Chapter I: I am the Black Cinderella

4 0 0
                                    


Sagre, Portuguese

Eighteen years later

Ako si Mikaeliss Wessington de Cordova, only child and the only royalty left among the Cordova bloodline. I survived the massacre and I swore on my parents' ashes na magbabayad ang mga Sylvano--silang lahat! Wala akong ititira.

Pero paano ko magagawa iyon?

I have a little money, some influence and no power.

Isa lamang akong 'katulong' for a wealthy family. I may be a maid but I don't work like one. Simula nung kinaibigan ko ang anak ng aking amo, hindi na'ko nagtrabaho pa. They pay me to be their only child's companion.

Utak---- I used my brains. Why should a royalty like me work? diba? If I know, higit na mas mayaman pa kami kesa sa mga amo ko ngayon---- kung hindi lang namatay ang mga magulang ko----- I bet we are a hundred times richer. Hah.

Well, maybe, you're thinking, bakit ko nasabing matalino ako?

No, hindi ako nakapag-aral. Hindi nga ako nakaabot ng highschool. We don't even have the money for that.

But, I was home schooled. Si Tito Carlos ang nagturo sa akin, he was, afterall, my father's second hand man. Kahit limited ang sources namin, he did find ways to teach me ng dapat kong malaman para hindi naman ako lumaking ignorante.

"Hit the vital organs! Be precise!" sigaw ni Tito Carlos Ruiz. Siya ang tumakas sa kin nung bata pa ko mula sa nasusunog na bahay. Siya na rin ang tumayong ama ko. Kasalukuyan akong nag-eensayo ng martial arts with my 'bodyguard', Black.

Yes, I know. Nakakatawa diba? I am a maid but I have a bodyguard (?).

"You're timing's off, Eliss! At Black, your form is not good either."

Namanhid ang kaliwang braso ko sa pagsalag sa upward kick ni Black. As a reply, nagpakawala ako ng round house kick na nadepensahan din niya. Napaatras lang siya ng konti, todo-todo na yong effort ko. Mabilis nakarecover si Black, ilang sandali pa'y napahiga nako sa sahig--- she tripped my leg, pushed me downwards and punched my stomach--- ung tiyan ko na hindi pa nakakatikim ng agahan at tanghalian. Uuggggh!!!!!!

"That's enough." sabi ni Tito. Napabuntong hininga pa siya. He sounded dissappointed.

"You okay?" tanong ni Black.Inabot niya ang kanyang kamay at inalalayan akong tumayo.

"Ikaw ba ang masuntok eh okay ka lang? What a stupid question." sabi ko.

"Such sarcasm." napailing si Black. "Hindi ko kasalanan kung ganyan ka kahina." He gently said as he ruffled my hair.

"I could kill you for that." bulong ko.

I hate being called weak. Not at this point. No, I am not weak. And I'll prove it.

||End


The Black CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon