" PAANO NGA BA MAG MOVE ON? "

77 3 0
                                    

" PAANO NGA BA MAG MOVE ON? "




Note : Plagiarism is a big CRIME. Pwede niyo po itong I-SHARE pero DO NOT COPY, DO NOT PRINT & SELL WITHOUT ANY PERMISSION COMING FROM GRASHA MALDITA.
Thank you. ツ




Enjoy reading and take time to realize.





" PAANO NGA BA MAG MOVE ON "


Sinasabi na mahirap mag move on. Nahihirapan ka kasi hindi mo matanggap ang katotohan na wala na siya. Hindi mo kayang pakawalan ang tulad niya. Iniyakan mo at minsan pa'y nagmakaawa na bumalik siya sayo. Minsan napapaisip ka pang magpatiwakal dahil hindi mo kayang mawala siya. Sobrang nagpakatanga ka na para lang maging maayos kayo. Lahat na ginawa mo para sa kanya at sa relasyon niyo pero lecheng buhay yan! Wala kang napala at wala siyang kwenta. Nasasaktan ka kasi iniwan ka niya. Pero sana wag ka tanga. Hindi ka nun mahal kasi iniwan ka na niya. Huwag mo nang iyakan ang isang taong walang kwenta. Oo, naging parte siya ng buhay mo pero siya yung taong ibinigay sayo para saktan ka. Nagpapakatanga ka lang kung hahabulin mo pa rin siya sa kabila ng lahat ng ginawa niya at pag iwan sayo. Nasanay ka lang na andyan siya para sayo kaya ka nahihirapan at nasasaktan ng todo.
Nahihirapan ka?! Simple lang naman kasi mag move on. Wag tanga, mag isip ka! Pwes! Tutulungan at papayuhan nalang kita sa mga kung anong dapat mong gawin para makalimutan mo ang walang kwentang taong nanakit at nang-iwan sayo.

Eto na. ...




FEEL THE PAIN



Wag mong itago ang bigat na nararamdaman mo. Ilabas mo yan! Makakabawas sa sama ng loob kapag ito'y pinakawalan mo na. Masakit! Oo, kaya nga kelangan mo na siyang alisin sa puso at isip mo at ilabas ang sakit na nararamdaman mo. Wag mong itatago na hindi ka nasasaktan dahil hindi yun makakatulong sayo. Damhin at tanggapin na masakit talaga. Ibuhos mo ang lahat ng hinanakit at sakit na yan sa kwarto mo. Umiyak ka ng umiyak para lang mabawasan ang lecheng bigat na nararamdaman mo. Suntukin mo ang mga unan para maibsan ang kirot sa puso mo. Buong gabi kang magdrama para mawala o mabawasan ito. Ipangako mo sa sarili mo na simula bukas, hindi ka na yung taong iyakin at nasasaktan. Ikaw na yung taong magbabago hindi para sa kanya kundi para sa sarili mo. Tanggapin mo diyan mismo sayo na hindi siya kawalan. Ilagay mo sa isip mo na may mas magmamahal pa ng tunay at lubos gaya ng pagmamahal na ibinibigay mo. Feel the pain and accept the truth.



BE WITH FRIENDS


Wag kang magmukmok sa bahay at magkulong sa kwarto mo. Hindi mo siya makakalimutan kung lagi kang nag iisa, kasi lagi din siyang papasok sa isip mo. Lagi mo siyang maiisip. Lumabas ka sa bahay niyo, mamasyal ka o kaya naman tawagan mo mga kaibigan mo. Mag-bonding kayo. Kasi kapag nag-eenjoy ka, napapangiti ka, kahit anong sakit, nawawala at naiiwasan mong wag isipin. Magpakasaya ka kasama mga kaibigan mo. Sila kasi ang mga taong amdyan lagi para sayo. Kasama mo sa mga kabaliwan at kasiyahan. Nakakalimutan mo ang lungkot. Meet and be with your friends. Have fun.



FAMILY BONDING


Noon na masaya ka sa piling ng taong sinaktan at iniwan ka, nawalan ka na ng oras para sa family mo. Yung tipong konting oras lang ang nilalaan mo para sa kanila. Aminin mo, totoo yun diba. Ngayon na siguro ang oras para magbago ka. Yung time na konti lang, dapat mo nang dagdagan. Magkaroon ka ng oras para sa pamilya mo. Tandaan lamang na mawala na at iwan ka na ng lahat ngunit, subalit, dapatwat, ang pamilya mo.. hinding hindi yun gagawin sayo. Andyan sila palagi at handang tulungan ka. Magpakasaya ka kasama ang pamilya mo. Gawin mo silang inspirasyon at lakas para harapin pa ang mga susunod na araw. Gawin mo silang dahilan kung bakit bumabangon ka araw araw. Prioritize your family and yourself first. Be with them.



MAKE OVER


Magpaganda/magpagwapo. Kapag kasi gusto mo magbago, hindi lang yung puso at isip mo ang babaguhin. Kelangan din ang itchura mo. Kapag haharap ka sa salamin at tititigan mo ang sarili mo, maaalala mo na ganito ka nung mga oras na kasama mo siya. Yung mga sakit na nararamdaman mo, parang bumabalik lahat. Kaya kelangan mong magbago sa sarili mong itchura para di ka makulong sa nakaraan. Pwede kang magbago ng style sa pananamit mo, pwede din namang magpagupit ka ng buhok. Madaming pwede na makakapagpabago sa itchura mo. Ginagawa mo ito dahil pinapakita mo sa sarili mo na matatag ka at nalampasan mo ang hirap at sakit na naranasan mo noon. Magpaganda / magpagwapo ka para sa sarili mo. Be proud of yourself and be happy.




PRAY TO GOD


Ito ang pinaka-makapangyarihan na sandata para makalimutan mo na ang sakit na nararamdaman mo. Makipag-usap ka sa Kanya. Magpasalamat ka sa lahat ng mga natanggap mong biyaya. Humingi ka sa Kanya ng tawad sa mga kasalanang nagawa mo sa iba at sa sarili mo. Humingi ka din ng tulong para maalis na ang sakit na nararamdaman mo. Sabihin mo na gabayan ka kasama ang mga taong mahal mo at tulungan maging matatag sa pagharap sa hamon ng buhay. Kelangan kasi lagi kang nagdarasal sa Kanya. Wag yung oras na kelangan mo lang Siya. Gayunpaman, manalig ka lang sa Kanya at magtiwala. Alam Niya kung saan ka sasaya.



Sana na-realize mo na ngayon kung ano ang mga dapat mong gawin para makalimot. Wag na magpakatanga. Laging isipin na sa kabila ng mga paghihirap, sakit na nararamdaman mo at mga pighati na nararanasan mo, may mga taong andyan pa din para sayo at handa kang pasayahin. Hindi ka nag-iisa. Kahit anong dumating na pagsubok sa buhay, dapat matatag ka.



NGITI KA LANG AT MAGTIWALA SA KANYA. MAGIGING MASAYA KA DIN. ツ



PLEASE SHARE po. ☜✔ツ
Thank you sa mga nagbasa.



Property of Grasha_Maldita


Paano nga ba mag-move on?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon