“Realm University, one of the best school here in the Philippines. They don’t follow the curriculum here instead they go after of the curriculum internationally, so that explains why we’re still batch mates” I looked at Ash na feel na feel ang pagiging tour guide ng makapasok kami sa loob ng campus.
Napakadesente nitong tingnan sa labas and pag pumasok ka sa loob as if you’re not really inside of a school. I can say that the owner of this school is a nature lover because of the forest-like area here at my left. Andaming puno. Andito pala kami ngayon sa parang oval ng school.
“That forest is called woodland, wag ka masyadong tumambay dyan baka magalit yung may-ari nitong school. Yung nasa right wing naman ay ang elementary, high school department. The little kids, they’re so cute!!” childish as ever. Tsk tsk.
“Now Ash, where’s the college department building?” I asked her kasi mukhang nawili ng tingnan yung mga bata na naglalaro with their yaya’s, siguro nag-enroll sila.
“Chill, tara punta na tayo dun” she guided me and dumiretso at tumambad sa akin ang apat na building na may tig-lilimang palapag. Hindi ko ito nakita sa labas, ang makikita mo lang dun ay ang elementary and high school department.
Pumunta kami sa gitna ng buildings na yun. Ano bang ginagawa nito ni Ash? Ang dami ng tumitingin sa amin dahil nasa gitna kami ng quadrangle.
“That building in our front view belongs to our department, the Engineering and architecture department. Yung nasa kaliwa naman ay ang Hospitality management department. At our right is for the computer related course and lastly yung nasa likod ay yung department niyo, the business education department.”
Ok, I agree. Ashley is good on this field!! Why’d she didn’t take tourism?
“As you’ve noticed, konti lang ang course available sa university kasi ang course na yan lang naman ang pinag-aaralan ng mga mayayamang pamilya. This is an exclusive school for elites who are going to be an heir someday” she continued. Thought so!! But saan ang cafeteria dito? Ang library?
“Gutom na ako Becca, halika sa cafeteria, daming pagkain dun” that answers my question. Pumunta kami sa likurang bahagi ng campus at may dalawang building tumambad sa akin. Yung isa pahaba lang at isang floor lang. Yung pangalawa naman mahaba rin at dalawang floor.
“Yun pala, library yun. Wag na tayong pumunta dun at wala pa naman tayong ireresearch” turo niya sa pangalawang building. So it means yung pahaba ang cafeteria.
Pumasok na kami sa loob and marami rami rin ang estudyanteng kumakain. Nagmukha itong restaurant dahil sa interior. May mahabang lamesa na puno ng pagkain at may mga nagse-serve ng food, gosh.. parang nasa hotel lang namin. Pinaupo ako ni Ash sa may bandang gilid at siya na lang daw ang o-order dahil hindi ko pa daw masyadong alam ang mga pagkain dito.
“Lasagna, solo pizza, and diet coke for my best friend. And don’t forget the dessert, blueberry cheesecake” sabi ni Ash habang inilalapag sa table ang inorder niya. Actually pareho lang naman kami ng kakainin, angat lang siya dahil sa yakult niya. Hindi pa rin siya nagbabago, yakult-lover pa rin.
Habang kumakain kami, napansin kong umiingay sa loob ng cafeteria. Curious girl here!! Tiningnan ko sila and nakita kong nakatingin sila sa pintuan ng cafe.
Six guys looking so handsome are now entering the cafeteria. All of them wear stylish clothes, have rugged hair brushed into different angles and they have dark circles around their eyes, it’s like they put some eyeliner there. Gumagaling na ata ako sa pagdescribe.
“They’re here” rinig kong bulong ni Ash. Mukhang naapektuhan siya sa pagdating ng anim na lalaking ito, okay screw that, lahat pala ng tao sa cafeteria na ito ay naapektuhan nila. Me? I acted like that because I’m curious about them and I don’t know them. Tss.
Nakita kong umuupo sila sa table na nasa gitna. Kanina ko pa tinitingnan yung table na yan kasi ito yung pinakamalaki, may 12 chairs siya at ni isa walang nagbabalak na umupo.
“Who are they?” kunot-noo kong tanong
“They are the Fiends. Composed of 12 handsome guys and sikat sila dito sa school especially sa girls dahil mayayaman na, matatalino and may mga itsura talaga.” pagpapaliwanag niya with twinkling eyes.
Fiends?? Like demon. Bakit naman yun ang pangalan ng group nila eh ang a-amo ng mga mukha nung mga lalaking yun despite na mukha silang thugs. Mukhang napansin ni Ash ang pagkalito ko kaya nagsalita ulit siya.
“Tsk. How will I say this? So as I’ve said they call themselves a fiend, their family involves in the underground society. In short the mafias. Lahat sila ay considered na consigliere or the boss’ right hand-man. Kaya nakakatakot sila.” Halos mailuwa ko yung blueberry cheesecake na kinakain ko dahil sa narinig ko. Seriously? Mayroon pa pala nun and siguro naman hindi sila gagawa ng mga mafia activities dito sa school.
“You said 12 silang lahat, bakit anim lang ang andito?” I asked her.
“It’s because yung iba nasa ibang bansa, don’t ask me on what they are doing there because I don’t know also. Si Greg, siya ang leader ng gang nila and his father is the boss of all the bosses of the mafias. The Montreal Mafia.” Geezz.. May ganitong klaseng estudyante pala ang nag-aaral dito, very powerful.
Tiningnan ko ang table nila and someone caught me and he winked at me. Playboy!! I just rolled my eyes on him. I don’t care if he’s into mafia. Nakita kong tumayo siya and pumunta papalapit sa amin. Okay, now I’m nervous but I keep my cool. I didn’t do anything, right? So why be afraid?
“Hi Ms. Secretary, who’s this new kid here?” tanong niya kay Ash at umupo sa tabi nito so magkaharap kami. Si Ashley nga pala ang secretary ng student council dito.
“Hi Harris!! She’s my best friend Becca and dito na rin siya magco-college” OKAY. Nagpapacute ba tong si Ashley? Sabagay, napakagwapo nga nitong lalaking kaharap ko na katabi niya and I can smell his scent, very manly.
“Hi Becca, welcome to realm university. I’ll make sure that you will enjoy your school days here.” Tinanguan ko lang siya dahil wala naman talaga akong balak magpakilala at tinuloy ang pag-ubos sa cheesecake ko.
Di naman siya nagtagal at umalis na rin para pumunta sa table nila. Geez, kung kaninang wala sila ay maingay ang cafeteria, ngayon ay parang nasa library kami. Tunog lang ng mga kutsara’t tinidor ang maririnig. Siguro ay takot ang mga estudyante na makagawa ng ayaw nila at mapagdiskitahan ng mafia.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami dahil maggagabi na rin. What can I say about my school?? My school is cool, tsk. Very disciplined and I think maganda rin ang standards ng kanilang pagtuturo dahil may magaganda silang facilities. And the library, it’s really cool, LITERAL. Because of the aircon. Pinilit ko talaga si Ash na pumasok dun buti pumayag.
Nakuha na rin namin ang schedule ng klase namin. Buti wala masyadong vacant, ayoko kasi maraming idle moments kasi pag nabore ako, may posibility na umuwi ako.
So I guess, I’m ready to go to school next week. College life, please be easy for me.
BINABASA MO ANG
This isn't Love
Fiksi RemajaLove is just a word to "HIM" until he met "HER" and give it a meaning.