Hidden Talent

5 0 0
                                    

Chris's Pov

Nandito kami ngayon sa dug out ng 8tm. Di nako magpapakilala kasi napakilala naman nako ni Supremo sa inyo last chapter diba.

So nandito kami kasi tinatamad kaming pumasok. Iisang school lang kaming 8tm kasi yun ang napagkasunduan namin.

"Pre pasok kaya tayo ngayon lang? Samahan naman natin si Gabe sa School"

Sabi ko. Bigla naman silang nagtinginan sakin.

"Himala pre nagyaya ka? May sakit kaba?"

Sabi ni Vince sakin sabay salat sa leeg ko. Winaksi ko naman yung kamay nya. Minsan lang talaga kasi ako pumasok once in a blue moon kumbaga.

"Tara na pre! Bahala nga kayo jan!"

Sabi ko sabay nauna nang lumabas para pumunta sa parking lot kung saan nakapark yung mga motor namin.

Maya maya pa nakita ko silang nakasunod sakin at isa isang sumakay sa mga motor nila.

"Sasama din pala dami pang mga arte"

Bulong ko. Buti naman at di nila narinig kundi mabubugbog ako ng mga yun.

Isa isa na kaming umalis sa dugout at pumunta sa SBA.

Nang makarating kami sa parking lot ng SBA ay isa isa kaming nagpark dun sa tabi ng kotseng pula.

"Tara pre. Sa 2nd subject nalang tayo magsipasok late narin naman ih"

Sabi ko at nauna nang pumasok. Sa aming 7 pag wala si Gabe ako ang nagsisilbing pinuno nila.

Ng matapos na sila makapagpark at maayos ang mga sarili ay pumasok na kami sa gate ng school.

Nang pagpasok namin nagsitilian agad ang mga studyante na nakakita samin.

Di ko man aminin pero sikat ang grupo namin dito dahil sa lagi kaming magkakasama. Isama mo na kilala ang grupo namin sa gang wars.

"Ayyy! Ampogi talaga ni Sean kahit na ba serious look sya palagi!"

"Si Chris talaga yung nagdadala sa kanila ih ampogi nya!"

Iilan lang yan sa mga naririnig kong mga sinasabi ng mga studyante. Sabi ko sa inyo sikat kami ih. Kaso ang alam lang nila 7 kami kasi hindi naman sumasama samin si Gabe. Minsan lang.

Dumiretso nalang kami sa Rooms namin.

Gabe's Pov

Nang makarating kami ni Ish sa School ay napakaingay at daming mga tao na nagkakagulo sa isang grupo na naka-all black na damit. Kilala ko na kung sino yung mga yun kaya di ko nalang pinansin. Himala at pumasok sila.

"Himala yata at pumasok ang mga bataan mo?"

Sabi nya habang tatawa tawa pa kaya natawa nalang ako kasi himala nga naman.

"Ewan ko jan sinapian ng masamang espiritu"

Sabi ko at nagtawanan na kami hangga makapunta sa tapat ng room nila.

"Oh Ish dito na room mo. Una nako ah?"

Sabi ko sa kanya. Tumango lang sya at hinintay ko lang sya makaupo at umakyat nako kasi sa 3rd floor lang naman yung room ko at yung sa kanya ay sa 2nd floor.

Pagpasok ko sa room ay agad ako sinalubong ng yakap ni....

Nads.

"Bes I miss you so much"

Pagkasabi nya nun ay di parin nya tinatanggal ang pagkakayakap sakin.

"Ahh... ehhh missyoutoo... bes... ahmm bes ano... ahmmm.."

So Close Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon