Nadine's Pov
Nandito kami ngayon ni Gabe sa classroom namin. Wala namang teacher kaya itong katabi ko ayun naidlip na muna at gisingin ko nalang daw sya pag may teacher na oh diba? Maliban sa pagiging estudyante part time job ko narin ang pagiging human alarm clock tss!
Habang natutulog ng mahimbing si Gabe ay pasimple ko syang tinititigan. Poging cute din pala tong lalaking to eh no? Akalain mo yun? Pogi,talented na at gentleman pa san ka pa?. Nilabas ko ang cellphone ko at palihim na kinuhaan sya ng litrato. Nakailang shots din ako ng dumating na ang teacher namin.
"Gabe gising! uy! Gising na! Nanjan na si maam! Gising Gabe! Uy!"
Niyuyugyog ko sya habang ginigising. Buti naman at hindi sya tulog mantika kaya mabilis syang nagising.
"Ha? Ano? Ano meron?"
Sabi nya pagkagising nya. Ang cute nya pala lalo pag bagong gising. Natawa naman ako sa naging reaksyon nya.
"Baliw! Ano pinagsasabe mo jan!? Si maam nanjan na kaya ayusin mo na sarili mo!"
Bulong ko sa kanya para di kami marinig ng teacher namin.
"Ahh sige sige salamat Nads! Bawi ako sayo mamaya"
Sabi nya sakin. Tumango nalang ako.
Habang nagkaklase kami itong katabi ko nagdodrawing sa likod ng notebook nya kaya naman sinilip ko kung ano yung dinodrawing nya. Nakita ko 8 tao na puro mukha lang pero chibi ang drawing tapos nakalettering sa baba 8tm. Wow ah! Ambaduy!
Natapos ang lecture ni maam saktong pagtapos din ng pgadodrawing netong katabi ko. Tama nga sya magaling nga talaga sya magdrawing sayang yung talent nya ba't di kaya nya ipinta yan katulad ni Semicolon ba yun? Ewan yung sikat na painter na palihim epek pa ng identity. Balita ko walang nakakaalam ng identity nya kundi sya lang .
"Nads san next class mo?"
Biglang sabi ng katabi ko.
"Ahh wala na tatambay nalang muna ko sa likod ng gym"
Sabi ko. Mahangin kasi dun sa likod ng gym kasi may puno dun na malaki kaya malilim narin .
"Ahh ako din samahan na kita?"
Sabi nya sakin. Tumango nalang ako .
Nang papunta kami sa likod ng gym may mga nagsisitiliang estudyante tapos halos lahat puro babae. Ano ba nangyayare?
"Gabe anong meron ba't ang ingay?"
Sabi ko sa kanya. Di naman sumasagot kaya inulit ko yung tanong ko.
"Gabe! Anong meron ba't nagkakagulo dun!"
Sigaw ko kaso wala parin syang naririnig. Kaya pala naka headset si kumag.
Tinanggal ko yung headset nya.
"What the-"
Sabi nya. Hala! Nagalit .
"Ay! Sorry gusto ko lang sana itanong kung bakit nagkakagulo dun kaso mukhang hindi ka naman interesado kaya sige sorry"
Sabi ko at nagpauna na maglakad papuntang likod ng gym.
Ano kaya meron dun? Ano ba yan nagalit pa sya sakin dapat di ko nalang pala tinanggal yung headset nya baka di ako mapatawad nun makabalik na nga lang para humingi ng tawad sa kanya.
Pagkalingon ko nabunggo ako sa isang tao. Pag-angat ng ulo ko si Gabe pala to.
"Gabe sorry talaga kung nagalit ka. Sorry kung tinanggal ko yung headset mo. Pasensya kana ku-"
BINABASA MO ANG
So Close Yet So Far
Teen FictionMinsan sa buhay may oras na masaya ka at may oras na malungkot ka Pero sa bawat oras na yun magpasalamat ka Dahil kahit malungkot o masaya ang mga oras na yun Atleast kasama mo sya please vote and support thanks