Yssa's
Sabay sabay kami nag dinner nila mama at kuya Drake. Maaga silang umuwi galing work dahil sabado. Suddenly, I broke the silence
"Ma? Sino ba talaga yung tatay ko? Anong pangalan niya?anong itsura niya?"
Napatigil si mama sa pagkain.
"I told you for how many times yssa! Just forget your dad! He's irresponsible. He's a shit! I dont want to talk about that topic anymore"
"Pero ma? Malaki na ko! Siguro naman po karapatan kong malaman kung sino yung ama ko! Wala naman po sgurong masama dun diba? Gusto ko lang siya makilala. After that, wala na! Ma. Hindi na ko bata para pag sikretuhan mo tungkol sa tatay ko! Buong buhay ko inggit na inggit ako sa mga batang kasama ung mga tatay nila. Lagi kong iniisip kung ano ung itsura niya. You're so unfair!" naiiyak kong sabi.
Nag walk out si mama at umakyat sa kwarto.
"Yssa. Bigyan mo pa ng time si tita. Maybe she can't still forget the stupidity of your dad." sabi ni kuya drakeg habang hinahaplos ung likod ko.
Tumango lang ako.
Terrence's
Alam ko ang sitwasyon ni yssa sa pamilya niya. Kaya ngayon di ko sya makausap ng maayos. Di nag rereply at di rin sumasagot sa tawag ko. Nextweek parating na ulit si daddy, Medyo napaaga, Di ko alam kung makakapagsaya ba ko dahil alam ko si Yssa malungkot dahil sa dad niya. Siguro ayun na ung time para ipakilala ko sya personally kina mom.
"Oh Terrence, Bakit gising ka pa?" Tanong ni yaya len.
"Maya maya po matutulog nadin ako. Nagpapahangin lang"
"Ah ganun ba. Malamig dito sa terrace ha?"
Ngumiti lang ako.
Maya maya si mom naman yung biglang pumunta sa terrace.
"Oh anak. Hind ka ba makatulog dahil sa excitement sa pag uwi ng dad mo?" biro niya.
"Mom naman. Slight lang haha. Ahm mom? pwede ko bang ipasyal na dto si yssa pagdating ni dad? gusto ko kasi magkakilala na kayong tatlo e"
"No problem anak. Ofcourse. I really really wanna meet her." Napangiti ako sa sagot ni mom.
"Thankyou mom"
Ngumiti lang sya sakin.
"lets sleep?" tanong ni mom
"Sa room ko ikaw matutulog?" Tanong ko.
"Bawal ba? hahaa"
"Pffft. pwede po! haha"
Sabay kami ni mom pumasok sa kwarto. Medyo nagkwentuhan muna. Yep were weird. Binata na ko pero baby padin ako ni mom hahaha at di ko ikinahihiya yun. So after ng kwentuhan, Inantok ako at nauna akong natulog.
Yssa's
Nasa 1am na pero gising na gising padin ako. Mugtong mugto na yung mata ko kaiiyak dahil sa sagutan nmin ni mama kanina. 1st time nangyari yun. Nasagot ko sya at alam kong nasaktan ko siya, Sorry ma gusto ko lang talaga na makilala ko na kung sino talaga yung ama ko :(
Maya maya bumukas yung pinto sa kwarto ko. Pumikit ako para kunwari tulog na ko. Alam kong si mama yun. Hinagod niya ang buhok ko habang umiiyak.
"Yssa, I know galit ka kay mama, Sorry anak. Sorry kung di ko pa kaya sabihin kung sino talaga ang ama mo. masakit anak, Masakit. 3months old ka palang non. Nag gago ang tatay mo. Habang siya pagod tuwing madaling araw dahil sa casino ako naman gising na gising dahil hinihintay ko siya umuwi"
Tuloy padin ang pag iyak ni mama. Umaagos din lalo ung luha ko.
"Imbis na ikaw lang iintindihin ko, Pati siya. Sana nagkaganon sya nung mga dalaga't binata pa kami. Hindi kung kelan nagkaanak na kami. Hindi ko kinaya kya pinalayas ko siya. Di na sya nagpakita ulit. Lugi nadin ang kompanya natin dahil kay Leo, Mag isa kong binangon uli iyon kasabay ng pagpapalaki ko sayo. Kaya sana patawarin mo ko. Sa tamang panahon yssa, Malalaman mo din. Mahal na mahal kita"
Niyakap ko si mama at pinunasan ko ung luha niya.
"Naiintindihan ko po ma, Lalawakan ko pa po ung pang unawa ko. Leo? Leo po ung pangalan niya?"
Pinunasan din ni mama ung luha ko.
"Oo anak. Leo"
"Leo? ano po?"
"Basta leo. Leo ang pangalan niya, Let's sleep. Iloveyou anak"
"Iloveyoutoo ma"
sa tabi ko na siya natulog.