---------------
"Okay na muna yun for now. Madami dami narin naman yung naituro ko eh."- sabi ni Sir este Hiro. Sabi nya kasi Hiro nalang daw, hindi pa naman daw sya instructor eh.
"hmmm. Salamat hiro ah?"- sabi ko sa kanya. Nag nod lang sya.
"Teka eto nga pala. Dinalan kita nung niluto ng mama ko. Sana magustuhan mo. Masarap yan :)"- sabi ko sabay abot sa kanya nung baunan na dala dala ko.
"salamat. Di ka na sana nag abala."- sabi nya.Dahil maaga aga pa naman hindi muna ako nagpunta sa room. Nagkwentuhan muna kami.
"Alam mo kasi, may mga taong manloloko at may mga taong nagpapaloko. Alam mo na kung saan ka dun."- sabi nya at natawa ng mahina. Baliw din pala 'to eh.
"grabe ka naman! di ko naman alam na ganun sya eh. Malay ko bang paasa sya."- sabi ko nalang.Kinwento ko kasi sa kanya yung tungkol sa lalaking nanakit sakin eh. Ayoko na nga sanang balikan pero mapilit sya. para daw may mapag-kwentuhan kami.
"Umasa ka lang. HAHAHA!"- aba! loko 'to ah. tsk."oo na! ako na yung umasa. naman kasi dapat di ko na kinwento sayo eh. tas ngayon tatawanan mo ako."- sabi ko sa kanya. Bigla naman syang natahimik.
"Sorry."Tignan mo sya. Minsan iniisip ko na abnormal 'to. Minsan mukhang misteryoso minsan naman lakas mang asar. pero kung di mo sya kilalang ganito, iisipin mong snob sya. kasi laging seryoso ang mukha nya. Gaya ngayon, kanina ang lakas mang asar tapos ngayon seryoso nanaman. oh diba? bipolar.
Nung nag 4pm na niyaya ko na sya bumaba. Baka kasi nasa classroom na sila Liah at Gabby eh.
"Thank you ulit sa pagkain yumi."- sabi nya nung liliko na sya papunta sa faculty. Nag smile lang ako at tumakbo na sa room namin. Nandun na rin sila Liah pagdating ko."Saan ka galing?"- tanong ni gab. Sasagutin ko na sana sya nung dumating naman si ma'am kaya sumenyas ako na mamaya ko nalang sasabihin.
---------------------
"Bye Gab!"-paalam namin ni liah kay Gab. Hiwalay kasi yung way ng street nila samin kaya hindi namin sya nakakasabay umuwi,
"Mayu, may bibilin lang ako sa mall. Wanna come?"- Liah asked. Medyo maaga kasi kami pinalabas ngayon eh. 7:30 palang.
"Tinatamad ako eh."- sabi ko. Nag nod naman sya at sumakay na sa tricycle. Walking distance lang ang mall mula dito sa school. Since madilim na eh sumakay na sya. delikado na rin kasi.Tatawid na sana ako nung may tumawag sakin.
"Oh, Hiro bakit?"- yeah si Hiro nga. naka motor sya. Ang coool! *u*"Sabay ka na sakin. Traffic ngayon jan. "- sabi nya. mukhang wala ngang nadaan na sasakyan kaya napaisip ako.
Hindi naman masamang sumabay sa kanya no? wala naman sigurong magagalit.
Inabutan nya ako ng helmet at sumakay na ko sa likod nya. I mean syempre sa motor. Haha.
"Kapit ka. Kung ayaw mong sa Hospital tayo tumuloy. "- sabi nya. Sabi ko sa kanya sanay naman ako umangkas sa motorpero nungpinaandar nya ng mabilis eh kusa nalang pumulupot yung kamay ko sa waist nya. Then I heard him chuckled. Inaasar nanaman nya ako. loko talaga."Thank you." He just nodded his head. i guess 'Your welcome' yun? haha
"sige na pasok ka na."- Bumalik na sya sa motor nya at inistart yun."ingat ka." sabi ko at pumasok na.
Napaisip nanaman ako. paano ba kami naging parang close ni Hiro? Ang assuming ko rin eh no? hinatid lang close na? haaaay Lifeee.
pagkapasok ko sa bahay naabutan ko si mama at daddy na nanunuod sa sala.
"Maaga ka ata ngayon anak?" tanong agad ni mama at pinaupo ako sa tabi nila.
"maaga po kami pinalabas ngayon eh" dahil gabi narin, medyo inaantok nako kaya sumandal muna ako sa couch.
