Manyak Daw

102 7 6
                                    

"Paano tayo matutulog nyan?" Tanong ko na mahinahon kahit naghihysterical na ang isip ko.

"Pipikit?" Tanong nya sa'kin.

Maygaaahhddd gusto ko na syang sapakin! Ang seryoso naman sana ng tanong ko, sinagot ng kagaguhan! Buset na 'to!

"Pasalamat ka at may utang na loob ako sayo dahil pinagluto mo 'ko. Magtino ka naman!" Naiinis kong sagot na nagpangiti pa sa kanya. Nawala na naman yung mata nya. Naisip ko nga baka nalilipat sa dimples nya.

"Oo na po.." Nagbuntong hininga sya sabay dala ng mga plato sa kusina. Sinundan ko sya don.

"Sa sofa ako matutulog. Ikaw umakyat ka na sa kwarto para makapagpahinga ka na." Ayun! Nakausap din ng matino!

Bigla naman akong naawa. Sa sofa sya matutulog, napakalamok kaya dito sa baba at wala pang aircon! Sa kanya pa naman tong place pero mukhang di sya magiging comfortable sa pagtulog.

"Sure ka ok lang sa sofa ka?" Nahihiya kong tanong.

Napahinto sya sa paghuhugas ng plato para tumingin sa'kin nang seryoso.

"Jhae, pwede naman tayong matulog ng magkatabi sa kama sa taas, pero ngayon lang kita nakilala at hindi pa tayo close. Baka mamaya kung ano gawin mo sa'kin..mahirap na... Hindi naman sa wala akong tiwala sayo pero hindi ko ikocompromise ang puri ko." Pinamulahan ako ng pisngi sa mga sinabi nya. Hindi ko alam kung mapapahiya ako o maiinis sa sinabi nya.

"Grabe mukha ba kong manyakis ha?! At ikaw pa talaga ang nag-iinarte nang ganyan, ako itong babae! Kapal mo ah! Wala akong gusto sayo noh! Feeling mo si Lee Minho ka?!" Pinagtatawanan nya ko habang nagsasalita ako. Kainis talaga! Magalit ako at hindi, tumatawa pa din sya! Maaga 'tong mag-aasawa!

"Jhae, ang cute mo mainis nagbablush ka! Masyado ka kasing worried sa mga bagay-bagay. Wag kang mag-alala, sa sofa nga ako. Ok lang ako dun." Ginusot nya yung buhok ko na parang bata ako. Nalagyan ng sabon yung buhok ko grrrr!

"Galawin mo na lahat sa'kin wag lang yung buhok ko!" Sigaw ko sa kanya sabay abot ng tissue paper sa gilid para punasan ang 'mabula' kong buhok.

"Maliligo ka naman bago matulog di ba? Unless na lang dugyot ka." At naasar na naman ako sa sinabi nya kaya napawalk-out na lang ako paakyat sa taas.

Inayos ko ang mga gamit ko sa empty cabinet na malapit sa kama. May drawer pang isa kaya sa kanya na lang siguro yun. Hindi ko na pinakialaman kung ano ang ginagawa nya sa ibaba basta nakakarinig ako ng kaluskos. Siguro inaayos nya yung sofa na tutulugan nya.

Naliligo na ako nang may marinig na naman ako. Parang may umuungol na umiiyak. Nung una binalewala ko, baka naman nagha-hum si Namjoon at baka pangit boses nya kaya mukha syang dagang umuungol. Nung pangalawang dinig ko, narealize ko na maganda nga pala boses nya at lalaking lalaki yung boses nya kaya hindi pwedeng parang babae yung naririnig ko.

Kinilabutan ako. Una, hindi ko alam ang history ng bahay na ito. Pangalawa, mag-isa ako at sabi nila karaniwan nagpapakita yung multo pag mag-isa ang tao!

Juicecolored! Nagmamadali akong nagbanlaw ng buhok at katawan. Halos liparin ko ang cabinet para magbihis ng pantulog. Kumaripas ako ng takbo pababa nang marinig ko na naman yung parang umiiyak na umuungol.

"Namjoon!" Tawag ko. Humihingal ako at nagulat pa sya na bigla na lang akong bumaba.

Kasalukuyan syang naglalatag ng bedsheet para mabalutan yung sofa. Pansin ko din na nakapagpalit na sya ng damit. Tshirt at shorts. Kahit simple lang yun at mukha syang evacuee, ang neat nya tingnan. Teka, saan toh naligo iisa lang naman ang CR?

"Saan ka naligo? Di ba sa taas lang yung Bathroom?" Tanong ko.

"Sa kabilang apartment. Ayaw na kasi kitang istorbohin akala ko tulog ka na kaya nakigamit na lang ako ng bathroom sa kabila. Kakilala ko naman yung nandon." Paliwanag nya. Speaking of dapat tulog na ako, naalala ko na naman yung kanina.

The Monster Holds My Heart (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon