Kasalukuyan kaming naglalaro ngayon for the P.E subject, pre-requisite daw kasi yan sa lahat ng school dito sa bansa kaya kailangan pang itake. Tsk! I thought wala na talagang P.E pagcollege.
Nakasuot ngayon ang girls ng black jogging pants and red shirt and for the boys naman ay black pants pero yung shirt ay blue.. Geezz, the combination is really cool. We are playing volleyball while yung boys ay basketball. Tsk. Ang aarte pa naman nitong mga kaklase ko.
“Hebner, watch out!” nakarinig ako ng sigawan kaya napalingon agad ako sa direksyon nito pero too bad, may naghihintay palang bola ng basketball sa akin. Agad na dumilim ang paningin ko at napaupo, kaya ko pa naman ang sarili ko dahil hindi ako katulad ng iba na matamaan lang ng bola ay nahihimatay na.
“Are you okay? I’m sorry. Sh.t!! You’re bleeding” sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay yung nakatama sa akin ng bola. Hinarap ko siya upang pagsabihan ngunit, sh.t! Bat ang gwapo nito? Lahat ba ng lalaki dito sa university may mga itsura?? Tsk, dati wala naman akong pakialam kung gwapo o hindi ang isang lalaki, lumalandi na ba ako? Tsk!
“O-okay lang ako” sabi ko sabay hawak sa ilong kong dumudugo. Sh.t, ang sakit sa ulo, mukhang naalog pa!
“Common, I’ll bring you to the clinic” hindi na ako nakapagsalita dahil binuhat niya ako, bridal style, at pumunta sa clinic. Saan kaya ang clinic dito? Hindi naman sa akin naturo ni Ash nung tinour niya ako.
Habang naglalakad siya ay pinagtitinginan kami, or should I say ako, ng tao as if may nagawa akong kasalanan, Tiningnan ko ang lalaking nagbubuhat sa akin, pamilyar ang mukha niya sa akin. Dark grey eyes, pointed nose, pinkish lips, strong jaw line at mukhang nagpa-tan ang kulay niya. His scent is so addictive. Ano kaya ang pangalan nito?
Nakarating kami sa building ng library at pumasok sa isang room na may signage sa labas na clinic.
“Nurse, her nose is bleeding.” Tawag niya sa nurse na nag-aasist sa mga estudyante. Agad niya akong inilapag sa kama ng pahiga, pero hindi ako kumportable kaya umupo ako. Agad namang lumapit ang nurse at pinalabas yung lalaki para gamutin ako.
“What happened to you?” tanong ng nurse habang pinupunasan ako.
“Natamaan lang ng bola” sagot ko. Wala ako sa wisyo upang makipag-usap sa kanya. Masakit ang ulo ko, tsk. Hindi na siya muling nagsalita, buti naman at naintindihan niya ang sitwasyon ko.
Pagkatapos niya akong gamutin ay pina-inum niya ako ng gamot para sa sakit sa ulo then pinagpahinga. Ngunit hindi ako makatulog kaya naisipan kong umalis na ng clinic para bumalik sa klase total hindi na naman masakit ang ulo ko.
“Miss, kilala niyo po ba yung naghatid sa akin dito?” tanong ko sa nurse. Mukhang nagulat siya sa tanong ko pero agad rin namang nakabalik sa dati. Bakit kailangan niya pang magulat??
“He is James Redentor” tinanguan ko lang siya at lumabas na ng clinic para bumalik sa klase.
***
Nang matapos ang klase ay agad akong pumunta sa locker area para kunin ang gamit ko at hinihintay na ako ni Ashley sa parking space. Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong lalaking naka-jogging pants, blue shirt and, the hell, pink hair?!! “Shut your mouth and don’t ever go against my way, again or I’ll kill you” Sh.t, nang magkatama ang mga mata namin ay nakaramdam agad ako ng kaba kaya napatalikod ako para maglakad pabalik.
Sa kasamaang palad, may nabunggo akong poste sa tigas ngunit pag angat ko ng ulo ay hindi pala poste, kundi isang tao.
“James,” mahinang sambit ko sa lalaking nabunggo ko. Ngunit hindi niya ako pinansin bagkus sinamaan niya ng tingin ang lalaking nasa likuran ko ngayon.
“Montreal” galit na bulong ni James kay pink guy! Magka-away ba sila? Sinusubukan kong lumakad pero hindi ako makaalis dahil sa tensyon na nararamdaman ko. F.ck,, nasa gitna nila ako habang nagpapatayan sila ng titig.
“Redentor” rinig kong sambit ni Greg kaya napatingin ako sa direksyon nito. Nakangisi ito habang nakapamulsa sa harapan namin ni James habang may nakasabit na bag sa kaliwang braso niya.
“Uhh” hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napasalita ako dahilan para makuha ang atensyon nilang dalawa. Ramdam ko ang dalawang matang nakatitig sa akin sa oras na ito.
“So, we meet again,, eavesdropper” nakangising sabi ni pink guy sabay tingin sa akin, Agad akong napaatras dahil sa sinabi niya, those eyes, mukhang may pinaplano ito. Naramdaman ko na lang na may kumapit sa braso ko kaya nilingon ko ito. Si James.
“Let’s go” mariing sabi nito habang tiningnan si pink guy ng masama na nakangisi pa rin hanggang ngayon. Kinaladkad ako ni James hanggang sa malampasan namin si pink guy na pagak na tumatawa. Ngunit hindi pa kami nakakalayo ng magsalita siyang muli.
“Still being protective? I thought you’re a complete selfish bastard, Redentor” nakita kong kumuyom ang mga kamao niya at napahigpit ang kapit niya sa braso ko. Ngunit agad rin itong nabawi, mukhang nag-iingat siya sa mga kinikilos niya ngayon.
Nagsimula na ulit kaming maglakad hanggang sa parking space ng school. Yung gamit ko hindi ko pa pala nakukuha. Tsk!
“Go home” iniwan niya ako sa harap ng kotse ni Ashley. Paano niyang nalaman na dito ako pupunta? Agad din siyang naglakad papalayo at pumunta sa isang blue lamborghini na kotse, tsk, dream car!! Pero salamat na rin sa kanya at tinulungan niya akong makawala sa pink-headed guy na yun.
“Becca! Kanina pa kita hinahanap ah, where have you been?” tiningnan ko si Ashley na hinihingal at pawis na pawis dahil siguro sa kakahanap sa akin. Binuksan ko ang kotse niya at pumasok sa loob. Kinuha ko ang tissue then tinapon sa kanya sa labas para magpunas.
Ng maayos niya na ang sarili niya ay agad siyang umupo sa driver’s seat at tumingin sa akin.
“Are you okay? I heard na natamaan ka ng bola kaya chineck ko kung nasa clinic ka” tanong niya, halatang alalang alala siya sa nangyari. I smiled at her at tinanguan siya. She smiled back at nagsimula ng paandarin ang kotse.
Napatingin ako sa labas ng bintana at nalagpasan kami ng isang blue lamborghini.
“James” mahinang sabi ko at sinundan ng tingin ang kotseng humaharurot sa harapan namin. Redentor, James. Pamilyar, tsk, baka napaparanoid lang ako.
“Nagkita na kayo ni James?” gulat na tanong ni Ashley, bakas sa mukha niya ang pagkatuwa kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. Nagkita, what does it mean?
“Siya ang tumulong sa akin kanina, you know him?” mas lalong lumaki ang mata ni Ashley dahil sa sinabi ko. Why? What the hell, what’s happening!!
“What??” tanong ko dahil mukhang bumagabag sa kanya ang sinabi ko kanina.
“Ahh,, I mean.. Nagkita na pala kayo ng anak ng may-ari ng school, hehe” Tsk. That’s all? Eh ano naman kung siya ang anak ng may-ari ng school. Should I praise him with that?, Siguro ay yun din ang ipinagtataka nung nurse kung bakit di ko siya kilala. Kaya pala pinagtitinginan kami kanina.
“Yeah, tsk I forgot to thank him” siyempre kailangan ko pa ring magpasalamat sa kanya dahil dalawang beses niya na akong tinulungan. And that pink-headed guy, he’s really scary.
“Uhh, you should talk to him and thank him for saving your life” she said then smiled. A cheerless smile. What’s happening to her? Palagi namang siyang cheerful pero mukhang may bumabagabag talaga sa kanya.
“I will. Are you alright? Mukhang malungkot ka?” tanong ko sa kanya. Umiling siya at ipinagpatuloy ang pagdrive, tsk! I know her too well kaya alam kong may gumugulo sa isip niya.
Hindi ko na lang yun inintindi dahil halata namang ayaw niyang mag-share, I respect her secrecy. Kumain lang kami and after that, napansin kong bumalik na ang dating Ashley Collinson. Siguro ay nagutom lang kanina kaya ganun ang inasal.
“Good night Ash!” sabi ko sa kanya then pumasok na ako sa kwarto para matulog.
BINABASA MO ANG
This isn't Love
Teen FictionLove is just a word to "HIM" until he met "HER" and give it a meaning.