Terrence's
I called miko to cancel the plan bcoz I have a new one. 2days to go before our 1st monthsary, Kailangan matapos ko na yung plano. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Yssa.
"Baby? Iloveyousomuch :* Busy ka po ngayon diba? Wag mo na ko alalahanin ha? Take your time :) Hindi mo kailangan akong isingit sa ginagawa mo kasi dapat yung first priority mo, studies okay? Muahhh :* "
Naligo ako at bumiyahe pa Manila para ipalinis yung condo. Nung bakasyon pa kami huling nagpunta don kaya malamang madumi na doon tska may konti akong ipapabago.
Nang makarating na ko, Nagpatawag ako agad ng tao para linisin yun. Pinabago ko din yung ayos sa sala at sa kwarto. Bumili din ako ng mga bagong pang display para maganda tignan.
Mga 3oras bago natapos yung pag aayos. Dito na muna siguro ako until sunday night. Tutal wala namang pasok bukas.
Nahiga ako sa kama at naidlip dahil sobrang pagod ako sa biyahe.
Mga 5pm na kong nagising at napagdesisyunan kong mag grocery.
Bumili ako ng mga pagkain for 3days.Kinuha ko yung cp ko dahil nag vibrate ito. Tumatawag pala si Yssa
"Hello prinsesa ko"
"Mahal sorry hindi ako nakakapagtext ha? Andami kasing kailangan tapusin eh"
"No worries baby. Makabasa lang ako ng txt ko kahit 4txts lang yun ayos na ko"
"Haha ikaw talaga. Kumain kana ba?"
"Hindi pa po. Ikaw?"
"Nge bakit hindi pa? Hindi pa din haha."
"Sabay na tayo?"
"Maya maya na ko. Tapusin ko lang to"
"Anong oras ka pa matatapos niyan mahal? Baka malipasan ka na ng gutom, Sige bhala ka hindi din ako kakain"
"Ayh hindi. Sabi ko nga kakain na ko, Ikaw din ah?"
" Opo eto na sabay na tayo"
"Osige bye. Alagaan mo sarili mo ha? Iloveyouuuu terrence ko"
"Iloveyoumore my princess"
-End.