best friend ko siya. Best friend ang turing ko sa mokong na yun kahit na hindi ko naman sigurado kung best friend din ba ang turing niya sa akin. See? Ang unfair talaga ng mundo sa akin diba? Tsk.
Pero kahit na ganito ang buhay ko, hinding-hindi ko magagawang magpakamatay. Endangered species na ang mga gwapo at sa tingin ko ay ako nalang ang nag-eexist na gwapo sa mundo. Kaya kung mamamatay ako, edi baliwala na ang salitang gwapo?
Atsaka kung mawawala ako, paano na si Ate Angel? Iniwan na nga kami ng mga magulang namin tapos iiwan ko din siya? Hinding-hindi ko yun magagawa kay ate. Kahit na isang dakilang brutal ang ate ko ay mahal na mahal ko yun at hindi ko siya kayang iwan.
YOU ARE READING
When Love meets Struggles (Ongoing)
De Todo-B O O K 2- Sequel of "When Ms. Suplada meets Mr. Suplado". Read Book 1 first.