BABALA: Ang chapter na ito ay maraming cuss words. Lasheng kasi ang mga bida. At feel ko lasing din si BabayneTan? Hahaha. Joke. Pero ito talaga ang nangyayari kapag nagsasanib pwersa ang mga may sayad na kagaya namin. XD Bwahaha. But anyway, enjoy kayo and don't worry, sa next chapter hopefully, matino na ang mga bida. :D
BabayneTan: Partly true ang babala sa taas na gawa ni glashyang! Hahaha! I dedicate this chapter pala to forgottenglimmer dahil wagas ang kilig at tawa ko kakabasa ng I Heart Kuya niya! Sayang nga lang at di pa tapos. Anyway, maghihintay ako forgottenglimmer! Sobrang love ko rin ang Secretly Married mo! I hope to read more of your works! :D
__________
***Casey***
Nagising ako sa nakakabinging sigaw ni Sophia at halos kasinglakas na lindol na pagyugyog niya sa akin. Dineadma ko lang siya at nagtakip ako ng kumot sa sarili ko.
"Best, gising! Nasa baba ang mangkukulam na nanay mo at ang kapreng asawa niya!" sabi ni Soph sa tenga ko.
"Hmmm....Best naman eh. Paalisin mo," inis na sabi ko. Panira naman
Minsan nga lang ako makatulog ng maayos, iistorbohin pa.-___-
Tumahimik na ng kaunti at feel ko ay tinigilan na ako ni Soph kaso napamulat ang mga mata ko nang mafeel ko ang isang malutong na sampal sa mukha ko.
"ARAY NAMAN! ANO BANG PROBLEMA MO SOPHIA GABRIELLA TIU?" sigaw ko habang umuupo at hinihimas ang mukha kong sinampal niya.
"Eh sa ayaw mong bumangon! Sabing nasa baba ang nanay mo at ang magaling niyang asawa! Sinusundo ka nila! At kapag hindi ka bumaba ay patay ako kina Mommy kaya utang na loob lang, tanggalin mo na yang pwet mong nakadikit pa sa kama ko at bumaba ka na doon dahil ayaw kong mawalan ng dream car!" mala-machine gun na putak ni Sophia.
Dito kasi ako nakitulog sa kanila. I don't like going home every time nag-aaway kami ni Mommy. Ay mali. I don't like to call it home either. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay tumira doon sa bahay na kasama ang walang kwentang ungas na asawa ni Mommy.
"Sabihin mong wala ako dito, Soph. Please?" pagmamakaawa ko.
Sophia sighed and sat down beside me. "Sorry, best. Gustuhin ko man, di pwede. Sinabi na kasi ni Mommy na nandito ka eh. You'll be fine."
"Pero--"
Hindi na ako nakapagtuloy ng pagsasalita dahil bumukas ang pinto ng kwarto ni Sophia at pumasok ang Mommy ko. As usual, kahit umagang-umaga ay nakamodel get-up na siya. Her shoulder-length hair was tied into a messy bun, some curls were falling onto her shoulder and she had her make-up on at nakasuot siya ng sleeveless na blouse at skinny jeans na binagayan ng brown boots niya. Yeah, she's a model. Isa siyang sikat na model mula pa noong teenager siya and now she's only in her early thirties. You see, bata pa kasi siyang nabuntis sa akin. Seventeen pa lang siya nun nang mabuntis siya ng Dad ko, who, by the way is someone I don't know. Mas matanda sa kanya ang Dad ko ng 6 years at sabi niya, niloko lang siya ng tatay ko at ayaw akong tanggapin bilang anak. That's why I never met him. At dahil nga bata pa siya, nag-asawa siya uli ng isang lalakeng mas bata sa kanya ng 2 years. And guess what? Mas mahal niya ang asawa niya kesa sa akin. She always sides with him kahit na ang pangit ng ugali ng asawa niya. Mas iniisip niyang sinungaling ako kapag sinasabi kong masamang tao ang asawa niya. That's how much she loves him.
Samantalang ako? I'm just kicked off into a corner. Never naman akong naging importante sa Mommy ko eh.Mula pa nung maliit ako, laging yaya ang kasama ko and she never introduced me as her daughter. Ang alam ng Media ay wala siyang anak pero may asawa siya. Ang saya di ba? Nowadays, pinipilit ako ni Mommy na pumasok bilang model at sumunod sa yapak niya. Nung maliit pa ako okay lang sa akin sumunod sa mga kanya kaso ngayon, I never dreamt of becoming a model like her who neglects other duties because of her precious career. Madalas naming pinag-aawayan yun dahil nga, matigas daw ulo ko. And what's worse ay kumakampi sa kanya ang bwisit na asawa niya. 9 years old pa lang ako nang magpakasal sila and now they're still madly in love. Tsss. Ang alam ko, ang Mommy ko lang ang nagmamahal eh. =___=
BINABASA MO ANG
I Found Love in Odd Ways
Teen FictionCruise ship. Romantic dinner with wine and rose petals. Starry night. A man and a woman meets each other and a love blossoms. Ito ang pangarap ni Casey na maging fairy tale love story niya. Pero mukhang iba ang gustong mangyari ng tadhana sa kanya...