Hindi pa ba sapat?

35 4 4
                                    

Hindi pa ba sapat ang aking ginawa
Hindi pa ba sapat ang aking pagdurusa
Akala ko ay ayos na
Isa tong malaking pagkakamali pala

Lungkot, iyan aking nadarama
Dahil lahat naman ay aking ginawa
Madami akong ginawang sakripisyo
Ngunit ni minsan hindi humingi ng saklolo

Mga tao hindi kayang ibigay ang kahilingan mo
Kahit isang katagang "Napakagaling mo"
Masyado bang mahirap ibigay ang simpleng gusto
Kahit na ikaw ay lumuhod at magsumamo

Hindi mapapansin ang kagandahan sa ginawa mo
Mas mapapansin pa ang kamalian mo
Isang simpleng kamalian na tatatak hanggang dulo
Wala na ngang magagawa, kung hindi tanggapin ito

Naisin mo man na sana ang pagkakamali ay mabura
Ngunit para itong isang prutas na mura
Kahit na nabubulok na
Ay pilit pading pinagkakaguluhan at pinapakalat ng iba

Ngunit ito ang tandaan mo
Tao ka, problema lang ito
Huwag kang susuko
Dahil andiyan ang tunay na nagmamahal sayo, na hindi ka kayang iwan hanggang dulo

---
Napapagawa lang ako ng tula kapag bored ako, may kakaibang nangyari o inspired. Lol

Tulang nabuo sa loob ng ilang minuto.

"Although plagiarism is not a criminal or civil offense, plagiarism is illegal if it infringes an author's intellectual property rights, including copyright or trademark. For example, the owner of a copyright can sue a plagiarizer in federal court for copyright violation."

Hindi pa ba sapat? (Poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon