BabayneTan: Halerler guys! It's me again! Maya-maya pa ata mag-iingay si glashyang since she's busy with job hunting and her new story here in watty (Yeah, we have separate accounts at may kanya-kanya din kaming story. Just look for glashyang o kaya ay kay bbyn93 kung ako naman ang hanap niyo) LOLs!
Since ako ang naunang dumaldal dito, I decided to dedicate this story to the one and only Queen J dahil super mega duper idol ko siya, and she's one of my favorite authors out of the three that I have here in Watty. I don't know how you do it Queen J but I just want you to know that your stories always create a fuzz in my stomach and in my heart. Kilig much! At nung several days after Yolanda hit Tacloban, ang storya mo ang pinaghuhugatan ko ng positive emotions. Amazing ka talaga! Thank you so much! *O*
PS. glashyang, kain tayong isaw at kwek-kwek sa school before graduation. HUHUHU! I miss pagkaing UPV Tac.
***Casey***
Hapon na nang maisipan kong pumasok sa school. My phone rang as I was walking towards the school building. Agad kong dinukot iyon mula sa bulsa ng denim shorts ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan ng isang taong mahalaga sa akin at saka sinagot ko iyon.
“Oh?” I said because I know it would annoy him.
(“Wow ha. Tagal nating nating di nagkausap tapos oh lang ang pambungad mo?”)
I laughed and continued walking. “Eh anong gusto mong sabihin ko?”
(“Kahit man lang hello. Nakakasakit ka ng damdamin, babes.”)
“Tsuh. Drama mo,” nakangising sagot ko. “Bakit ka nga pala napatawag?”
(“Well, I was wondering if you wanted to have pizza kasi—’’)
Lumapad ang ngiti ko at napatili na ako. “Wait! Nakauwi ka na? Nandito ka na sa Pinas, babes? Kailan pa?”
Hearing my excitement made him chuckle. Ako naman ay tumigil sandali sa harap ng lockers. Oo may locker assignments ang university namin. Para ano pa at isa siyang private school for Medical students? Binuksan ko ang locker ko at agad na ipinasok ang mga librong dala ko. Now I don’t have any reason to bring them along with me dahil hindi na ako papasok. Ngayon pa na nandito sa bansa ang Babes ko. Babes isn’t my boyfriend o MU o kalandian o ex-boyfriend. Best friend ko siya mula high school kaya nga lang eh sa Australia na siya nagcollege. Minsan tumatawag siya kahit long distance, mayaman naman sila eh. Minsan din nagvivideo call kami sa Skype. At kung iniisip niyong may unrequited love ang kahit isa sa amin or we are ever going to date, ang sagot ko ay isang malutong na NO! Yuck! Taboo! Incest yun kung magkaganun. At isa pa, may girlfriend itong si babes yun nga lang sablay palagi dahil nanlalamig na sila. Ewan ko ba.
(“So ano? Free ka ngayon?”)
“Syempre ‘no! Libre mo, babes?” masayang tanong ko.
(“Sige ba, bilisan mo nang pumunta dito at baka ikaw papagbayarin ko. Pero kung may pasok ka, wag kang mag-absent dahil kukutusan kita!”)
BINABASA MO ANG
I Found Love in Odd Ways
Teen FictionCruise ship. Romantic dinner with wine and rose petals. Starry night. A man and a woman meets each other and a love blossoms. Ito ang pangarap ni Casey na maging fairy tale love story niya. Pero mukhang iba ang gustong mangyari ng tadhana sa kanya...