Sandwich

4 0 0
                                    

second period na nila...

edukasyong pagpapakatao ,ang kanilang guro ay si

ms. angelica talavera.

"goodmorning class,ako ang e.s.p teacher niyo, ako si Angelica Talavera."

"good morning po ma'am" sabay na sabi ng mga studyante.

"mangongopya muna ang gagawin niyo hah...pinapatawag kasi ako sa office eh,walang lalabas ng room pagkatapos niyo masulat ito" sabi ng guro.

nangopya ang mga mag aaral habang si TJ naman ay nag papa sound trip na naka earphone habang nakatingin sa labas.

"Tom, Hindi ka ba magsusulat?"tanung ni pat.

"i forgot my notebook at home" sagot niya.

"ah ganun ba sige mangongopya pa ako eh" sabi ni pat.

" ...." tumango lang si tom.

nagsisipag sulat ang mga mag aaral. Ng biglang lumapit si aira kay TJ.

"hi babyq TJ" habang nakangiti at may naisama pang kindat.

" hi.... will you please leave me alone?" sabi ni TJ.

"but why? your my baby" malanding sagot ni aira.

"ano ba,huwag ka ngang mag paka amnesia jan, wala na tayo diba? you told me that you love someone else, hindi ako pumayag pero anong ginawa mo niloko mo ako, nag two timer ka!"sigaw ni TJ.

"oh,baby huwag ka namang sumigaw" sabay yakap ni aira kay TJ.

"take your hands off me!your not my girlfriend anymore,im happy,free and single!" malakas na sigaw ni TJ kay aira at tumakbo na ito palabas ng room nila,sakto namang nag ring ang bell recess na po...

ang dami nilang sinulat. Napatulala naman yung ibang classmate nila dahil sa sigawan na naganap. Nagulat si pat sa mga pangyayari...mabuti nalang at natapos din niya yung pinapasulat ni Ma'am Angelica.

nagsipag recessan na ang mga mag aaral,papunta naman si patricia sa kanyang locker. Lahat na ng studyante ay nag sipag labasan.

Habang naglalakad si pat papuntang locker niya may nakita siyang isang tao na naka indian sit at nakayuko ito at naka hood yung jaket niya.

Pat's POV

sino kaya yung taong yun, nakakatakot namang lumapit, pero kailangan kong lumapit eh,kasi katabi niya locker ko at nandun yung baon kong sandwich na bigay ni mama.

*end of patricia's POV*

dahan dahang lumapit si Patricia sa locker niya, ng nakarating na si patricia nilagay niya na yung susi sa pad-lock at unti unting binuksan ito. Binuksan niya na nga ito at kinuha ang kanyang baon. Tingin parin ng tingin si patricia sa ibaba kung san nakaupo yung guy. Sinarado na ni Pat ang locker niya at tumalikod na papalakad na, ng biglang....

"anak ng kabayo!" gulat na sabi ni Pat.

bigla kasing nagsalita yung guy. So ganito ang nangyari.

Sinarado na ni pat ang locker niya at pa alis na ng biglang...

"san ka pupunta?" sabi ng guy.

" anak ng kabayo!" gulat na sigaw ni pat.

tumatawa yung guy,at unti-unting inalis ang kanyang hood na nakayuko habang nakatulalang takot na takot ang mukha ni Pat. Tumingin na siya kay Pat, bale naka look up yung guy Habang naka ngiti ito.... sobrang nagulat si Patricia sa nakita niya.

"hey, okay ka lang? huwag ka ngang ngumanga baka may pumasok na langaw jan sa bunganga mo." sabi ng Guy.

"T....Tom?! ikaw lang naman pala, nagulat pa ako sayo." sagot ni Patricia.

" sagutin mo na pala yung tanong ko nung nagulat ka, hahaha epic face lang Pat?" sabi ni TJ. Habang tumatawa.

"ah...eh... kasi nakakatakot ka naman kanina, pupunta sana ako sa labas para doon na kumain, bakit?" sagot ni Pat.

"ah wala, natapos mo ba yung sinusulat kanina?" habang nakaupo parin si TJ na nakatingin kay Pat.

"ah... oo bakit?"sabi ni pat na nakatingin din kay TJ.

"pwede bang....."

may sasabihin sana si TJ ng biglang dinugtungan ni Pat ang sinabi ni TJ.

"heramin ang notebook ko?"sagot na mabilis ni Pat.

"hindi,pwede ka bang umupo dito sa tabi ko ang sakit na kasi ng leeg kong nakatingala sayo eh" sabi ni TJ habang hinwakan niya yung kamay ni Pat at hinila ito bigla.

sa pagkakahila ni TJ sa kamay ni pat ay napaupo na rin si pat sa tabi ni TJ.

"bakit ka pala nag-iisa dito?"tanung ni pat.

"ah wala lang hindi naman ako nabobored kasi nag papa sound trip ako." sabi ni TJ.

"ah, ganun ba hindi kaba magmemeryenda?" tanung ulit ni pat.

"hindi eh,baka makita ko lang si aira sa Cafeteria,baka kumulo pa dugo ko sakanya." sagot naman ni TJ.

"ah Tom,hati nalang Tayo sa Sandwich ko oh" sabi ni pat at hinati niya ito at binigay kay TJ.

"ah,sayo nalang yan, kakain nalang ako mamaya."

" ay hindi pwede kunin mo na kasi itong ina alok ko sayo, ang pangit naman kasi tignan na kung ako kumakain, tapos ikaw hindi." sabi ni pat.

kinuha naman ni TJ ang ina alok ni pat na sandwich at nag sabay silang sinubo ito. Nagtinginan sila sa isat isa at nagtawanan. Baka natawa sila sa malaking bunganga nila na lumamon sa sandwich.

"bakit pala yung kay aira kanina?nasaktan ka ba sa ginawa niya?mahal mo parin ba siya? may nararamdaman ka parin ba sakanya?" makulit na tanong ni pat kay TJ.

"hahaha, tara na nga ,time na eh,kung may sasagutin man ako dun,yun ay ang wala na akong nararamdaman sa kanya." sagot ni TJ.

tumayo si TJ at natirang nakaupo parin sa sahig si pat,ng biglang inabot ni TJ yung kamay niya kay pat.

Tinignan ni pat ang kamay na ina alay ni TJ at deretchong...tumingala siya sa mukha ni TJ na nakangiti labas ang dalawang dimple niya sa pisngi (parang jericho rosales) .Hinawakan ni pat ang kamay ni TJ,at hinila ni TJ si pat para tumayo. Nagpag-pag ng pwet at kung san maduming bahagi ng kanilang damit.

Naglakad na sila sa Hallway papuntang room nila.


Cute PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon