Chapter 1

197 7 0
                                    

Limang taon na ang nakalipas, di ko parin sya makalimutan. Sobrang sakit kasi eh. Dumaan ako sa malaking depresyon. Nagtangka akong magpakamatay. Sinubukan kong mag-droga. Oo ginawa ko ang lahat ng yan. Pero lagi akong napapaisip na wala naman kasing magagawa yung pinag gagawa ko eh. Di ko naman sya mababalik sa buhay ko pag tinuloy ko yun. Buti nalang may mabuti akong pamilya. Kung hindi, baka patay na din ako ngayon.

Ako si Kathryn Chandria Manuel Bernardo. 25 years old. 20 years old ako nung nawala sya saken. 14 years old kami nung una ko syang makita. Pero may iba na kong mahal.Sya si Gerald Antonio Dela Rosa. Nagkita kami sa rooftop ng isang building 3 months ang nakalipas nung nawala sya saken. Nagtatangka kasi akong tumalon sa building nun sa sobrang sakit ng biglang may tumawag saken ng "MISS!! WAG MONG GAWIN YAN!!" nagulat ako at muntik na kong mahulog dun sa building tas biglang may humila ng kamay ko, at yun nga, nakita ko sya, si Gerald, o si Gino. Dinala nya ko sa ospital nun dahil nahimatay ako sa sobrang kaba. At dun dahil dun nagkaroon ako ng pagtingin sakanya. Kaya lang nga, may sakit paren akong nararamdaman kahit may pagtingin ako kay Gino, kaya tinulungan din nya ko para maka move-on. May bestfriend ako, si Julia Montes. 7 years old palang ako mag best friends na kami. Sya ang tumulong sakin sa lahat ng kabigatang sinubukan kong buhatin. Si Julia ang tumulong sakin para makalimutan ko sya. Sino nga bang 'sya'?

FLASHBACK: 5 YEARS AGO

KATHRYN'S POV

"Pottie! nasan ka na ba? ok ka lang ba? ingat ha. I miss you" sabi ko sakanya over the phone. 

"Ba, don't worry konti nalang nandyan na ko. I miss you too" 

"Okay, ingat sa pagmamaneho ah, I love you." 

"Opo, ma'am haha! I love you more."

nandito kasi ako ngayon sa beach. Sya nagpapunta saken dito. Ewan ko ba kung baket, may sasabihin daw kasi sya sakin. Ewan ko din ah, pero grabe tong nararamdaman ko, parang feeling ko may mangyayaring masama or something. Pero eh, feeling lang naman eh. What could possibly go wrong? As long as I have him in my life, nothing could go wrong.

maya maya ay nandito na sya. Aaah

(Photo on the right side --------------------------->)

Ang pogi nya

Napatakbo ako sakanya at niyakap sya at niyakap nya ko pabalik

"Ang tagal mo ha. I missed you so much" Sabi ko

"Sorry, sorry, traffic eh. I missed you too." 

"I love you so much, Daniel." magkayakap parin kami, bigla ko nalang yan nasabi ng hindi nag iisip. siguro masyado ko syang namiss.

"I love you more, Kathryn." feeling ko nagulat din sya at bigla nalang nyang sinabi yun ng hindi nag iisip. Namiss talaga namin ang isa't isa. 

kumalas ako sa yakap. at tinanong sya

"Ano yung sasabihin mo saken?" sabay ngiti

nagsmirk sya at lumuhod gamit ang isang tuhod hinawakan nya ang isa kong kamay at sinabi nya

"Kathryn, we've known each other for 6 years now. We've been in a relationship for 5 years. At sinasabi ko sa'yo ngayon na hinding hindi ako nagkamaling mahalin ka ng ganito. Patawarin mo ko kung nasaktan kita dati, kung naging pabigat ako sayo dati. Sorry kung hindi ako naging isang perpektong boyfriend. Salamat kasi minahal mo ko ng buong buo. Salamat at minahal mo ko bilang ako, salamat at di mo ko pinabayaan. Pangako ko sa'yo, Kathryn, hinding hindi kita pababayaan, hinding hindi ako titigil sa pagmamahal sa'yo. Mahal na mahal kita Kathryn. Ikaw, ikaw at ikaw lamang ang laman nitong puso ko, wala nang iba.tumulo ang mga luha ko habang nakangiti ako sakanya

may kinuha sya sa bulsa nya, maliit na box, teka, parang alam ko na yata to ah.

"Kathryn Chandria Manuel Bernardo, will you marry me?" 

tumulo ng tumulo ang aking mga luha at napangiti ng sobrang laki at sinabing

"Daniel John Ford Padilla, yes, I will marry you." 

 =============================================

-Pabitin efek ahahhahahahahha. Siguro naman alam nyo na ang mga bagay bagay? Flashback will be continued on the next chapter

xoxo, Ms. Author

You're My Only Hope (KathNiel Fan Fiction)Where stories live. Discover now