"seems like your tired sweety. Where's Liah anyway?" my dad asked. sakto naman na bumukas yung pinto at dumating na si Liah. "Since andito na kayo. tara na kain na tayo." naglakad na si dad at mama."Mayu! bakit ang bilis mo nakarating? traffic dun ah?" nang iintriga nanaman syaa.
"Sinabay kasi ako ni Hiro." dahil alam kong mag-oover react nanaman sya eh tumakbo nako kilala mama.
Nang matapos kami kumain ay dumaretso na kami ni Liah sa kwarto.
"Di ka makakatakas sa tanong ko Mayu." ang seryoso naman ng babaeng 'to. hahaha.
"I know. haha. ano bang itatanong mo?"
"Bakit ka nya hinatid?" Tignan mo 'tong babaeng 'to. sabi ko sinabay eh.
"SINABAYpo ako hindi ako HINATID."
"whatever so bakit nga?" wala talagang ligtas sa kanya."kasi nga traffic. Tapos malapit yung street nila sa atin kaya sumabay na ako."
pagkatapos nya mang intriga pumasok na ako sa banyo para maglinis ng katawan. Baka mamaya maunahan nanaman ako ni Liah eh ang tagal pa naman nun.
--------------
"good morning ate." nagulat ako dahil pag dilat ng mata ko si tyler agad ang bumungad sakin. Namiss ko rin 'tong batang 'to.
"good morning big boy. Did you miss ate?" ilang araw din kaming di nagkita dahil nandun sya sa mga tita namin.
"Of course ate. I missed you!" bigla naman nya ako niyakap kaya napahiga ulit kami. This is what I love about my brother. He's so sweet.pagkatapos ng kakesohan ni tyler sa kwarto niyaya nya ako kumain sa baba dahil dipa daw sya nakain. Kakauwi lang daw kasi nya. Nandun na si mama, dad at Liah.
"good morning" bati ko. binati din nila ako pabalik. Nagsabi na rin ako sa kanila na maaga ulit ako papasok. pumayag naman sila. Alam na rin naman nila yung about sa tutor.******************
"bye ma! bye dad, bye big boy" paalis na kasi ako at nagmamadali. kasi naman nakatulog ulit ako at di ko namalayan yung oras. Yan tuloy.
pagdating ko sa rooftop sobrang hinihingal ako. ikaw ba naman tumakbo ng tumakbo ewan ko nalang.
"Oh, anong nangyari sayo? para kang tumakbo ng Napaka layo aa." inabutan naman nya ako ng tubig.
"Nagmadali kasi ako. Baka kasi mainip ka ." hinihinal kong sabi. natawa naman sya sakin. kaya sinamaan ko sya ng tingin. Siguro ang gulo gulo na ng buhok ko tapos haggardpa.
Nung medyo nakapahinga nako, Nagstart na kami. Medyo marami narin akong natutunan kay hiro kaya medyo nakakasunod nako sa lessons ni maam.
"Baba nako ha? Thank you ulit!" patakbo nanaman akong bumaba dahil 5 na. pansin ko lang lagi ako nalelate ngayong araw aa!
pagdating ko sa room nagpaquiz si maam. Di nako kinabahan dahil alam kong kaya ko na. thanks to hiro.
"Hoy Mayu! Iba na ngayon ah. Nakakasagot na. HAHAHA." Baliw talaga 'to si gabby.
"panong hindi eh kung may nagtututor jan. hahaha" isa pa 'tong si Liah."Hoy wag nga kayong maingay." baka may makarinig pa sa kanila matsismis pa kami. Nagtawanan nalang sila. Baliw talaga.
"Mayu, nandyan kasi si Kirt sa baba. Sasabay ka ba?" si kirt. Boyfriend ni Liah. Bestfriend ni Robbie. Si Robbie nga pala yung kinukwento ko kay Hiro na nagpaasa sakin.
"Mauna ka na. Ayokong sumabay. Third wheel nanaman ako. HAHAHA." biro ko sa kanya. pero ang totoo ayoko sumabay kasi baka nandun si Robbie.
Natawa nalang sya at umalis na. Makapag mall nalang. Nagcrave ako sa java chip bigla.
"Uwi ka na?"
"ay Bakulaw ka!"
"I'm not bakulaw yumi" si hiro pala. jusko nagulat ako dun.
"Eh kasi naman! bigla ka nasulpot jan! tinakot moko!"
natawa nalang sya. Lagi naman nya ako tinatawanan eh. Bigla naman nya akong hinila.
"O-oyy! T-teka!"
"Nagcrave ako sa java chip. Samahan moko."
O-okay? Now what was that? Coincidence lang ba na pareho kaming nagcrave sa java chip.
*******************
BINABASA MO ANG
Tutorial of Mr. OJT
Short Storythis story is about how Mr. OJT fell inlove with his student.