Badjao with Dimples

214 9 4
                                    

Korea.

Bagong salta ako sa bansa na yan. Bakit? Kasi adventurous ako at gusto kong sumubok ng bago.

Joke lang. May long distance boyfriend ako dito sa Korea pero nagbreak kami kasi nalaman ko na niloloko lang pala ako. Sineryoso ko kaya sya! Kaya eto ako ngayon, nagpapakagaga pa din sa buhay ko.

Napagdesisyunan ko na dito ako mag-aaral sa Korea dahil yun ang plano talaga namin ng hinayupak kong ex. Kahit nagbreak kami, ginawa ko talaga dahil ayaw kong isipin nya na sa kanya nakadepende ang kinabukasan ko. Gusto kong ituloy yung plano kahit mag-isa ako. Isa pa, nakaready na lahat ng kailangan ko, plane ticket, school admission, lahat na pwera sa bahay na tutuluyan ko kasi alangan namang dun pa din ako titira sa bahay ng ex ko?!

Pangangatawanan ko 'to kahit labag sa loob ng parents at siblings ko dahil gusto ko ding patunayan sa sarili ko na matatag ako. Isasampal ko sa ex ko yung diploma ko dito pag nakasurvive ako! Tingnan lang nila ng girlfriend nyang gawa sa harina sa sobrang puti kaya siguro sya nasilaw! Hmf!

"Good morning class! Shall we start?" May isang matangkad na lalaki na pumasok sa classroom namin at humarap sa klase with that dimples na pagkalalim-lalim. Iniisip ko pa kung paano ako makakahanap ng matutuluyan mamaya dahil straight from the airport, kinuha ko lang yung kotse na binili ko in advance para may pag lagyan yung mga gamit ko, then diretso na ako dito. Kamusta na kaya yung mga gamit ko sa kotse ko na iniwan ko sa parking space di ba?!

Bagong student ako kaya hindi ko pa nameet ang professors namin kaya naman bigla akong kinabahan nang marinig kong magsalita yung lalaki. Tumayo ako agad at natataranta pa talaga ko na naggreet.

"Good morning, Sir!" Nanginginig pa ang boses ko. Baka kasi masungit ang professor namin. Nahuli pa man din akong tulala kanina.

"New student?" Tanong nya sa'kin na may kakaibang ngiti habang nakatingin sa'kin. Nagtataka lang ako, walang ginagawa yung classmates ko at tuloy lang sa pagkukwentuhan. Ganito ba sa Korea? Walang galang sa mga teachers porke mukhang bagets pa yung professor namin?

"Sige upo ka na." Sabi ng lalaki. Umupo ako agad pero nagtanong ako.

"Sir, ipapass ko na po yung classcard ko?" Magalang kong tanong. Nakaupo na nakasandal sya sa table habang yung class namin kala mo walang professor sa harap. Naaasar ako sa attitude ng classmates ko!

"Ah.. sige." Sabi nya. Nagmamadali kong kinuha sa bag ang classcard ko at ipinasa sa kanya.

"Wala ka bang picture?" Tanong nya. Napahinto ako.

"Sorry, Sir.. wait.." Hindi kasi nakalagay na kailangan mag-attach ng photo sa classcard. Hiningan na kasi ako sa registrar akala ko naman recorded na yun. Buti na lang may naitago pa akong picture sa bag ko kaya may naibigay ako sa kanya.

"Hmmm... nice.." Tatangu-tango nyang sabi habang nakangiti pa din na tiningnan ang picture ko. Ewan ko pero parang may bahid ng kamanyakan yung pagtingin nya sa picture ko.

"Namjoon! What are you doing in my table?!" Isang lalaki pa ang pumasok. This time, may edad na ito at mukha talagang kagalang galang.

"Good morning, Sir! Inayos ko lang yung table, Sir para comfortable kayo mamaya." Nagmamadaling umalis yung unang lalaki.

"Ha?" Napatanong na lang ako sa ere. Nalito naman daw ako sa pangyayari... sino ba yung professor namin talaga?

"Akala mo ako yung professor noh? Hahahaha!" Pinagtawanan ako ng lalaki bago dumiretso sa likod.

Nagblush ako sa kahihiyan nang marealize ko ang ginawa nya. Shet! Mukha akong tanga! Kala ko sya yung professor! Kaya naman pala di natitinag yung mga classmates ko!'

The Monster Holds My Heart (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon